"Ikaw nalang ang inaasahan magmamana ng angkan ng Sho...dahil magkakagulo at madaming mamatay kapag pinagpatuloy mo ang pagmamahal mo kay Zeus"Ngayon nakahiga ako sa kama at iniisip ang mga huling katagang sinabi niya. Napapikit ako..ito ba ang dahilan ni Raven kaya simula palang pinapalayo na niya ako kay Zeus? Umiling ako kailangan kong pagisipan ang mga nangyayari.
Binuksan ko ang TV at nakita ko si Zeus...nakaramdam ako ng lungkot.
Ayon sa latest news, ang isa sa mga clan of high ranking society dumalo ang isa sa member ng pamilyang Deovenir na si Zeus Deovenir para sa isang private business party ng mga tycoon, matatandaan pagkatapos ito ikasal ngayon taon ay napagpasyahan nito umalis ng bansa kasama ang asawa nito para mapanatili ang pribadong buhay nila. Ayon sa balita nagdadalang tao na daw ang kanyang asawa nito pero hindi pa cinoconfirm ng Deovenir ang mga katotohanan na ito. Sa ibang balita-
Nagdadalang-tao?
Rumihistro sa akin ang mukha ni Steaven na nakangiti kasama ang pekeng si Stephanie.
Masaya na sila...masaya na siya...hindi ka na niya kailangan, yun ang intrepretation ko sa nakita ko.
Ang nararamdaman ko ngayon...masakit lalo na sa lahat ng dinanas ko.
Pero walang pumatak na luha miski isa.
Nagslow mo lahat ng nasa paligid ko at napatulala ng nakabawi na, agad ko binato ang remote at dali-dali pumunta sa harap para sirain ang TV. Ginulo ko ang mga gamit sa sobrang galit! at naramdaman ko nalang na pinigilan ako ng mga doktor at nurse.
"Wag kayo makielam!" sigaw ko sa kanila, tinulak muli sila at halos lahat ng makita ko sinisira ko.
Nakakita ako ng isang paraan para magwakas na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Dali-dali ako pumunta malapit sa ref para kunin ang baso at binasag iyon.
"Subukan niyo lumapit....itutuloy ko ito!" itinutok ko sa aking leeg ang basag na baso.
Agad na dumating si Raven,
"Wag kayo lalapit!" pero sa isang iglap nakuha niya ang basag na baso sa aking kamay at may kung anong itinurok sa akin ang mga doktor.
Nagdilim ang aking kapaligiran.
"Doc ano pong nangyayari sa kanya?" si Raven ba yon?
"Nagkakaroon siya ng emotional stress and trauma dala na rin ng accidente kung hindi to maagapan baka lumala pa ito. Kailangan niya ng psychological treatment. Nagkakaroon siya ng iba't ibang emotional disorders at hindi niya iyon macontrol, maaring dulot ng mga gamot na iniinom niya sa kanyang balat"
Emotional Stress? Emotional Disorders?
"Siguro nagkaroon ng sideeffect ang ginawa sa kanya noon. Sa totoo lang malakas siya dahil na kaya niya lagpasan lahat ng ito"
"Siguro nga, ngayon kailangan pa siya obserbahan"
Gusto ko man magsalita para magtanong ngunit hindi ko na nagawa dahil ang bumigat muli ang talukap ng aking mga mata.
Kinabukasan naramdaman ko ang hapdi ng sugat ko dahil tinuturok nila ang mga gamot sa akin balat.
Pagkatapos ay pinapalitan nila ngayon ng benda ang aking mukha.
"Masakit..." reklamo ko sa mga nurse.
Kung ano-anong test pa ang ginawa sa akin at dumiretcho muli ako sa aking kwarto.
Inutusan ko si Butler Yi na kunin ang salamin. Pagkatapos kase ng incidente iyong lahat ng matutulis dito at babasagin ay tinangal sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...