TMCG - Chapter 7

10.5K 334 36
                                    

Halos sumabog ang puso ko sa kaba nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat at unti-unti  ako humarap sa aking likuran.

 Nanlaki ang mga mata ko si Aling Esther pala. 

"Nako Iha....tara dito bilis"hindi na ako nagtanong pa imbes sumunod nalang ako sa kanya. 

Pumunta kami sa isang kwarto kasama ang cart na aking dala. Saktong narinig namin ang pagbukas nang elevator kaya hindi nanamin pa nasarado ang pintuan. Kaya't nasilayan ko ang labas dahil sa may konti naka-awang na pintuan.

Nag signal si Aling Esther na ako ay manahimik habang may ginagawa siya doon sa isang pintuan at tumango naman ako. 

May lumabas na Walong lalaki. Agad sila pumunta sa kani-kanilang pwesto pero napalunok ako dahil may hawak silang baril! 

Nakaramdam ako nang kaba  dahil...baka mamatay na ako! 

Pero hindi..alam kong hindi ko pa oras. 

Pagkatapos pumesto nang mga lalaking armado. May lumabas ulit na isang lalaki. Mukhang mas bata pa siya sa akin nang ilang taon ...teka saan ko nga ba nakita? 

Nang lumabas pa ang isang lalaking sumunod sa kanya mukhang alam ko na kung sino sila. 

Sila ung nasa magazine! 

Kung hindi ako nagkakamali ang tinatawag nilang Zeus at Dylan ang narito. 

Anong ginagawa nila rito? 

Mas lalo pang napakunot ang noo ko nang pumasok sila sa silid na pinasukan ko kanina. 

Bigla ako tinapik ni Aling Esther at kamuntik na ako mapasigaw dahil sa gulat. Buti nalang agad niyang natakpan ang aking bibig. 

May itinuro siya.Tumango ako at sinundan siya. 

Iniwan na namin ung cart at bumaba sa hagdanan na kung saan ang labas ay sa likod nitong facility.

"Aling Esther..."tawag ko sa kanya. Luminga-linga siya sa paligid. 

"Wag tayo dito magusap doon tayo sa pahingahan natin" hindi ko alam pero biglang nagsitaasan ang balahibo ko. Parang may iniiwasan si Aling Esther. 

Agad niya sinarado ang pintuan at dumiretcho sa lamesa para kumuha nang tubig. Magsasalita sana ako para magtanong ngunit naunahan na niya ako.

"Hindi mo dapat sila nakita..."pahayag niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Kapag may nagtanong sayo sabihin mo pinapunta kita dito para magpanhinga. Wag kang magalala dahil sa 5th Floor, FireExit at saka dito ay walang cctv kaya hindi nila malalaman nagsisinungaling ka" tumango ako.

"Maari po bang magtanong, bakit hindi ko si-" bago ko pa man matapos ay nagsalita na ulit si Aling Esther "Mas mabuti nang wala kang alam...mabuti kang bata Andrea kaya wag ka nang magtanong pa huh.."hindi na ulit ako nagsalita pa at tumango ulit. 

Pagkauwi ko sa bahay..palaisipan parin ang lahat nang nangyari kanina. 

Lahat-Lahat.

Ganun din ang sinabi sa akin ni Magnolia noong unang pasok ko palang. Mas nakakagulantang pa ay pagmamayari pala iyon nong Zeus...pero bakit hindi dapat namin siya makita? 

Sino ba ang nasa kamang iyon? Bakit siya dinadalaw ni Zeus? 

Nagising nalang ako nang may nangulat sa aking likuran. 

Si Buknoy na may nilalantakan na barbeque sa labas. 

"Hindi ba kayo nalulugi niyan?" umiling siya at kinain pa ang isang barbeque. 

"Ate..lalim nang iniisip mo ah..." humarap ako sa kanya at may naisip na ideya. 

Agad ko siyang hinatak sa isang computer shop. Nagtatalon siya sa tuwa.

Naisip ko kung gusto ko makatuklas nang isang bagay ay mahahanap ko iyon sa pamamagitan nang sinabi nilang 'internet' base sa mga kasamahan ko sa trabaho. Kinuha ni buknoy ay dalawang oras...nung una nagtalo pa kami pero pinabayaan ko nalang bata eh.

"Ate sinaniban ka ba nang mga diyos nang nilalaro ko at naisipan mo maginternet?"kinakusap niya ako may ngiti sa labi na para bang naka-jackpot siya. 

"Uhm...may gusto lang kasi malaman ang Ate...narinig ko kasi sa mga katrabaho ko na marami daw iyan mabibigay na sagot"tumango naman siya.

"Nako magbilang anghel ang mga katrabaho mo..nang dahil sa kanila makakapaglaro ako nang LoL he-he"tinignan ko siya nang masama. Napakamot batok nalang siya. 

Sa Palawan hindi pa ako nakakahawak nang computer dahil busy ako sa pagtratrabaho. 

Agad niyang tinype ang Google atsaka humarap sa akin. 

"Sino ba ang hahanapin natin Ate?"tanong niya sa akin. Bumuntong hininga ako at tumingin sa screen.

"God Zeus Deovenir.."napatingin agad sa akin si Buknoy at bumungis-ngis. 

"Ikaw Ate...kung wari ka pa kayla Ate Mariyeng at Batcheng may crush ka rin pala isa doon sa magazine..nako!" agad kong kinurot ang pisngi niya. 

"Ang cute..cute mo talaga nako...itype mo na bilis baka isang oras lang rentahan natin sige ka"hinawakan niya ang pisngi niya.Halos mangigil ako at napahawak siya sa pisngi niya

"Aray Ate!!!! Oo na masakit"agad niya tinype ang pangalan iyon. 

Napalunok ako nang makita ko ang litrato niya....kainis kahit suplado at masungit gwapo parin. 

May pinindot si Buknoy at lumabas ang impormasyon tungkol kay Zeus.

Pero limitado lamang iyon. Kung ano ang nakita ko sa magazine ay ayun lang din ang nakalagay sa bawat pinag-pipipindot ni Buknoy.

"Tsk, Ate itong nireresearch natin eh ganun at ganun lang ang nakasulat. Halatang controlado nila ang impormasyon sa hinahanap natin" 

Kung ganun nga...paano ko masasagutan ang mga katanungan sa sagot ko?Alam ko na...

"Itype mo nga ang Address na ito.."inilabas ko ang wallet na kung saan nakaipit ang I.D ko. 

Agad niya itong itinype...napakunot ako nang noo. 

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon