36th - Can't be

14.6K 375 14
                                    

Ramdam ko ang init nang katawan niya dahan dahan ko siyang binuhat sa aking kama at inilapag doon. He is sick ayun lang ang naisip ko ngayon...kailangan kong tawagin si Kira. Tumayo na ako nang bigla niya hinatak ang aking kamay napatingin ako at siya ay nakapikit.


"D-don't leave.. p-pls..."he stuttered at mas hinigpitan ang right hand ko. Umupo ako sa tabi niya.....sometimes love made us weaker but also stronger.

Unti-unti niya binuksan ang kanyang mata agad kong binitawan ang kamay niya pero kinuha niya iyon at hinalikan. He smiled pero hindi ako nagpakita nang emosyon..just a simple stared with him.

Ayun lang....at ipinikit na rin niya ang kanyang mata.

Nang naramdaman kong lumuwag na ang hawak niya sa kamay ko agad ko itong binitawan. Lumabas ako nang kwarto....napagtanto natutulog na pala ang mga tao kaya naginit nalang ako nang tubig na maiinit at isinalin sa isang maliit na palangana. Agad kong dinaluhan siya at bakas sa mukha niya panginginig.

Pinunasan ko ang kanyang mukha.....siya ay namumutla nanaman. Pinunasan ko nang tuyong towel ang basa niyang katawan pagkatapos naglagay rin ako nang maiinit na tuwalyang binabad sa mainit na tubig at inilagay sa kanyang noo.

Makalipas ang dalawang oras di ko namalayan nakatulog na pala ako na hawak hawak ung kamay niya. Nilapitan ko ulit siya at sinuri...hindi pa rin bumaba ang kanyang lagnat. Nakita kong nagreact ang katawan niya...siya ngayon ay nanginginig. Kumuha ako nang kumot at inilagay sa kanya...ngunit siya ay nanginginig pa din at mas tumindi ang hawak niya sa kamay ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko....hindi naman siguro masama? Ang gusto ko lang ay makatulong. Lumipat ako sa kabilang nang kama at tinabihan siya. Simula nang kinasal kami ay hindi pa kami natulog sa iisang kama.

Sabi sa akin ni Mommy ay effective daw ito....ang init isang bisig nang tao.

Nilakasan ko ang aking loob....kumuha nang malalim na hininga...at yumakap sa kanya. Ramdam ko pa din ang kanyang panginginig kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya....

Oo iiwasan ko naman siya....kaso hindi ko kaya naghihirap siya nang ganito. Oo tanga na ako...nawala na ang prinsipyo ko noon palang.....kahit na niloko niya ako patuloy ko pa din siya minamahal...Patuloy pa din ako sa pagmamahal sa kanya.

Makalipas nang kalahating minuto, unti-unti kong nararamdaman na nawawala na ang panginginig niya....unti-unti na rin ako napapapikit nang dahil sa pagod.Siguro nanaginip ako na ako ngayon dahil humarap siya sa akin at hinalikan ang noo ko.... at hinawi ang buhok ko....sabay sabing....

"Thank You, I love you so much my dearest baby wifey.......my love of my life"

Siguro nga panaginip nga iyon. At isa sa mga magandang panaginip ko iyon...

Napamulat ako at napatingin sa may orasan. 5AM na nang umaga......tumingin ako sa kanya.

Napakalapit namin sa isa't isa.....pero pakiramdam ko napakalayo niya parin.

Iniisip ko paano kaya kung walang Orz? walang cheska...walang Deovenir at isang ordinaryong tao lang kami.....magkru-krus kaya landas namin? Makikilala ko ba siya? Sa huling pagkakataon...sinulyapan ko ulit ang gwapo niyang mukha. 

Napangiti ako dahil ang gwapo nang aking asawa.....Ito ang kaunaunahang magkasama kami....at baka ito na din ang huli......Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakapalupot sa akin....para di siya magising. Tumayo ako umalis nang aking silid. 

Paglabas nang aking kwarto ay bumungad sa akin si Kira....lumapit ako sa kanya.

"Miss...ang aga niyo po atang nagising?" tanong niya sa akin.

"Pwede ba ako sumama sa bayan?...."umiling siya.

"Hindi po maari Miss...pinagbilinan po ako ni Master Raven na hindi po kayo maaring umalis...."paalis na sana siya nang hiningit ko ang braso niya...

"May alam ka ba na maari kong pagkaabalahan?" ngumiti siya.


Ngayon ay 9AM na nang umaga.... andito ako sa parte kung saan nagpapagatas nang kalabaw. Nung una ayaw pa ni Kira ang gusto kong gawin kaso wala na siya nagawa pa. Sinabi niya maari niya ako ipasyal kung saan may maliit na rancho. Nakakapagod pero sulit naman.

Pagkarating ko sa bahay nakita kong nagluluto ulit si Gracia...ngumiti ako at ngumisi siya.

"Ate.....nagluluto ako nang sopas ngayon..." sambit niya..."Nakakaawa kasi si Kuya Steven may sinat siya" gusto ko sana siyang sabihan na sinat nalang iyon dahil kagabi siya nilalagnat kaso pinili ko nalang itikom ang bibig ko.

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon