France
"Wala ka talagang jowa, France?"
Umiling ako kina Venice. "Wala talaga."
Sina Venice, Kia at EJ ang bago naming tropa nina Leonel dito sa college. Dahil palagi kaming magkasama ni Leonel, sabay naming nakilala sina Kia. Sila ang kagroup namin sa isang activity sa Science, Technology and Society. Lakat sila ay mabait at nakakatawa, lalo na si Venice.
"E'di wala pang kumakalikot sa'yo?" tanong nito.
Tumatawang hinampas ni Kia si Venice, "Tangina mo, Venice! Inosente 'yang si France!"
Agad na tinakpan ni Venice ang bibig niya. "Hala! Sorry, France!"
"Ano 'yung kinalikot?" tanong ko.
Winagayway ni Venice ang dalawa niyang kamay. "Wala 'yon! Alam mo, France! Bumili ka na lang ng paninda ko!" saad niya at ipinakita sa akin ang mga tinitinda niyang gummies.
"Sige," tumatawa kong sabi at namili sa paninda niya.
"Pero... France," Nilapit ni Kia sa akin ang upuan niya. "Crush? Wala ka din?"
Natigil ako sa pag-kain ko ng gummy candy. Hindi ko alam kung aaminin ko ba sa kanila na may crush ako. Wala pa rin naman kasing nakakaalam noon. Kahit sina Leonel, walang idea.
"Hmm.. Well..."
Venice looked at me, apologetically. "Kasi ano, teh... Bagay kasi kayo ni Leonel."
My eyes widened. Kami ni Leonel? Bagay? "Ha? Kami? " gulat na gulat kong tanong.
Sabay silang tumango. "Oo! Actually, ship namin kayo, first day pa lang!"
Napakurap na lang ako dahil hindi ko alam ang irereact ko. First time kong marinig na bagay kami ni Leonel. Mostly kasi, kay Sinag ako naiissue dahil ito ang palagi kong kasama. Hindi ko tuloy alam kung paano ko 'yon tatanggapin.
"Sira, friends lang kami noon." I retorted.
"Ayaw niyo more than lovers?" pang-aasar ni Venice.
Mabilis akong umiling. "Hindi namin type ang isa't isa."
Mabait, matalino at gwapo si Leonel, pero hindi ko siya type. Masyado kasi siyang matalino kaya baka ma-intimidate lang ako sa kanya. Isa pa, obvious naman kung sino ang type ko. Simula noong nagustuhan ko ulit si Sinag, hindi na ako tumingin sa iba.
If it's not him, then I don't want anyone else.
Si Leonel naman, hindi ko alam kung ano ang ideal girl niya. Tinanong namin siya noon, pero hindi raw niya alam dahil hindi naman pumapasok sa isip niya 'yon. Balak niya kasi talagang magpari after college.
Napaisip tuloy akong bigla. May four years pa bago pumasok ng seminaryo si Leonel. What if, along the way ay makakilala siya ng taong magpapabago ng isip niya? Ano kayang mangyayari? Ang hirap siguro noon.
"Hi, Leonel!"
Bumalik ang isipan ko sa classroom dahil kina Venice. Tinignan ko si Leonel na umupo sa tabi ko. Inabot niya sa akin ang attendance sheet na pinapapirma ni Sir Lozada.
"Paikutin daw, France. Nasa meeting daw siya kaya pwede na daw umuwi after mapirmahan ang attendance. Ako na ang magbabalik sa kanya."
Tumango ako at kinuha ang ballpen sa pencil case ko. Pinirmahan ko ang box na katapat ng pangalan ko bago ipinasa ang papel kina Venice.
"Bakit?" natatawa kong tanong. Iba kasi ang tingin noong dalawa sa akin. O sa amin ni Leonel.
"Wala naman." Kinuha ni Venice mula sa akin ang papel, nakangisi. "May naaamoy lang akong something fishy!"
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomansaSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.