TMCG - Chapter 27

1.8K 55 25
                                    

Bumaba ulit ako para kunin ang mga gamit namin ni Zaira pagkatapos dali-dali umakyat sa hagdanan ng nakarinig ako ng pagsabog.

Napahawak ako sa hawakan at medyo tumagilid ang yate! Naramdaman ko na din umiinit ang kapaligiran ko.. dumadami na ang apoy sa yate!

Nakaakyat na ako ng nakita ko napapaligiran na ako ng apoy....Tinakpan ko ang ilong ko ng aking braso para di makalanghap ang apoy!

"Madam!!" sigaw ng butler.

May naisip ako paraan...iyon nalang ang nakikita kong pag-asa, kung hindi mamatay na nga ako. Ikinapit ko lahat ng gamit ko nagsimula huminga at tiniyak na nakasabit ng maiigi ang bag ko,binuhusan ko na din ng tubig ang katawan ko mula sa bag namin ni Zaira para mas gumaan ang pa ang bag ko.

Nakarinig ulit ako ng pagsabog, this time sobrang lakas na talaga, kung hindi na ako makakatalon pa, tiyak mamatay na nga ako. 3, 2, 1

Sinuong ko ang sunog at napapikit sa sakit....pero hindi ko ininda ang hapdi ng naramdaman ko tumalon ako sa dagat at narinig ng tuluyan ang napakalaking pagsabog na iyon bago ako mawalan ng malay.


Nasa madami ako pintuan ngayon, tumakbo ako pero doon lang din ako bumabalik. Binuksan ko muli ang pintuang iyon, at sa pagkapasok ko nakita ko ang batang ako at si Steven. Ito ang panahon na bago palang ako sa student.

"Hi! I'm Steven" inabot niya ang kamay niya sa akin. Tinignan ko lang siya at tinignan ang kamay na nasa harap ko. Imbes na magreact ako, hindi ko siya pinansin.

Hindi ko akalain ang taong inisnob ko noon ang taong mamahalin ko ngayon

Nasa P.E kami at kami ang magkaparter, tahimik lang ako at hindi siya pinapansin. Nagsimula na ako maglakad ng kinuha niya ang kaliwang kamay ko.

"Teka! ung sintas mo" lumuhod siya at tinali iyon. Ngumit siya sa akin "Kailangan mo icheck lagi ang sintas mo, mapapatid ka niyan" tumayo siya at inabot ang kamay niya. "I'm Steven, baka pwede mo na ako maging kaibigan?" 

hindi ko napansin habang tumatagal lumalalim na ang samahan namin.

Nakasandal siya sa likod ko habang ako ay nagbabasa.

"Kung bibigyan ka ng pagkakataon, saan mo gusto maglakbay?"

"Bakit bigla mo natanong?"  kinuha niya ang libro binabasa ko at pinaharap ako " Susundan kita para guluhin, hindi ko matitiis na mawawalay ka sa akin. Maghihintay ako" ngumiti siya sa akin.

Unti - Unti siya lumapit at hinalikan ang noo ko.

Napahawak ako sa aking bibig, isa iyon sa mga ala-ala pinilit kong kinalimutan at ngayon ko lang naalala.  Halos binaon ko iyon sa limot dahil akala ko wala lang..

Hangang sa naging kasama namin si Cheska..ang naging kaibigan namin. Lagi kami tatlo ang magkakasama...na akala ko matagal na niya mahal si Cheska, pero mali ako...ibig sabihin...

Biglang bumukas ang isang pintuan na puro salamin, halos nagiba ang kapaligiran unti-unti to nagiging puti at mas nagliliwanag sa maputing pintuan na iyon kaya pumasok ako at nakita ko Steven. 

"Steven!" sigaw ko! pero ngumiti lang siya sa akin. 

"Paalam mahal kong Stephanie, hindi ka pwede pa pwedeng sumama sa akin"

"Teka, sasama ako sayo! Hintayin mo ako Steven!" palayo siya ng palayo habang ako tumatakbo

"Teka!!!"

Hangang sa tuluyan na niya ako iniwan, agad ako yumuko at sumuko. Di ko rin napigilan umiyak ng may isang kamay ang nagabot sa akin, tinignan ko iyon..si Andrea...ang isang ako.

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon