6th - Pretend

30.3K 792 9
                                    

Pumasok na ako nang apartment  iniisip ko kung batibong ba ang lahat nang ito. Kaso pinadala to nila lolo. Pagkatapos nang ilang minutong pagiisip napagpasyahan ko nalang na sunugin ito. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang lighter. Untiunti ko nilalapit ang sulat nang may bigla kumatok. Halos mahulog ang puso ko. Itinago ko agad ang sulat at dahan dahan binuksan ang pinto.


"Aling Rhea?" nakangisi kong tanong.

"Ahh.. Stephanie sinisingil lang kita para sa renta mo dito. Halos magdadalawang buwan ka nang di nakakabayad nang utang ah" pasungit niyang sabi. Nakangiti ako at napakamaot nang ulo.

"Aling Rhea, makakakuha na po ako nang pera sa susunod na linggo" nakangisi ko sabi sa kanya.

"Aba! Dapat lang Stephanie " Binaksak niya ang pintuan. Napabuntong hininga ako, sa totoo lang madami naman ako pera pero hindi ko yon ginagamit dahil pera nila mama un. Umiling iling ako, 'Ah basta makakahanap ako nang paraan' 

Napagpasyahan ko matulog nalang at baka mapanaginipan ko ang mga kasagutan ko para sa renta ko.

Kinabuksan maaga ako nagising para magisip kung paano ba ako makakakuha nang alaking pera. Habang naglalakad ako napatingin ako sa karatula "Newspaper and Milk  Morning Delivery for  Hiring"  biglang tumunog ang nasa utak ko at dalidali ako pumasok.

Pagkarating ko nang eskwelahan halos lahat nang tao ay nagkakagulo. Gusto ko makiusosyo nang bigla ako matulak nang nasa harapan ko , ngunit sa di inaasahan nasalo ako ni Steven. 

*gulp*

Nakatinginan ang dalawa naming mata at sabay non ay dahandahan niya ako inalalayan

"Sa susunod magingat ka" sinabi niya un nakangiti, nagiwas tingin ako at bumalik sa tinitignan ko bagkus  di ko narin napigilan at nagtanong na ako sa kanya.

"Steven, anong mayroon doon?" nagtataka kong tanong.

"Ahh..... si Madonna" sambit niya

"Madonna? "

"Oo......tara na nga, kumain ka na ba nang umagahan?" sabay hatak niya sa kaliwang kamay ko. Bigla ako nakaramdam nang electricidad sa buo kong katawan. Ito ang kauna-unahang nakaramdaman ako sa isang bagay. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay *gulp* nagiinit ang pisngi ko ano bang nangyayari sa akin. 

Nakarating kami sa kinaroroonan namin, nakahanda na ang mga pagkain. Nakatingin parin ako sa magkawak namin kamay hangang napansin niya nakatitig ako doon. Binitawan niya agad iyon at nagyaya kumain. Pagkatapos namin kumain nang umagahan bigla niya ako tinanong.

"May assignment ka na ba sa Home Economics?'tanong niya sa akin.

Nung isang linggo ko pa ginawa un pero syempre nakadalawang ulit ako ung isa Disaster at ung isa naman sobrang ganda. Ang hirap talaga magpanggap na dodouble ang gawain.

"Ah....uhhh..Oo kaso medyo fail ung pagkakagawa" isang nagpapanggap kong sabi sa kanya. 

"Akin na? Aayusin natin" inilahad niya ang kaliwang kamay.

"Para saan pa?" nagtataka kong tanong.

"Aayusin natin para naman makakuha ka nang malaking grade" alam ko hindi ako titigilan nito kaya inabot ko nalang ang paper bag kong dala. Aaminin ko nerd nga tong si Steven pero magaling siya salahat nang bagay. Matatawag ko siya genius kaso nga lang... lampa siya, Inayos niya nga ang project ko at not bad pwede na naayos niya to.

"Ayan, siguro makakuha ka na dito nang 80" nakangiti niyang sabi.

"Salamat" pinasok ko ulit ang project ko sa paper bag. Tumayo na kami at naglakad papunta sa classroom. 

Pagkapasok namin pumunta na kami sa kanya kanya upuan nang mapansin ko bakante parin ang upuan ni Raven. Umiling-iling ako at uupo  na sana ako nang nakita ko naktingin si Steven sa upuan ko ngunit mukha napatingin lang siya dahil tumingin din ito sa ibang lugar.

"Oy nerd!" sigaw sa akin nang kaklase kong Bully. Lumapit siya sa akin at nagdamog sa harap ko, kung di lang ako nagpipigil baka nabalian ko na to nang buto! Syempre bilang pagpapangap kailangan magpakita nang kahinaan, inalis ko ang mga matang matatalis at pinalitan to nang maamong nakakaawa tingin sabay huminga nang malalim.

"B-b-bakit?" hay nakakinis kailangan ko ba talaga nang ganoong tono? Konti-tiis lang Step kung gusto mo pang magtagal dito sa syudad. JUST PRETEND....PRETEND magiging okay ang lahat...

"AKIN NA UNG ASSIGNMENT MO!!" pasigaw niya sabi sa akin. Aba! Hoy! baka nabalian ka na talaga at nasa ospital ka pa. Bakit hindi ka gumawa nang assignment mo? Ayan! Puro ka kasi Club! Club! Club! nako. AYOKO HINDI KO IBIBIGAY SAYO!!. 

"M-m-mali ang a-ssignment ko" mahinang sambit ko. Letche talaga bat kasi may pautal utal pa ako nalaman. Konti-tiis lang Stephanie. 

"HA! AYAW MO IBIGAY PWES MAKAKATIKIM KA SA AKIN NANG SAMPAL!" Itinaas niya ang kamay niya at ako naman tong si mahina kahit kaya ko ilagan at baliin ang buto niya ay titiisin ko nalang. Pumikit na ako at Hinihintay ko dumapo ang kamay niya ngunit wala parin. Napamulat ako nang pinigilan ni Steven ang kamay neto. Ano ba yan si Steven naghanap pa nang gulo! Siya naman pagiinitan niyan eh.

"Huh! OY! Ung isa pang nerd!" Kinulwelyohan niya si Steven, konti nalang talaga mapapatol ko na to at babalik na ako sa pagiging Red. 

"Anong karapatan mong pigilan ako STEVEN?" nanlalaki matang tanong nang classmate kong bully.

Itinaas ni Steven ang dalawa niyang kamay at saka nagsalita " Hindi ako pumipigil sa gawain mo, pero ayon sa student handbook pwede ka masuspend bilang president nang klase to" tumingin siya sa amin "ay Concern ako, sige ikaw din"  binitawan niya ang kwelyo ni Steven at humarap sa akin.

"HOY! MADAMOT NA NERD! MAKAKAHANAP KA DIN NANG ARAW" umalis na ang bully sabay  napatingin ako kay Steven na naka peace sign. Kamuntik na siya doon , kamuntik na siya madamay.

Natapos ang klase namin na wala pa naman nangyayari na kahit ano.  Ang grupo namin ang nakatoka maglinis ngayon araw at napagkasunduan namin ni Steven na hihintayin niya ako sa gate. 

Nagpaalam na ako sa mga kagrupo ko naglinis ngayon. Halos 15 minutes na ako naghihintay doonpero wala pa din nagpapakita. Ito ang unang beses na pinaghintay ako ni Steven nang ganon katagal.  May isang black limousine na kotse ang pumarada sa harap ko at marahas ako kinuha . Gagamitan ko sana nang lakas ko nang bigla ako ininjectionan, nakakainis madaya NAUTAKAN AKO.

 Naramdaman ko unti-unti namamanhid ang katawan ko at nagiging blur ang lahat paligid ko hangang  maging madilim na ang buong paligid ko.



Itutuloy...


Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon