Chapter 5

32 1 0
                                    

France

"Ano sa tingin mo, France? Okay na ba 'yan?" tanong ni Mama.

Nandito kami sa department store para bumili ng susuotin ko para bukas at sa mismong pasko. Nasa fitting room kami at katatapos ko lang isuot ang mga napili kong damit. Binuksan ko ang pintuan ko para ipakita 'yon kay Nanay.

"Maganda po ba, 'Nay?" tanong ko. Gusto ko siya kaso baka hindi gusto ni Nanay.

"Oo naman! Maganda siya. Bagay sa'yo, 'nak." naka-ngiti niyang sabi.

Light pink sleeveless dress siya na mahaba. Pinatong ko ito sa white fitted shirt ko para naman hindi sobrang revealing. Cute naman. Balak kong magsuot ng pink na headband para mas maging buhay ang suot ko.

"Okay na po ito sa akin, Nanay." Naka-ngiti kong sabi.

"Sure ka?"

Tumango ako. Sinarado ko na ang fitting room para makapagpalit ako. Inabot ko kay Nanay ang damit na sinukat ko pagkatapos.

"Regalo na lang ang kulang. May naiisip ka na ba, France?"

Umiling ako. Tinanong ko si Sinag kanina pero hindi matino ang sagot niya sa'kin. Epal talaga 'yon. Gift set daw ng deodorant ang ibigay ko. Minsan daw kasi ay nag-aasim ang kaklase namin kapag sobrang napapawisan. Kahit minsan ay napapansin ko 'yon, hindi ko pa din siya pwedeng gawin. Mamaya, maka-offend pa ako.

"Paano sina Sinag?" tanong niya.

'Yung gift set kaya ang iregalo ko sa kanila? Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Naiisip ko pa lang ang posible nilang sasabihin, natatawa na agad ako.

Sa huli, T-shirt na lang sa Artwork ang binili ko para sa kaklase namin. Uso naman 'yon ngayon sa'min. Wallet naman ang binili ko para sa mga kaibigan ko. Iba-ibang design, para hindi sila malito. Bahala na silang mamili bukas.

Gabi na ng makauwi kami sa bahay. Naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng pajama bago ako nagsimulang magbake ng cookies. Habang nakasalang ito sa oven, inayos ko na ang mga box na paglalagyan ko ng regalo. Nilagyan ko ito ng shredded paper bago ko nilagay ang wallet. Nagsulat din ako ng letter para sa mga kaibigan ko. Ipapatong ko 'to mamaya sa wallet.

Tinawag ako ni Mama nang tumunog ang oven namin. Tumakbo ako palabas ng kwarto at tinikman ang cookies. Masarap naman. Edible.

Pinalamig ko lang sila saglit bago ko sila nilagay sa mga jar. Nilagyan ko ang mga jar ng pulang ribbon para mas gumanda ang itsura nito. Natapos ko ang lahat ng mga regalo ko ng 11pm. Sa sobrang pagod, nakatulog ako agad pagkatapos kong humiga.

Nagising ako ng 8am para mag-ayos. Mabuti at hindi namin kailangang pumasok ng maaga dahil hapon pa ang Christmas Party. May oras pa ako para ayusin ang sarili ko. Naligo lang ako at sinuot ang damit ko. White shirt at denim na jumper skirt ang napili kong isuot para sa Christmas party namin. Medyo mahaba ang skirt ko kaya safe ako sa dress code. Hinati ni Nanay ang buhok ko sa dalawa at binraid ang dulo ng buhok ko. Naglagay din ako ng dalawang white na ribbon sa dulo para mas cute.

Dahil Christmas party, 11 na ng umaga dumating si Sinag. Black buttoned shirt and jeans ang suot nito. Ganap na ganap siya ngayong Christmas Party dahil may suot pa siyang shades at naka-gel pa ang buhok niya. Suot niya ang maliit niyang sling bag habang hawak niya ang malaking paper bag na kulay red.

"Mukha kang langaw," asar ko sa kanya. Feel na feel kasi niya 'yung shades. Nasa loob na ng bahay, hindi pa rin niya ito tinatanggal.

Inalis niya ang shades at tinignan ako ng masama.

"Infairness, mukha kang trudis ngayon." Pagpatol niya.

Hindi ko siya pinansin. Epal talaga.

Tumawa siya at tinuro ako. "Tignan mo 'to! Asar ng asar, pero kapag siya ang inasar, napipikon."

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon