Chapter 43

27 1 0
                                    

France

"O-okay..." 

Sinag nodded in satisfaction. "Thank you, France. Sige, pahinga ka na." 

"Okay... Thank you din." 

Upon closing the doors, I clutched my chest as I feel the wild flutter beneath my fingertips. Ang init-init rin ng pakiramdam ko. 

Ang daming nangyari ngayong araw. Ang plano ko lang, magpahinga sa villa dahil grabe ang pagkabugbog ng katawan ko sa mga ginawa namin ni Sinag kahapon. But things went utterlly different today. 

Nakapahinga man ang katawan ko, ang puso ko naman ay patuloy pa rin sa paghu-humerantado. 

Manonood kami ng pagsikat ng araw bukas...  That idea brings shiver to my spine. It's been a decade since we last did it. Ganoon pa rin kaya ang magiging epekto noon sa akin? O mag-iiba na dahil sa lahat ng napagdaanan naming dalawa? 

Sobrang dami ng emosyon ko ngayon, hindi ko na alam kung makakatulog ba ako ng maaga para bukas. 

Naligo lang ako at nagbihis ng pajamas bago umakyat sa kama ko. Nakatitig lang ako sa kisame, dahil hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Nagpagulong-gulong na rin ako, wala pa rin. Mukhang hindi ako papatulugin ng mga iniisip ko ngayon. Kayanin ko kaya gumising ng umaga? 

"France? Gising ka na ba?" 

Nagising ako nang marinig akong may kumatok mula sa pintuan. Tinalikuran ko ito at itutuloy na sana ang tulog ko nang maalala ko ang plano namin ni Sinag. Agad akong bumalikwas ng bangon. 

"France?" 

"Gising na!" sigaw ko.

 Nagmamadali akong pumunta sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Nakakahiya naman kung lalabas ako na may morning breath. Wala na akong plano magpalit dahil manonood lang naman kami sa dagat. 

Paglabas ko, nasa salas na si Sinag at nagcecellphone. Katulad ko, pajamas lang rin ang suot niya. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ko kaya napalingon siya sa gawi ko. 

Grabe, ang gwapo pa rin ni Sinag kahit naka-pajama lang siya. He's just wearing a simple black shirt and red checkered pants, yet he still managed to look good. 

Sana all. 

Tumayo na siya at itinago ang cellphone sa pajamas niya. "Tara?" 

I briefly nodded my head. Naglakad na kami palabas, kung saan medyo madilim pa rin ang langit. Saktong pagdating namin sa dagat, sumisilip na ang araw. 

Both of us sat beside each other, our shoulders brushing against. That brief contact sent a whole electricity to my spine, enough to awake my whole system. Pero kahit napapaso ako, hindi ko magawang umalis o lumayo man lang. Somehow, the sparks are addicting. 

Tahimik lang kaming dalawa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa harap namin. The sun hasn't rose yet, but the sky slowly turns brighter. 

"Alam mo ba, ngayon ko lang ulit napanood ang pagsikat ng araw." 

I glanced to his direction, my eyebrows rose. "Talaga?"

Nakita ko ang pagpula ng mga tenga ni Sinag. He looked back at me with deep and intense stare. "I told you, hindi ko na kayang tignan muli ang araw kapag nawala ka." 

Umiwas ako ng tingin. Niyakap ko ang mga binti ko para itago ang pamumula ng mukha ko. 

"Ako din..." I admitted in a low and soft voice. 

"What do you mean?" tanong niya sa akin. 

I casually shrugged my shoulders, trying my best to mask my emotions. "Hindi ko na napapanood ang araw. Busy, e... Wala akong oras."

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon