Chapter 26

25 1 0
                                        

France

"Grace, nacontact mo na ba 'yung isang validator na kilala mo?"

Nagmemeeting kami ngayon ng mga kagrupo ko para ayusin iyong final paper. Wala kaming defense this sem dahil kulang na sa oras, pero itong paper at final exam ang requirements namin para makapasa.

"Hala, hindi pa. Wait, ichachat ko na." Dali-dali niyang binuksan ang cellphone niya.

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko. I've been stressing this paper for the past few days, at hindi siya nakakatulong para maibsan ang stress ko. Bukod sa late siya parati magpasa, hindi pa maganda ang input niya. Last time na may ipinagawa ako sa kanya, I had to revise the whole thing dahil hindi nagtutugma ang mga nilagay niya sa topic namin.

"Sana makakuha na tayo ng response para makapag data gathering na tayo later this week." sambit ko.

"Okay, okay. Ito na po."

Diniscuss ko sa mga groupmates ko ang mga gagawin namin for data gathering. First year students ang kinuha naming sample para accessible sa amin kaagad. Inassign ko silang lahat, hanggang sa results and discussion.

"Kaya ba magmeeting sa Saturday? Explain ko lang ulit ang mangyayari sa R&D,"

Lahat sila ay umo-o bukod kay Grace. "Hindi ako sure, e. May important commitment kasi ako niyan."

"Hindi ba 'yan pwedeng icompromise?" tanong ko. 

As much as possible, gusto kong intindihin si Grace. Pero ang unfair naman kung parehas ang score niya sa amin, gayong hindi naman siya nageexert ng same effort. Kawawa rin naman ang groupmates ko.

"Titignan ko. Pasensya na."

Hindi na ako sumagot. Ayokong magkaroon ng kaaway kaya hindi na ako nagsalita. After our meeting, bumalik na kami sa dati naming mga upuan. Sakto, dismissal na kaya lumabas na kami nina Leonel.

"Dorm tayo? Ang haba ng vacant natin, four hours!" ani EJ sa amin.

Wala ako sa mood na tumango. Busy rin 'yung tatlo kaya hindi kami magkakasabay kumain. Si Sid, may tour sa Manila habang 'yung dalawa, busy rin sa dissertation nila. Hindi rin ako masusundo mamaya ni Sinag dahil may meeting sila pagkatapos para sa isang groupwork.

"Nakakapikon talaga si Grace! Ano? Siya lang ba ang buhay sa'min?" rant ni Venice pagdating namin sa dorm. Initsa niya ang bag niya at nagpunta sa mini kitchen nila para magluto ata. 

Tinanggal ko ang sapatos ko bago ko isinarado ang pinto. Pagod na pagod ako kaya humiga ako sa kama ni Kia, malalim ang paghinga.

"Tanggalin mo na kaya, France? Para hindi ka na nastestress!" Suggestion ni Kia.

"Oo nga! Kesa tayo ang binabadtrip niya palagi!" Nakahawak si Venice sa beywang niya at may hawak pang tongs.

Actually, naisip ko na 'yon. Kaso, nakokonsensya ako. Major namin ang Psych Stats at kung hindi siya makakapagpasa ng papel, matatanggal siya sa program.

"Nakakaawa naman..." Hindi pa naman kami tapos sa research, e. Baka bumawi pa siya sa huli. Sana.

"Kung ako 'yan, tanggal agad siya sa akin." Seryosong sabi ni Leonel. "I don't want to waste my time and energy waiting for them. Ipagdadasal ko na lang sila."

Umagree naman si EJ na nagcecellphone sa kabilang bunk bed. "True the rain! Kaya kay Papi Leonel ako, e!"

Tinanggal ko muna sa isip ko si Grace at ang research. Kung parati ko silang iisipin, baka ako na ang mabaliw. Nagchismisan na lang kaming lima habang kinakain ang niluto ni Venice.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon