France
"France! Hindi ka kakain?"
Natauhan ako ng marinig ang pangalan ko. "H-ha? Ah, okay lang. Kumain na ako."
"Sure ka?" paninigurado ni Kia. Tumango ako.
"Infair, sarap ng cake ng bff mo, ah!" sabi naman ni EJ. "10/10. Babalikan!"
"Ingay mo." Ismid ni Venice sa kanya. "Kumain ka na nga lang!"
Dahil wala na naman akong magawa, kinuha ko na 'yung mga platong hindi nila ginagamit at dinala ito sa kusina. Niligpitan ko na rin ang mga to para hindi na dumami pa.
Habang nagliligpit, nilapitan ako ni Leonel. "May problema ba?" tanong nito sa akin bago uminom ng tubig.
Ngumiti ako bago umiling. Ayoko nang ikwento pa ang encounter namin ni Sinag, baka hindi ko pa mapigilan ang iyak ko.
I have no idea that my absence during his opening would mean so much to him. I mean, tatlong taon na kaming hindi nag-uusap before that. I thought, wala na akong halaga sa kanya. Noong pumunta naman ako, mukha naman siyang masaya habang kausap si Amari. Ayoko na lang umepal kaya hindi ako nagpakita.
Akala ko, mabuti 'yung ginawa ko. Ayoko lang naman sila gambalain, e... I didn't mean to hurt his feelings.
Suminghap na lang ako bago itinuon ang atensyon ko sa mga kaibigan ko. Tsaka ko na lang siguro iisipin kung paano ako magsosorry kay Sinag.
"Ikakasal na ako!"
Lahat kami ay nanlaki ang mga mata. Sina Vic, umawang pa ang bibig habang ako ay napatakip ng bibig dahil sa sobrang pagkabigla.
Kaya ba niya kami niyaya sa bahay nila? Kasi sasabihin niya sa amin 'to?
"W-Wow! Congrats!" Ako ang unang nagreact sa amin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Finally, ikakasal na si Sid! I'm so happy for him. Three years na rin pala simula ng bumalik si Maki. Grabe, ang bilis naman ng panahon? Tatlong taon na agad ang lumipas?
Sumunod ang mga kaibigan namin sa pagbati sa kanya. Niyakap at tinapik siya ng mga ito sa balikat at likod.
"Naknampucha, ikaw pa talaga ang naunang ikakasal?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Vic.
"Bakit? Sino ba ang akala mo?" Inosenteng tanong ni Sid.
Ginala ni Vic ang mga mata niya sa amin. Agad siyang nagpanic nang makita kaming nakamasid sa kanya. "Wala, gagi! Huwag mo ng isipin 'yon. Ano? Sino best man mo?"
"Syempre ako na 'yan." Prisinta ni Sinag.
Binatukan siya ni Vic. "Gago ka ba? Ang kapal mo namang tumayo sa tabi ni Sid! Parang hindi mo sinasabihan ng tanga 'yung tao noong bumalik si Maki, ah!"
Tinikom ko ang bibig ko para pigilan ang tawa ko. I've witnessed that phase of Sinag. Hindi siya showy, but he has tendencies to be overly protective. Panigurado, galit ito sa lahat ng naging syota ng mga kaibigan namin. Ayaw niya kasi nakikitang miserable ang mga kaibigan niya.
Understandable naman. Kahit ako, nadurog ang puso nang makita kung gaano ka-miserable si Sid noong umalis si Maki. Pero okay na naman. Napag-usapan na ata nila 'yon. Ngayon, they are stronger than ever.
Sana lahat.
"What if si France na lang?" suhestiyon ni Leonel. "I think, she deserve that place the most."
Agad kong tinanggihan iyon. May best man ba na babae? Kung mayroon, ayoko pa rin. Pakiramdam ko, ang awkward tumayo sa harapan.
"Si Nel na lang, para partner niya ang maid of honor ni Maki."
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
Roman d'amourSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.