France
"Nak, gising na."
Minulat ko ang mata ko. Nang makita ni Nanay na gising na ako, hinalikan niya ang noo ko at lumabas na sa kwarto.
"Bangon na ha! Mamaya, nandito na si Sinag!" sigaw niya palabas.
Nag-inat lang ako saglit bago kinuha ang uniform ko. Pumasok ako ng banyo para maligo at maglinis ng mukha. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, pumunta na ako sa hapag kainan.
Naabutan ko si Sinag na nag-aalmusal kasama sina Nanay. Sando lang ang suot niya sa pang itaas, habang ang polo niya ay nakasabit sa likod ng upuan. Nakataas pa ang kanan nitong paa habang nakain. Sobrang komportable na talaga niya sa bahay namin.
Umupo ako sa upuan katabi ng kay Sinag at kumuha ng pandesal na dala niya. Araw-araw nagdadala si Sinag ng pandesal kapag pupunta dito. Palagi pang bago ang dinadala niya. Sobrang aga niya siguro magising. 6:00 pa lang ng umaga, nandito na siya sa'min para mag-umagahan.
Favorite naming dalawa ni Tatay ang pandesal. Hindi ata kumpleto ang umaga ni Tatay kapag walang pandesal at kape. Chocolate spread naman ang lagi kong palaman. Kailangan ko kasi ng matamis dahil hindi ako pinapayagan na magkape ni Nanay. Masama daw ang araw-araw na pag-inom na kape, pero nakakadalawang baso siya sa isang araw.
Pag-upo ko, tumayo naman si Nanay sa likod ko at inayos ang buhok ko. Sinuklay niya ito bago tinirintas. Minsan ay napapa-aray ako dahil sa higpit ng pagkakatali ni Nanay. Ang tagal na niyang inaayos ang buhok ko, pero 'di pa din nasasanay ang anit ko sa kanya. Pakiramdam ko, inilalabas niya sa buhok ko lahat ng naiipon niyang sama ng loob.
Nang maabot ni Nanay ang dulo ng buhok ko, inabot ko sa kanya ang itim kong pantali. Noong elementary ako, kumpleto namin ni Nanay ang lahat ng kulay ng pantali at headband. Nanonood pa si Nanay noon ng mga videos sa internet patungkol sa mga braiding styles tapos gagawin niya sa buhok ko. Never akong nagpaikli ng buhok dahil gustong-gusto ni Nanay na inaayusan ako.
"Sinag, gusto din daw nina Hyacinth ng tinapay." saad ko nang makita ko ang chat ni Hyacinth sa group chat namin.
"Ilan daw?" tanong niya. Humigop siya ng kape at inubos ang tinapay na nasa plato niya.
"Thirty pesos," sagot ko.
"Sige. Marami ako sa bag." Tumayo siya at pumunta sa kusina para ilagay ang ginamit niyang plato at baso sa lababo. Binuksan niya ang gripo at hinugasan ang ginamit niya.
Naunang umalis sa'min si Nanay at Tatay. Sa bukid ang punta ni Tatay habang sa prutasan naman namin pupunta si Nanay. May bukid kami na minana ni Tatay kay Lolo. Tinaniman niya ito ng kung ano-anong prutas at gulay. Sa bukid namin galing ang mga pinya at saging na binebenta nila sa prutasan, habang ang ibang prutas ay galing sa supplier nila. Madalang naman kaming bumili ng gulay sa palengke dahil halos galing sa bukid namin ang lahat ng kailangan namin.
Pagkatapos kong kumain, nilagay ko na din ang mga ginamit ko sa lababo. Agad itong niligpitan ni Sinag. Bumalik ako sa banyo para mag-toothbrush bago ako pumunta sa kwarto para ayusin ang gamit ko.
Nilock ko ang bahay nang umalis kami. Buti na lang, may tricycle na tumigil sa harap ng bahay namin kaya nakasakay agad kami. Hinatid ako ni Sinag sa room namin bago siya pumunta sa room nila. Sabi ko nga, huwag na dahil magkaiba kami ng building, kaso mapilit.
"Ito tinapay niyo, oh." Inabot ko kay Hyacinth ang plastic na may lamang tinapay at umupo sa upuan ko. Umagangg-umaga, naka-upo na kaagad siya sa tabi ko.
"Grabe! Kung hindi ko alam na matagal na kayong mag bestfriend ni Sinag, iisipin kong crush ka noong tao!" sambit ni Hyacinth. Umayos siya ng upo at humarap sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomansSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.