TMCG - Chapter 8

10K 258 13
                                    

Napabangon ako sa kama bunga nang sikat nang araw na mula sa bintana. Masakit ang aking katawan  pati ulo . Natuyuan kasi ako mula sa pagkakasisid sa swimming pool kagabi at ngayon tinatrangkaso rin ako.

Narinig kong may kumatok sa pintuan at pagkabukas non si Magnolia ang bumungad. 

Maydala-dala siyang sopas. 

"Nako be, sisteret talaga meant tayo eh no. Kahapon ako ang may sakit tapos ikaw naman ngayon. Ung totoo?"ngumisi lang ako sa kanya. Kinuha ko ang pagkain iyon at sumubo na. 

"Ayos ka na ba?" tanong ko sa kanya habang hinihigop ang sabaw. 

"Gaga! Papasok ba ako kung hindi na ako okay? Ikaw ang tatanungin ko..okay ka na ba? Bakit ka ba nilagnat?" napalunok ako sa tanong niya. 

Hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil kapag iyon ang kinuwento ko malamang sa malamang hahagalpak sa tawa itong si Magnolia. Sino nga bang maniniwala na nakalapit ako kay sa isang makapangyarihan na God Zeus pero hindi lang iyon niligtas ko at....

Hinalikan pa. 

"Sabi ko nga sayo, umulan kasi kagabi nang malakas at wala ako payong nadala" hindi ko alam kung kakagatin niya iyon. Pero dahil madali siyang mauto....naniwala nga siya. 

"Ay nako be kailangan isama ngayon sa weekly budget iyang payong na yan! Ang ilang daan ay kapalit ay kalusugan. TSK" tumayo na siya at kinuha na ang natapos kong pagkain. 

"Oh siya gurl, you know naman trapik sa Philippines today kasi monday ngayon. Alis na ako. Inom ka nang gamot" tumango ako. 

Humiga ulit ako at nagisip. 

Ngayon nagsisink-in ang lahat. Napahawak ako sa labi ko. 

Kahit lasang alak ang labi niya ramdam ko pa din. Ramdam na ramdam. 

Pagkagising ko mag aalastres na pala nang hapon. Medyo okay na rin ako kaya bumaba ako. Nakita ko si Buknoy nanonood ang t.v

 Agad siya napatayo at inalalayan ako. 

"Ate sabi ni Ate Magnolia di daw ako pwede sa kwarto mo kasi may sakit ka daw" ginulo ko ang buhok niya at pinisil ang pisngi. 

"Okay na ako. Tawagin mo si Ate Batcheng mo pupuntahan natin si Mariyeng at Inang" nung una nagtalo kami ni Batcheng.Dahil ayaw niya pa ako pumunta doon. 

Napagpasyahan ko narin isama si Buknoy. Pero ngayon lang kapag kumpleto kami. 

Pagdating namin, agad napatayo si Marieng at hinalikan ako sa pisngi. Hinalikan ko din si Inang. 

"Ate...pwede ba tayo magusap?" sambit ni Mariyeng. Tumango ako at sinundan siya. 

"Ate sabi nang doktor kailangan na daw maoperahan si nanay..." ginagamit namin ngayon ang loyalty card nang kompanyang pinagtratrabauhan namin Magnolia. At para sa operasyon ni Inang ay nakalista pa para sa approval list.

"Sige tatanungin ko si Magnolia. Tungkol sa approval list"

Dumaan pa ang isang buwan at suma-total dalawang buwan na kami sa Maynila. Naging maayos naman ang trabaho ko at naging successesful ang unang operation ni Inang.

Sabi nang doktor may konti improvement  na kahit papano.

Naglalampaso ako nang sahig nang pinatawag ako ni Mam Sobel.

Kumatok ako at pumasok sa kanyang pintuan . 

"Mam...pinatawag niyo raw po ako?"tanong ko sa kanya. 

"Have a seat..." itinuro niya ang upuan. "Lingid sa kaalaman mo ikakasal na ang may ari nang pinagtratrabauhan nating kompanya" tumango ako. Inilagay niya ang isang invitation. 

"Ayan...pumunta ka. You will serve as a janitor" hindi ko alam ang nararamdaman ko. Para ako nanghihina dahil sa narinig ko ang mga katangang 'ikakasal'. Minsan iniisip ko...kung totoo ba lahat nang mga narinig ko o guni-guni ko lang ang lahat. 

"This week...inabisuhan ako for that pre-party event. Kayo dalawa ni Aling Esther ang papadala nang facility doon" nag-agree naman ako. 

Pagkauwi ko medyo lutang parin ang utak ko. 

Simula noon hindi na ako nangarap nang mataas bagkus ibinabaling ko nalang ang aking sarili sa aking mga kapatid. Pero masama bang mangarap ang isang mahirap na katulad ko? 

Isang bituin na napakalayo abutin. Kung sana ako ang babaeng tinatawag niya..kung ako sana si Stephanie..marahil ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. 

Napaka swerte nong Stephanie na iyon..nasa kanya ang puso ni Zeus. 

Inaamin ko sa dalawang buwan na nagdaan nagkagusto ako sa kanya. Masyado mabilis ang lahat nang pangyayari. Nagising nalang ako na gusto ko na siya. 

Pwede bang mangyari iyon? 

Hindi ako naniniwala sa mga tinatawag nilang fairytales pero kung ako ang magiging tinatawag nilang si Cinderella at siya ang prince charming ko..marahil mamatay ako sa kilig.

Napailing nalang ako at napagtanto....

Gutom lang yan Andeng!  

Kung ano-ano ang iniisip mo.

Kinabukasan pumasok na ulit ako sa trabaho ko. Dumaan na ang tanghalian para makipagkwentuhan sa aking mga kasamahan, kumain at magtrabaho ulit. 

Nang natapos na ako sa aking trabaho nakatanggap ako nang text mula kay Mariyeng. Kailangan niya nang gamit para sa registration sa kanyang eskwelahan bukas. Hindi siya makalabas dahil siya ang nakatoka sa pagbabantay kay Inang. 

Pumunta ako sa isang mall na malapit sa facility.Sa totoo lang malayo parin iyon pero ayon lang ang nakita kong mall na talagang madadaanan ko.  Triple ay hindi lima ata ang laki nang ganto namin sa Palawan.

Habang ako'y naglalakad may nakabangga akong babae. Nagmura siya. English ata? 

Pinulot ko ang mga gamit niya kasabay non inabot ko iyon.

"Stupid Fre-"nang makita niya ako halos mamutla siya. 

Nanlaki ang mga mata niya. Inabot ko ang kanyang kamay pero pinalo niya iyon nang malakas. Kahit nasaktan ako,,,, tinanong ko pa din siya. 

"Okay ka lan-..." bigla nalang siya nagsisitakbo. Iniwan ang mga gamit niya. Pinulot ko nalang iyon at napailing. Mukhang mayaman ang isang ito. 

Para siyang nakakita nang multo. Tinignan ko ang sarili ko..Humaba na pala ang buhok ko at hangang balikat na iyon. 

Panget ba ako? o weird lang dahil mahaba na ang buhok ko?

Sabi sa akin ni Inang simula pagkabata daw ay lagi maiksi ang buhok ko. Pinapagalitan nga ako ni Magnolia eh dahil hindi ko siya pinapakingan. 

Nakita ko ang mga litrato nang bata ako. Maiksi nga. Bungi din ako at laging nakatawa. Namiss ko tuloy si Itang. 

Ibinigay ko sa customer service ang mga pinamili nung babaeng nagtatatakbo. 

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon