TMCG - Chapter 9

10.5K 274 58
                                    

Inayos ko na lahat nang mga kailangan kong gamit. Dahil ngayon pupunta ako nang party kasama si Aling Esther,

Maaga ang aming calltime. Dapat 6AM nasa facility na kami dahil doon kami susunduin nang isang bus.

Hindi ko rin alam kung saan saktong lugar kami pero ang sabi nila napakahirap daw pumasok doon sa lugar na iyon kaya kailangan namin nang sundo at passess. 

Tulad nga nang sinabi ko mahigpit sila ulit sa labas. Kaya hindi ka nilapapasukin basta-basta. Lalo na ang party na ito ay puro sosyalan. 

Napailing nalang ako. Habang tumatagal ramdam ko na mas lumiliit ang mundo namin. 

Ayan nanaman ako sa pagiilusyon ko. 

"Aga naman ni sisteret!" kumuha siya nang kape at ininom ito. 

"Alam mo naman na kailangan. O siya kita nalang tayo mamaya" tumango ito. Nagbeso beso kami at umalis na ako papunta sa facility. 

Natagpuan ko doon si Aling Esther na may dalang pandesal. 

"Ineng kain ka muna. Naku! Tiyak madami tayo gagawin doon"tumango-tango ako. 

Alas syiete na at narinig na namin ang busina nang sasakyan. Umakyat kami doon at mukhang hindi lang kami ang nandoon. Ibang janitors din mula sa iba't ibang pagmamayari kompanya nang Deovenir. 

"Hello..."bati nang isang babae. Ngumiti siya at inabot ang kanyang kamay. "Ako nga pala si Anna, bago ka lang no?" tumango ako at sumagot. 

"Oo, dalawang buwan palang ako nagsisilbi dito.." binitawan niya ang aking kamay. Tumingin siya sa daan at nagsimula magsalita ulit. 

"Ako naman dalawang taon na ako dito. Pangatlong beses ko nang makakapasok doon..."kumunot ang aking noo...di ba sa..." Sa mismong bahay tayo nang mga Deovenir gagawin ung party" napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain nga makakapasok nga ako doon! 

"Kaya ikaw, maswerte ka dahil nasalang kana agad. Bihira lang kasi magpapasok ang mga Deovenir sa malaking lupain nila...kaya maswerte ka. Tsaka especial kasi ngayon ang mga pangyayari. Dahil pormal nilang i-aanounce ang kasal ni God Zeus...." napalunok ako. May naglalarong tanong sa aking isipan. 

Isipan na naglalarong tanong sa aking utak matagal na..

"May nauna bang asawa si God Zeus?" inosenteng tanong ko sa kanya. Pero humagalpak lang siya sa tawa.. "Pasensya na ...di ko mapigilan matawa. Alam mo wala ung una naging asawa. Single pero hindi available. Sadly mahal na mahal niya ung pakakasalan niya.Tsaka tignan mo naman may public engagement pa sila. Iba talaga mayaman..wagas makapagtapon nang pera! "tumango ako. 

Sapat na lahat nang narinig ko. Mukhang lasing lang siya at kung ano ano ang nasasabi niya. Hindi ako naniniwala na nagsasabi nang totoo ang lasing dahil malaki ang chance na nakikita lang niya ang isang katauhang gusto niyang makita. 

Ayan dapat ang pumapasok sa isipan mo Andeng, hindi kung ano-ano.

Tumigil ang aming sasakyan at isa-isa kami bumaba. Nakapila at nakahilera nang maayos. Tumingin ulit ako sa aking paligid. 

Napakalaki nang lugar na ito. Umayos nang tayo si  Anna at Aling Esther. Isa- isa kami kinapkapan nang mga babaeng nakasuit. Kinuha din nila ang aming bag at inilagay isa-isa sa mga locker. 

Lumitaw  ang isang matandang babae. Mukhang matagal na siya sa pamamahay na ito.

"Ngayon ang formal public engangement nang ating amo. Gusto ko mapanatili ang kaayusan at kaligtasan dito. Ito ang event house na kung saan gaganapin ang malaking party. Everyone must know their places. Walang aalis kung saan kayo nakatoka unless inutusan kayo." naglakad siya sa kanyang assistant at may binulong. Tumango ito at umalis. 

Pagkabalik nito may dala-dala itong damit. 

"Ito ang magiging uniform niyo sa party. Hindi man kayo ang nakatoka sa loob kailangan niyo pa din maging presentable. And use this hats and mask. Maraming mayayaman na dadalo. Kaya dapat hindi sila maitimidate o mailang sa inyo. They must treat you na isang bagay " Tumango kami lahat. Mukhang napakalaki nang party event na ito. Pero parang nagkaroon nang discrimination sa pagtitipon na ito.

Tsk! Magconcentrate ka Andeng...tama na pagiisip!

Nagsimula na kami maglinis nang tinatawag nilang event house na quadruple ang laki sa aming baranggay. Ang mga muwerbles at ang tinatawag nilang chandelier ay nagbigay tingkad at ganda sa lugar na ito. Pati ang mga bulaklak naming bubuhatin ay napakaganda rin. Mahahalata mong mapagalaga ang may-ari nito. 

Habang ako ay nagaayos nang mga paso pasimple nilapitan ako ni Anna at bumulong. 

"Ano kamusta ka dyan?" naririnig ko siya kahit may takip ang kanyang bibig. 

"Ayos naman..medyo hirap lang ako makapagsalita at makarinig dahil sa mask na suot ko"sambit ko. Sumangayon naman siya. 

"Nako ako nga din eh! Teka..."napatingin siya sa gawing kanan ko at nakita ko ang isang babae. Simple ang kanyang pananamit. Halatang walang arte sa katawan. 

May hawak siyang listahan isa-isa niya itinuturo ang mga paso na may bulaklak. 

"Ang ganda niya talaga! Mana siya sa gwapo niyang kapatid!" napatitig akong mabuti at nung naramdaman kong lilingon siya ay agad ako bumalik sa dating puwesto nang aking mukha at iniwas ang mata.

"Sino ba siya?"tanong ko habang nililinis ang pader. 

"Siya lang naman ang nakakatandang kapatid ni God Zeus....siya ang tinatawag nilang Goddess Madonna. Maganda siya at mabaet. Lahat nang halaman ay sa kanya galing. Teka lang andyan na ulit si Bossing mamaya nalang" tumango nalang ako at napatingin ulit sa gawi ni Ms. Madonna. 

Simple. Walang arte. Palangiti kabaliktaran niya ang kanyang kapatid.

Tinuloy ko nalang ulit ang aking ginagawa.

Makalipas ang ilang oras naayos nanamin ang venue at untiunti na nagdadatingan ang mga bisita. At ayun nakadungaw lang kami mula sa isang pintuan.

Katulad nga nang sinabi sa amin. Lalabas lang kami kapag ang mga bisita ay nasa loob na. 

Halos lahat nang mga dumarating ay may kumikinang na palamuti. Mayroon din silang magarbong kasuotan at talagang napakasophisticada nilang tignan. 

Nadako ang aking mata sa isang dumating na asawang matanda. Mapaghahalataang mong dominante ang kanilang aura. Diretcho lang ang kanyang lakad hindi ito nagpatinag kasama ang asawa niya. 

Makalipas nang isang oras napuno na ang venue. 

Kasabay non ang pagkamatay nang ilaw. Bumukas ang maliit na spot light sa pintuan at nagsimula tumugtog ang musika. Unti-unti bumukas ang pintuan at iniluwa non ay si God Zeus. Kasama niya ang kanyang bodyguards at kanang kamay. Lahat nang tao ay nakatingin sa kanya at tinitingala na para bang isang...

Diyos na makapangyarihan sa mundo. 

Malayo sa niligtas ko sa swimming pool. Malalim ang kanyang mga mata na para bang walang sino ang makakatalo sa kanya. 

Patuloy lang siya sa paglalakad hangang sa makarating sa stage kung saan naghihintay ang kanyang magiging asawa. 

Sinalubong siya nang babaeng may ngiti sa kanyang labi na para bang napakaswerte niya na nakuha niya ang isang diyos na bumaba sa lupa. Agad niyang nilingkis ang kanyang braso sa braso ni Zeus. 

Nakaramdam ako nang kirot. 

Ito pala ang pakiramdam na umiibig. Kahit hindi niya ako kilala minamahal ko siya. Ganyan siguro ang isang epekto nang God Zeus sa isang babae. 

Katulad parin nang dati seryoso ang kanyang mga mata. Walang emosyon at purong seryosong titig lamang. 

Walang halong lambing. 

Hindi ko alam pero....natutuwa ako sa kanyang pinapakita. Pero Andeng katulad nga nang sinabi ko wag kang mag illusyon.  Ayan ka nanaman.

Napadako ang tingin ko sa babaeng kanyang papakasalan.

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon