Sinag
"Congratulations, Sinag!"
Ngumiti ako kay Tiya. Bakas sa mukha niya ang saya habang inaayos ang toga ko. Kitang-kita ko rin ang pagtutubig ng mata niya, pero pinipigilan niya ang sarili na umiyak sa harap ko.
"Nakakatuwa naman at tapos ka na ng high school. Panigurado, proud na proud ang nanay mo sa'yo."
Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili na maging emosyonal. Ayokong umiyak, lalo sa harapan ni Tiya.
"Okay na... Aayusan ko naman si Thunder ngayon. Saglit lang." saad niya at nagtungo sa salas kung saan naroon ang kapatid ko, nanonood.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ako makapaniwala na tapos na ako ng high school. Wala rin naman kasi akong masyadong ginawa. Sakto lang.
Pagkatapos ayusan ni Tiya si Thunder ay umalis na rin kami papuntang school. Pagdating namin, halos puno na ang court ng mga estudyante at magulang. Malapit na rin kasi magsimula ang program noong dumating kami. Agad kong hinanap ang tropa ko at si Amari.
"Boss!" sigaw ni Vic at lumapit sa akin. Tuwang-tuwa niyang tinapik ang balikat ko, "Congrats, naka-graduate ka! May bonus pang bebe!"
"Talaga," mayabang kong sabi.
Habang nagsasayaw kami ni Amari noong prom, tinanong ko siya kung pwede ko ba siyang ligawan. Umo-o naman siya. Grabe ang saya ko noon! Nahirapan pa akong makatulog dahil sa sobrang tuwa.
Ngayon, kinakabahan naman ako, First time ko kasing manliligaw. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero so far, so good naman. Wala pa akong ginagawang katangahan sa buhay. Sana rin wala.
Nagulat ako ng may umakbay sa akin bigla, "Ey! Congrats, mga tinga!" sambit ni Sid at tinapik ang balikat ko "Lalo na sa'yo, brother! Konti na lang, bibingo ka na kay Sir Danilo, e!"
Inalis ko ang akbay niya sa akin at inambahan siya. "Huwag mo kong tinatarantado ngayon. Baka hindi kita matantya."
"E'di gumamit ka ng measuring cup," pamimilosopo niya sa akin.
Aambahan ko na sana siya ulit ng dumating si Leonel. "Graduation na graduation, nag-aaway kayo."
Lumipat si Sid sa likod ni Leonel, nakanguso. Akala mo namang aping-api. Hindi ko na lang siya pinansin at binaling ang atensyon kay Leonel, "Congrats, lods. Valedictorian ka."
"Thank you,"
Si Leonel ang valedictorian ng buong strand nila. Hindi na rin kami nagulat dahil kitang-kita naming apat kung paano maging halimaw ang isang 'to sa school. Partida, active president at altar server pa si loko.
"Si France, nasaan?" tanong ko.
Hindi ko pa nakikita si France hanggang ngayon. Imposible namang mas maaga pa ako sa kanya. Never nalate 'yung babaeng 'yon.
"Ayun." Tinuro ni Leonel ang kaliwa ko.
Nakita kong naglalakad papunta sa amin si France. Suot rin nito ang toga niya habang ang kulay light yellow dress niya ay nasa ilalim nito. Dahil may okasyon, naka-kulot ang dulo ng mahaba niyang buhok at may suot rin itong make-up. Hindi gaya noong prom, hindi na niya tinanggal ang salamin niya. Siguro ay nahirapan talaga siya sa contact lenses.
"Gandits, ate!" bati ni Sid at niyakap si France. "Congrats! I am so proud of you!"
Niyakap pabalik ni France si Sid, nakangiti rin. "Thank you, Sid. Proud din ako sa'yo."
Pagkatapos nilang magyakapan, sumunod na lumapit sina Leonel at Vic. Nakipag-apir si Vic habang tinapik naman ni Leonel ang balikat ni France.
"Congrats, France! Sobrang galing mo, grabe! Sana hindi ka pa kunin ni Lord." sabi ni Vic. Hinampas naman siya ni Leonel.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.