I'm BACK after 2 years na walang update! First of all I want to say THANKYOU! 1M reads na tayo and 9k followers na me hehe chelemet at syempre ung walang sawa niyo suporta at paghihintay ng dalawang taon 😘 ....Please.. sali din kayo sa FACEBOOK GROUP: Imperial Family of Huangfushan Stories mas doon ako magsasabi kung kelan ako maguupdate. And more stories to come!)
Please enjoy, love love love and stay safe! Sana magtuloy tuloy na din update ko mwahhh!
-huangfushan
Dumiretcho ako ng banyo para magsuka.
Halos pinagpapawisan ng malamig at malagkit ang aking katawan...patuloy parin ako sa pagsusuka kahit wala na ako mailabas pa.
Napaupo ako sa gilid ng banyo at inabot ang tissue ng biglang nagbukas ang pintuan. Agad tumakbo si Raven at hinawakan ang aking likod.
Halos nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang hilo. Medyo nanghihina ako at umiikot ang paningin ko.
Naramdaman kong binuhat niya ako patungo sa aking higaan. Naramdaman kong may tinawag siya at mayamaya ay may bimpo na inilagay sa aking noo.
"Parating na ang doktor, Andrea" diretcho tono.
Napapikit ako ng mata at hinila ng pagod tuluyan, at binuksan ko muli ang aking mga mata dahil nakarinig ako ng mga boses. Kaya kahit di ko pa mamulat ang aking mga mata ay napatingin ako sa pinangagalingan ng mga boses at iyon sa dalawang tao naguusap sa harap ko.
"Natural to sa mga nagbubuntis, wag po kayo magalala walang nangyaring masama sa magina niyo. Kailangan niyo lang po siya pakainin ng masustansya at tamang vitamins para sa baby, bawal din siyang ma-stress ang mommy" nakita ko nagbigay to ng reseta.
Umalis na ang doctor at lumapit siya. Tama ba narinig ko? Hindi ko maintindihan. Nagbubuntis? Mommy? Vitamins?
Tuluyan ko ng binuksan ang aking mga mata, at inalala lahat ng sinabi ng doktor kanina. Nakita niya din mulat na ang aking mga mata, at mukhang alam na narinig ko ang usapan nila ng doctor kanina.
"Normal lang yan sa buntis, pero mas maganda kung aalagaan mo ang sarili mo at magingat para di mapano ang bata. Padadalhan nalang kita ng mga kakailanganin mo pa" tumalikod siya.
"Sandali!"pigil ko sa kaya. Napahinto siya. Pinilit ko makatayo at nilapitan niya ako para alalayan.
"B-buntis ako? Bakit mo to ginagawa? Bakit hindi mo nalang ako pabayaan Raven?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Hindi ba't dapat mas importante ang kapakanan niyong mag-ina kesa sa tanong mong yan?"
"Pero.... nagaalala na din ako sa mga kapatid ko. Binilin sila sa aki-"
"Stop, Andrea ayoko nang arguemento"
"Ra-"
Humarap siya ulit sa akin at nakatitig sa akin.
"Wala kang responsibilidad sa kanila" malamig na. sambit niya sa akin, agad ako umalma at napakunot ng noo. Alam niya ba ang sinasabi niya? Nababaliw na ba siya?
"Kapatid ko sila!" sigaw ko sa kanya at binato ng unan. Hindi siya kumibo at lumapit pa sa akin. Hinawakan ang magkabilang braso ko, Pinagbabayo ko siya sa kanyang dibdib "Gusto ko na sila makita! Hayaan mo ako makita sila" niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko napigilan umiyak. Dala ba to ng aking pagbubuntis?
"In time, kailangan mo muna magpagaling. Para anak mo! Ipapahanap ko sila, please tumigil ka na Andrea, makakasama sa bata yan!" dahan-dahan ako tumigil sa pagbayo at patuloy sa paghikbi. Unti-unti na nagsisink in ang lahat. Hinawakan niya ang aking mukha at pinunasan ang mumunti kong luha.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...