Assassin Xian?
Ano naman ginagawa nang isang to dito?
Siya ang nakakabatang kapatid ni Raven. Matanda nang apat na tatlong taon si Adrian o mas kilalang "Assassin Xian". Mukhang ang laki na nga niya, dati lang mas matangkad ako sa kanya pero ngayon halos magkasingtangkad na kami. Napakalaki nang pagkakaiba ni Raven , masyado masayahin to. Naging apprentice ko siya since fiancee ko ang kapatid niya dati.
"Hello Ate!" nakangiti bati niya sa akin " Sorry napalakas ata ung tulak ko sayo hehehehe" pagkatapos niya tumawa napakamot siya sa ulo.
Inabot niya ang isang kamay at itinayo ako. Masasabi ko si Adrian ang isa sa mga nakakaalam nang istillo ko bukod kay lolo. Malamang apprentice ko siya dati kaya ung iba kilos ko alam niya.
Nakababa kami nang walang nakakapansin at nakaalis nang school nang matiwasay. Isinoli ko ang motor ko sa hide out , nagpalit nang damit at nagpanggap na ulit na Stephanie mahina.
Pagkalabas ko nang hideout napa nga nga nalang ito nakatingin sa akin. Bagkus gulat na gulat na para bang nakakita nang multo. Lumapit ako sa kanya at winawagayway ang aking kamay.
"Uy! Adrian!" Paulit ulit ko winawagayway hangang matauhan na siya. Nanlaki ang mga mata niya at umikot sa harap ko gamit ang mapangsuri na titig.
"Assassin Red ikaw ba yan? Hindi ako makapaniwala?! Isa ka sa Legendary Face sa Academy tapos..." Tumingin siya mula ulo hangang baba " Ganyan ang itchura mo? "
Napabuntong hininga ako at ngumiti sa kanya.
"Ikaw Adrian, hinaan mo lang ang boses mo baka may makarinig. At isa pa wag na wag mo babangitin ang pangalan Assassin Red. Pangatlo ako si Stephanie, tawagin mo ako Ate Stephanie" Umiling iling ako upang makita kung may mga tao ba kaso mukha wala naman. Napagpasyahan ko ilibre tong bata para narin malaman ko kung ano ang ginagawa niya dito sa syudad.
Pumunta kami sa isang Pizza Ice Cream Shop. Umorder siya nang pagkalaki laki at nagmamadali ubusin ito. Pinatapos ko muna siya pakainin bago magusap nang masinsinan.
"Adrian"
"Yes, Assa- , ay Ate Steph bakit?"
"Anong ginagawa mo sa school namin?" Nasamid siya habang umiinom nang softdrinks.
"Kasi... Ano..." napatingin siya sa kanyang inumin at inikot ikot ito.
"Ano?" mataray ngunit mahinahon kong sabi.
"Osige na nga wala na ako magagawa sasabihin ko na."
Napagalaman niya nandito ako sa syudad. Mawawala daw nang ilang araw si Raven at kailangan may magbantay sa akin. Gusto daw niya matuklasan kung sino ang nagpadala nang litrato sa kanya.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...