France
"Ang daya naman!"
Tumawa kaming tatlo nina Sinag at Leonel sa reaksyon nina Sid at Vic. Ang dalawa, nagluluksa dahil natalo sila sa pustahan.
"Siguro, pinagplanuhan niyo 'tong tatlo!" pag-akusa sa amin ni Vic.
"Oo nga! Hindi ba't bawal pang maging kayo hangga't hindi pa kayo tapos?" dagdag ni Sid.
"E, anong magagawa ko? Sinagot ako?" mayabang na sabi ni Sinag.
Umirap ang dalawa. "Sumbong ko kayo, e." sabi ni Vic.
Alam ko namang biro lang 'yon, pero nag-aalala pa rin ako. Ngayon pa lang kasi ako magtatago kina Nanay. Kinakabahan ako na baka kapag nalaman nila, magalit sila sa amin ni Sinag. Mawala pa ang tiwala nila sa amin.
Hindi ko naman kasi talaga gustong magsinungaling sa kanila. Kaso lang, nahihirapan na rin ako. Baguhan na nga ako sa ganito, tapos wala pang label ang relasyon namin ni Sinag? Ang hirap lumugar at mangapa kapag ganoon.
Besides, I've spent my whole life trying to be their best daughter. I had always obey their rules without any hesitation, even if sometimes I really find it unfair and absurd. Ngayon ko lang pipiliin ang gusto ko. Hindi naman siguro mapupunta sa wala ang lahat ng effort ko para maging mabuting anak dahil lang sa isang bagay na tinatago ko.
Nakita ata nina Vic na nagbago ang mukha ko kaya agad niyang binawi ang sinabi niya. "Joke lang, gagi! Safe ang secret niyo sa akin. Baka Malihim 'to." Finlex niya ang braso niya at hinalikan pa ito.
"Kapag may nagsumbong sa inyo, bubuhulin ko talaga dila niyo." pananakot ni Sinag.
Sumaludo sina Sid. "Noted, boss!"
Our midterms week for the second semester is approaching, at habang tumatagal ay mas dumadami ang workload namin. Ngayong sem ang first research namin for Psychological Statistics kaya sobrang busy kami sa pag-aasikaso ng title proposal.
Akala ko nga, madali na para sa amin ang gumawa ng research since ginawa na naman namin 'to noong Senior High. Hindi pa rin pala. The teachers are stricter this time. Noon kasi, nakakalusot pa ang mga minor mistakes namin sa papel. Ngayon, hindi na.
"Check mo nga itong ginawa namin." Pinakita ko kay Leonel ang Introduction namin. "Hindi ako satisfied, e."
Tinabi ni Leonel ang laptop niya para tignan ang akin. "Sige, check ko."
Ilang araw na kaming gumagawa ng research proposal. Ako ang nagsusulat ng introduction namin, kasama si Venice. Dahil ako ang leader, ako rin ang magrerevise ng mga ginawa ng groupmates ko. So far, so good naman. Matitino ang mga kagrupo ko pwera sa isa.
"Akala ko ba, tropa time? Bakit kayo nagawa ng research?" pagrereklamo ni Vic.
Dahil ang dami naming ginagawa para sa paparating na midterms, madalang na kami magkita-kitang lima. Bukod kay Leonel, si Sinag lang ang nakikita ko parati dahil sabay pa rin kami umuwi. Nabago na ang sched ko at may pang-seven pm ako na klase, pero hinihintay niya pa rin ako.
Ngumuso si Sinag sa balikat ko. "Nakakaselos na 'yang research na 'yan, ah. Kung tao 'yan, baka nasapak ko na 'yan."
Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. Ngumiti lang siya bago kiniss ang balikat ko.
"Eww, landi." Nandidiring tumingin sa amin si Sid.
"Eww, single," ganti ni Sinag at ngumisi. Ngumuso naman iyong isa.
Humalakhak ng tawa si Vic. "Eyy! Ang ulam natin ay tinustang Isidro. Hmm... Ang pait!"
Nagkwentuhan lang kaming apat nang iisod ni Leonel ang laptop ko pabalik sa akin. Binitawan ko si Sinag para ibaling ang tingin ko sa laptop.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.