France
"Putcha, ang bilis! Second year na tayo!"
Tuwang tuwa pa rin sina EJ habang nag-aayos sila. May four hours vacant kami kaya narito kami sa dorm nila, tumatambay. Patapos na rin 'yon kaya naghahanda na kaming umalis.
"Ayusin mo na buhay mo, ha? Jusko, muntikan na 'yong eviction natin sa bahay ni kuya!" ani Venice habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok.
Nang lumabas ang resulta, agad tumawag sina Venice sa group chat naming lima. Umiiyak sila sa tuwa dahil naroon ang number nila sa listahan. Niyaya pa nga kaming uminom as celebration raw. Sakto, nasa bahay kami nina Leonel, kaya niyaya na namin sila.
"Oo naman!" Tinaas ni EJ ang kanang kamay niya, nanunumpa. "Promise, mag-aaral na akong mabuti!"
"Siguraduhin mo lang. Itatago ko talaga cellphone mo kapag puro online games ang inatupag mo." pananakot ni Kia.
"Mamaya, makita na naman kita sa discord, ha?" biro pa ni Leonel, kagagaling lang sa kusina para uminom ng tubig.
Ito kasing si EJ, adik sa online games! Mas marami pa yata ang oras na iginugol niya roon kaysa sa pagtulog. Lagi siyang puyat, tapos sa classroom bumabawi ng tulog. Mabuti nga at hindi siya sinasaway at kinagagalitan. Wala na kasing pakialam ang mga instructor ngayon. Basta huwag ka lang mag-eexpect ng magandang grade.
"Hindi, promise! Binibinge watch ko na nga 'yung mga videos sa Youtube, e!" Pagmamayabang pa niya.
Binasag naman agad ni Venice ang kayabangan ni E.J. "Oo, tas ginagawa mong background habang nagtitiktok ka," pag-irap niya.
"Break time lang!" pagpapalusot naman noong isa.
Hinayaan na lang namin siya sa gusto niya. Mahirap ring makipagaway rito, ayaw rin talagang magpatalo.
Iba na ang mga courses namin ngayong sem. Excited ako sa General Zoology at Developmental Psychology, pero kinakabahan ako sa Experimental Psychology. Ang dami kasing nagsasabi na 'yon daw talaga ang pinakamahirap na subject ngayong sem.
"May research pala ulit tayo sa Expe Psych, ano?" tanong ni Kia habang naglalakad kami papuntang school.
"Oo. Mas mahirap daw 'yon, e." tugon naman ni EJ.
"Basta ako, isa lang ang hiling ko. Huwag kong maka-grupo si Grace!" Pinagdikit pa ni Venice ang dalawa niyang palad habang nakapikit.
"Ako rin!" Gumaya sina Kia sa kanya. Natawa naman kami ni Leonel.
"Ikaw, France? Payag ka ba?" tanong ni Leonel, nang-aasar.
Tinikom ko ang bibig ko at palihim na umiling. Syempre, hindi rin. Natawa naman siya sa ginawa ko.
Grabe ang stress ko sa kanya last school year. Ayoko nang maulit 'yon! Given na mas mahirap ang course namin ngayon, ayoko na talaga magkaroon ng pabigat sa grupo.
Gaya ng dati, ang first week of classes namin ang nagsilbing course orientation namin. Dito, ipinaliwanag sa amin kung ano ba ang mga dapat naming asahan sa teacher at sa subject. As usual, may nananakot na namang instructor.
"Marami nang hindi pumasa sa subject ko, kaya kayo." Tinuro kami ng Zoology lab instructor namin. "Take this subject seriously or else, you will fail this class."
Tahimik lang kaming nakinig sa kanya. Sina EJ, nakita kong tinatago ang pagka-inis nila. Maging ako, hindi natutuwa sa remarks niya. Failing a student isn't something that an instructor should boast about. Kailan pa nakakatuwa ang misfortune o failure ng isang estudyante? Parang hindi sila dumaan sa ganoon.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
Storie d'amoreSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.