Chapter 12

26 0 0
                                        

France

"Okay na ba 'tong lahat?"

"Opo, Tatay." sagot ko.

Nasa bukid kami ngayon kasama si Sinag. Biglaan kasing napag-desisyunan nina Sid na dito magsleep over bago kami grumaduate bukas, kaya nandito kami ngayon. Hapon pa naman ang graduation ceremony kaya ayos lang. May oras pa kaming makapag-ayos, basta maaga kaming magigising.

"Sige. Iwan ko muna kayo rito, ha? Pupunta lang ako roon sa kanluran." Hinalikan ni Tatay ang ulo ko bago kinuha ang sumbrero niyang pangsaka. 

Kumaway ako sa kanya. "Bye, Tay. Ingat ka."

"Bye po, Tito." Kaway rin ni Sinag. 

Pag-alis ni Tatay, bumalik na agad ako sa loob ng kubo upang ayusin ito. Hindi naman ito marumi dahil araw-araw itong nililinis ni Tatay bago umuwi, pero aayusin ko na lang ulit para maiwasan ko si Sinag.

Wala pang isang linggo simula noong narealize ko na gusto ko siya, pero nahihirapan na agad ako. Gusto ko na lang isabit ang sarili ko sa puno dahil sa mga maling desisyon ko sa buhay. 

Nakakainis... Minsan na nga lang ako magkagusto, bakit sa best friend ko pa?! Para naman akong hindi nag-kinder.

Ilang araw na rin akong hindi nakakapag-reply ng ayos kay Jeremy. I feel so guilty for him. I know that I will never like him the way he likes me, kaya umiiwas na lang ako. Ayoko siyang paasahin at bigyan ng mixed signals. Balak ko na rin siyang basted-in, hindi lang ako makahanap ng tyempo.

"Anong oras daw dadating ang mga kupal?" tanong sa akin ni Sinag.

Agad akong nagpanic dahil sa presensya niya, "A-ano... Wait..." Nagmamadali kong binuksan ang cellphone ko para tingnan ang chat nina Sid sa group chat. "1pm d-daw."

"Okay," sagot ni Sinag. "Ayos ka lang?" tanong nito.

"O-oo naman." Kinuha ko ang basahan at nagkunwaring nagpupunas. Baka sakaling, hindi niya mahalata ang kaba ko. 

"Sure ka, ha?" paninigurado niya. "Sige, ako na magwawalis ng mga dahon dito sa labas."

"O-okay..." sagot ko, nagpupunas pa rin.

"France."

"Oh?" Kabado kong tanong. Ano na naman kaya ang sasabihin niya? 

"Kalmahan mo lang ang punas sa mesa, baka mabura 'yan." natatawa niyang sabi bago umalis.

Binitawan ko ang basahan at bumuntong hininga. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano ko kaya masusurvive 'tong buong magdamag na kasama siya? Ngayon pa nga lang, grabe na ang kaba at utal ko. 

Habang wala ang iba, ginugol ko muna ang oras ko sa pag-aayos ng mga hihigaan namin mamaya. Lahat na yata ng pwedeng ayusin, ginawa ko na para hindi lang lumabas ng kubo. Tinupi ko ang mga kumot, pinunasan ang mga ibabaw, at naglampaso na rin.

Ang problema ko na lang ngayon ay kung paano ang pagtulog namin mamaya. Maliit lang ang kubo namin, pero mukha namang kasya kaming lima. Hindi ko lang alam kung paano.

"Good afternoon, mga babycakes!" masayang bati sa'min ni Sid.

Maga-ala una na noong dumating sila. Mabuti nga at hindi ganoon katagal. Kung mamaya pa sila, hindi ko na alam kung ano pa ang kukuskusin ko rito sa loob.

"Init na init, may maingay." rinig kong reklamo ni Sinag.

"Saan namin ibababa 'tong mga gamit?" tanong ni Vic.

Naka-sukbit sa balikat niya ang black na backpack habang hawak niya ang isang pulang eco bag na puno ng mga tsitsirya at softdrinks. Si Leonel ang may dala ng mga plastic bag na puno ng gulay at prutas, habang cooler naman ang hawak ni Sid.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon