TMCG - Chapter 20

6.6K 202 78
                                    

Liwanag nang  araw ang sumilay sa aking mukha para ako ay mapabanggon ako sa aking kinahihigaan. 

Umaga nanaman sambit ko sa aking sarili sabay non ang aking paghikab.

Inikot ko ang aking paningin, walang tao sa paligid bagamat may sapin akong damit para makahiga ako. Kumurap ako at nagalis nang muta. Inikot ko muli ang aking paningin. 

Mukhang iniwan niya ako. Magkakanya-kanya na ba kami? Ito na ata iyon?

Siguro nga... kaya't tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Iniwan ko ang kanyang pangtaas na damit at nagsimula nang maglakad. Parehas kami bihag at parehas kami nakatakas ngunit wala naman siya sinabi na pagdating sa labas ay parehas din kami nang pupuntahan. 

Kumuha ko nang kahoy at nagsimula nang maglakad ngunit tila nanghihina ako. Gusto ko nang kumain. 

Mukhang malayo na ako sa pinangalingan ko kaya't nagsimula  na ako maghanap nang mga pagkain. At sa awa nang pagkakataon ay nakakita ako  nang mangga. 

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad kong pinitas ang mangga. Wala na akong pakielam kung madami ito o hindi basta nagugutom na talaga ako.

At dahil sa sobrang gutom ko ay nakaubos ako nang tatlong mangga. May natira  pang dalawa at napagpasiyahan kong dalhin iyon. Halos matawa nga ako sa aking sarili dahil para sa kapirasong prutas nagkukumahog ako kunin.

Iniyakap ko nalang iyon nang maigi at nagsimula nang maglakad. 

Huni nang ibon lang ang aking naririnig mistulang mapayapa ang kapaligiran. Nakatulala habang naglalakad nang naramdaman ko nalang na bumaksak ako sa isang kumunoy. 

Nagising ang aking diwa nang dahil sa aking nangyari. Mabuti nalang at agad akong nakahawak ako sa isang tanggay nang puno. Nahulog na din ang aking mga pagkain na hawak. Napapikit nalang ako sa nangyayari sa akin.

Diyos ko mukhang katapusan ko na. Bakit ko ba to nararanasan? May mali ba ako nagawa sa dati kong buhay? 

Sabi kasi nila kapag kinakarma ka ngayon maaring may ginawa kang masama  sa nauna mong buhay. 

"Tulong! Tulong" sigaw ko.Unti-unti na rin ako lumulubog. Hinawakan ko pang maigi ang tangkay. Nagbabakasakali may dumaan na tao at iligtas ako.

 Ngunit kahit anong gawin ko mukhang walang tutulong sa akin. Ayoko man maiyak pero mukhang dito na matatapos ang buhay ko. Nararamdaman ko na din ang unti-unti kong pagkakalubog. 

"Tulong!!! Tulungan niyo ako!!!" ito na ba ang katapusan ko? Pumikit ako nalang ako at hangang dito nalang ata ako. 

"Zeus! Tulungan mo ako! Zeus!" bati ba naman sa huli kong hininga binabangit ko siya. Hangang leeg ko na ang kumunoy at mukhang di ko na kaya. Pumikit nalang ako at dahan-dahang binibitawan ang tangkay. 

Hindi ko na kaya.

Ineexpect ko ang mabilis na  pagkalunod ko sa putikan ngunit may humawak na kamay sa akin. Napamulat ako nang may humawak sa aking kamay.

Si Zeus.

Hindi alintana sa kanya ang aking bigat. Hinatak niya ako paunti-unti  mula sa kumunoy na puno nang putik habang nakahawak siya sa isang sangga nang kahoy. 

Naramdaman ko nalang ang aking pag-angat at saktong natumba ako sa harap niya at pumaibabaw sa kanya. 

Napakalakas nang tibok nang puso ko lalo't na nung nagtinginan kami kaya agad ako tumayo at lumayo sa kanya. 

Tumayo na rin siya  ngunit kinuha niya ang kamay ko. 

"Zeus, san tayo pupunta?" hinawakan niya mabuti ang kamay ko at nagsimula na ulit maglakad. 

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon