TMCG - Chapter 13

12.4K 345 112
                                    

Isang tapik sa aking balikat na mula kay Magnolia ang nakapagising sa aking malalim nainiisip.

Dahil hangang ngayon andito parin kami sa bahay kung saan ginawan namin nang masama plano si Zeus. Sa totoo lang nakokonsensiya ako sa ginawa namin sa kanya. 

Pagkatapos kong titigan saglit si Zeus ay bumaling na ako kay Magnolia na nakakunot ang noo. 

"Maysado malalim ang iniisip ah?"umupo siya sa tabi ko. 

"Hindi naman, kaso kasi.."pinutol niya ako sa pagsasalita.

"Ay nako be, wala akong nakita...promise!" ngisi niya. Itinaas niya ang kanyang kamay at kitang-kita ang kanyang ngiting malaki kahit nakabonet siya. 

"Magnolia..." babala ko sa kanya. Nilakihan ko din siya nang mata. Nag-sign siya nang exis sa kanyang braso. 

Kahit di niya direktang sabihin sakin alam ko ang tinutukoy niya.

Ang pagkakahalik sa akin ni Zeus sa labi.

"Oo na tama na...tara na nga" matining niyang bulong kasabay non ay inuhubad na niya ang  kanyang suot na bonet.

Tumayo siya at kinuha ang katabing atashi case na dala-dala namin. May binunot siyang injection at itinusok sa leeg ni Zeus.

Mahigpit kami binilinan  na kapag nawalan ito nang malay ay agad na namin tuturukan nang injection sa kanyang leeg. Hindi rin namin alam kung ano ang magiging ipekto sa kanya. 

Nang nasa isaayos na namin ang lahat agad na kami naghanda para umalis at hindi nagiwan nang kahit anong bakas.

Nang matiyak namin ulit na okay na ay binuhat na namin si Zeus papunta doon sa bintanang dinaanan namin. Si Magnolia  muna ang unang bumaba bilang supporta sa ilalalim habang ako sa itaas at hawak-hawak ang binti niya. Maingat ang aming pagkakalabas sa kanya. 

Pagkatapos non ay agad naman ako sumunod at bumaba na rin. Agad kami dumiretcho sa Van at tiniyak na walang makakakita sa amin. 

Sumakay na kami nang mabilis at agad na pinatakbo ang van. Sa likod namin may tatlong van pero medyo may distansya na ang layo namin.

"Nakita niya ba kayo?"unang bungad na tanong ni Bruno sa amin. Nagkatinginan kami ni Magnolia ngunit magkaiba ang sagot namin dahil ako ay tumango habang siya naman ay umiling.

Kumunot ang kilay ni Bruno at mukhang lito sa amin sagot na dalawa. 

"Ano ba talaga?" tanong niya ulit sa amin. Napabuntong hininga nalang ako at nagpasya magsalita pero naunahan ako ni Magnolia. 

"Nakita ni Zeus si Andeng dahil hinubad nito ung bonet"sambit niya kay Bruno. Narinig ko ang solid na pagmumura ni Bruno. 

Hindi na siya nagsalita pa mula sa aming biyahe. 

Tumigil na kami at binuksan ang pintuan nang Van ang ibig sabihin ay andito na kami sa aming tinutuluyan.

Unang bumaba si Magnolia at napatingin ako kay Zeus na hangang ngayon wala pading malay. 

"Paalam Zeus, magingat ka nalang" paalam ko sa kanya at sumunod kay Magnolia.

Bumaba na kami at pumasok  sa bahay. Dumiretcho ako sa kwarto kung saan nandoon ang mga kapatid kong  si Buknoy at Batcheng na yakap ang sinalubong sa akin. 

"May ginawa ba sila sa inyo habang wala ako?" tanong ko ngunit umiling ang mga ito. 

Mabuti naman at napanatag ako. Tinignan ko si Buknoy na mukhang okay na mula sa kanyang sakit.

Mukhang tutupad na napagusapan itong si Manong Dado pero alam ko madumi siya maglaro kaya nakakaramdam ako may kapalit na naman ito.

Pero kailangan kong maging positibo.

Nakarinig ako nang mga yapak nang tao. Napatingin kami doon  sa pintuan at bumukas iyon. Bumungad sa amin si Manong Dado na para bang nagtagumpay at naasam ang gusto.

"Magaling..nagawa niyo" pumalakpak ito na parang walang bukas. Sabay tumawa nang malakas at inabutan nang baso. 

"Katulad nang sinabi ko, tutupad ako sa usapan..."tumikim siya " Bagkus may kapalit syempre" sa kanyang titig ay ako napalunok. 

Katulad nang inaasahan tatlong salita ang bagay sa kanya. Madumi siya maglaro.

"Sumunod ka sa sala para malaman mo" umalis na siya sa harap namin.

Tinitigan ko pa din maigi ang pintuan at kinakabahan ako baka anong gawin niya sa mga kapatid ko.Kaya hinigpitan ko ang hawak sa mga ito at itinago sa likod ko.Huminga ako nang malalim at humarap sa kanila.

"Kakausapin  lang namin siya. Dito muna kayo" ngumiti ako sa kanila para maalis ang pagalala nila at sumunod kay Manong Dado sa sala.

 Katulad nang inaasahan nagkalat ang mga tauhan nito sa bahay ni Magnolia pero di ako nagpatinag.Tumigil siya at humarap siya sa amin.

"Maiiwan ka..." itinuro niya ako gamit ang hintuturo. Alam ko iyon ang kondisyon na iyon."Ngunit...may ipapabantay ako isang tao. Sagot mo siya...kung kailangan niya nang tubig ikaw ang magbibigay. Kung kailangan niya nang pagkain ikaw ang maghahain. At kapalit non ay magiging malaya ang iyong mga kapatid nang walang problema" tumawa siya ulit."Magandang ideya di ba? Pero" tumingin siya sa labas.

"Wala kang karapatang magsalita sa harap niya, wala kang karapatan umalis sa poder ko hanga't di ko sinasabi. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong niya sa akin. 

Puno nang kaba ang aking nararamdaman. Para akong isang aliping niya na kailangan kong sumagot. 

Tumango ako. Tandaan mo para sa mga kapatid mo. Humugot ako nang lakas nang loob at tumingin ulit sa kanya nang walang paalinglangan. 

"O'sige papayag ako. Basta hindi mo idadamay ang mga kapatid ko katulad nang unang napagusapan" Lumunok ako at pumikit nang mariin "Sasama ako.." napabuklat ako nang mata at tumingin sa kanya. 

Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya pero handa ako sumugal kahit buhay ko ang kapalit.

Agad kong naramdaman ang paghawak ni Magnolia sa aking Braso at pagtutol sa aking desisyon. 

"Te.... ano ka-" agad ako umiling at ngumiti sa kanya. Tumigil siya sa pagsasalita at mukhang alam niyang hindi niya ako mapipigilan. 

Umakyat na kami sa kwarto ni Magnolia at binigyan ako ni Manong Dado nang oras para magprepara nang gamit dahil ngayon na din daw ang alis namin. Agad ako tumungo at kumuha nang mga damit sa kabinet para magayos nang gamit. 

"Nasisiraan kana ba talaga? Baka...maging alipin ka! Isipin mo ang sarili mo! Mapapahamak ka niyan!" Kinausap ulit ako ni Magnolia at patuloy pa din ako sa pagaayos nang gamit hangang sa ginamitan niya ako nang pwersa at napaharap sa kanya. 

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon