Chapter 45

21 1 0
                                        

Sinag

"Oh? Ano na naman kailangan mo?"

[Punta ako sa unit mo ngayon!]

Sinensyasan ko ang secretary ko bago ibinalik ang atensyon ko sa magaling kong kapatid. Tumingin ako sandali sa kalendary ko. Anong araw na ba ngayon? Wednesday pa lang, ah. "Bakit na naman? Wala ka bang pasok?"

[Mag-eentrance exam kasi ako diyan, kuya!] Sambit niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Mag-e-entrance exam ka? Bakit? Sigurado na bang gagraduate ka?"

[Oo naman! Valedictorian pa nga, e!] Pagmamayabang ng kapatid ko.

Palihim akong napangiti. Matalino talaga 'tong si Thunder. Maingay at makulit man minsan, pero sobrang bibo niyan sa klase. Noong umattend ako ng meeting dati, lahat ng teachers niya ay favorite siya. Proud na proud ako sa kapatid kong 'to noong araw na 'yon.

Pero dahil isa akong mabuti na kapatid, mas uunahin kong asarin muna siya. Wala lang, boring kasi kapag pinuri ko lang siya. Baka lumaki lang ring ang ulo niya. Mas maganda kung paiinitin ko na lang 'yon dahil iyon rin naman ang ginagawa niya sa akin.

"Weh? Sabi nga ng teacher mo sa akin, hindi ka gagraduate, e." saad ko.

[Luh! Hindi 'yon totoo!] Pagdepensa ni Thunder sa sarili niya.

Bumunghalit ako ng tawa. Ang sarap talaga asarin ng kapatid ko. Parang si Sid, e... Sobrang uto-uto! Kaya ang sarap sarap nilang bwisitin. Palagi akong napapatawa ng mga reaksyon nila. 

"Kailan ka ba pupunta?" tanong ko.

Para mapalinis ko ang kwarto niya at masabihan ko rin si France na pupunta ang kapatid ko. Tae, hindi ko pa nga pala nasasabi kina Thunder na roommates na kami ni France. Patay... Panigurado ay aasarin na naman ako ng magaling kong kapatid.

[Ngayon. Nandito na ako sa tapat ng building ng condominium mo.]

"Ha?!" Gulat akong napatayo. "Nandyan ka na?!"

[Oo nga! Bakit gulat na gulat ka? May tinatago ka, ano?] Suspetya niya sa akin.

"Wala, ah." Pinaluwag ko ang necktie ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay bigla akong nasasakal. "Bakit ngayon ka lang nagsabi kung nariyan ka na?"

[Surprise, hehe.]

"Pangit ng surprise mo. Parang ikaw." saad ko sa kanya.

Tinignan ko ang orasan ko. 5pm na. Maya-maya, naroon na rin si France sa unit. Hanggang 4pm lang ang pasok noon kapag ganitong araw, e.

[Lol. Sure kang wala kang binabahay, ah! Baka mamaya, magulat ako, may damit pambabae na sa condo mo!]

Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko sa narinig. "Gago."

Ewan ko pero kinakabahan ako sa kapatid ko. Technically, hindi ko naman binahay si France. Roommates lang kami. Pero, 'yung isip kasi ni Thunder! Tangina, ang lakas mang-alaska noon, e. Naiimagine ko na ang pang-aasar na gagawin niya kapag nakita niyang sa unit ko nakatira si France.

Chismoso rin 'yon katulad ni Tatay. Paano kapag nakarating sa kanya ang balitang 'yon. Hay, nako! Isipin ko pa lang, nastestress na agad ako. 

Nakita kong may gustong sabihin ang secretary ko kaya saglit kong ibinaba ang cellphone ko para pakinggan siya. "Ano 'yon?"

"You have a meeting with the Food Research Department, Sir." sabi niya sa akin bago sinilip sandali ang relo. "Your presence is needed there right now."

"Okay. Tell them I'm on my way," utos ko sa kanya. Nilagay ko ulit ang cellphone malapit sa tenga ko. "Sige na, sige na. May trabaho pa ako. Bye na."

[Bye, kuya!]

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon