Walang pangaalinlangan agad akong tumakbo sa kwarto kung asan ang mga kapatid ko. Agad kong nakita nanginginig si Buknoy. Tinignan ko ang pagkaing nakahain sa kanyang harap.
Tuyo.
Hindi pwede kay buknoy ang pagkaing iyon! Dahil magkakaroon siya skin allergy.
Katulad nga nang inaasahan unti-unti narin nagkakapula ang kanyang katawan at hinawakan ko ang kanyang noo para tignan kung may lagnat na rin siya.
Mayroon na nga at ang taas!
Dali-dali ako tumayo para lumabas sana nang kwarto at kumuha nang gamot o di kaya humingi nang tulong ngunit naka-lock ang pintuan.
"Tulong!Tulong!"sigaw ko.
Kinalampag ko ang pintuan at humingi nang tulong. Pero ni hindi man lang nila binuksan o nag-abala lapitan kung ano ang nangyayari. Kaya umisip na muna ako nang konting remedyo.
Umalis muna ako sa harap nang pintuan at kumuha nang tuyong t-shirt. Kumuha nang baso may tubig at binasa ko nang konting. Tsaka agad na pinunasan sa katawan ni Buknoy.
"Bakit pinakain mo siya nang ganto?"litanya ko kay Batcheng. Hindi naman galit ang aking tono pero may iritation.
"Huminahon ka lang...Andeng" singit ni Magnolia na kumukuha nang alcohol sa kabinet.
Buti nalang sa kwarto kami ni Magnolia. Medyo kumpleto ang gamit kahit papano.
"Binawalan ko po si Buknoy pero gutom na gutom na po siya..Ate.." nakayuko niyang sambit. ni Batcheng.
Napabuntong hininga nalang ako. Oo nga wala naman talaga kasalanan ang kapatid ko at hindi sila makakain nang matino. Kung ano-ano kasi ang iniisip ko kaya napagbubuntong ko siya nang galit.
Wala siyang kasalanan alam ko ayaw din naman niya mangyari iyon.
"Halika nga!" iniyakap ko siya. Bilang nakakatanda kapatid dapat ako ang maging responsibilidad sa kanila at umunawa.
"Pagpasensyahan mo na ang ate...madami lang iniisip."sambit ko sa kanya. Naramdaman ko niyakap niya ako nang mahigpit.
Lumipas ang kalahating oras ay medyo nawawala ang pamumula nang balat. Pero napagtanto ko kailangan ko parin gumawa nang paraan sa kapatid.
Nilakasan ko ang aking loob at tumayo ulit ako sa pintuan at kumatok. Wala ako pakielam kung masampal nanaman ako dahil sa ginagawa ko.
Basta sa kapatid ko.
Kumatok lang ako nang kumatok walang palya, palakas nang palakas.Pagkatapos nang ilang minuto sa wakas bumukas na ang pintuan. Agad ako tinulak nang lalaki.
"Putcha! Ang ingay! Bakit ka ba kalabog nang kalabog dyan?"pagkatapos isang malutong na sampal ang natamo ko. Napahawak ako sa bibig ko.
Naramdaman kong may dugo.
Napapikit nalang ako at napaisip...'Okay lang yan Andeng..para sa kapatid mo'. Humarap ulit ako sa kanya nang hindi kumukurap.
"Kailangan ko nang gamot para sa kapatid ko" walang reaction iyon sabi ko at dire-diretcho ito. Pinagdadasal ko na masindak siya sa tingin ko.
Matalim ko siyang tinitignang maigi. Walang nagsasalita sa amin. Nakita kong napalunok siya pero maya-maya kumunot ang noo niya at walang sabi hinawakan niya ang colar nang t-shirt ko sa bandang leeg.
Nasasakal ako. Naramdaman ko ang pagtaas nang aking mga paa mula sa sahig.
Pero hindi ako natinag.
Tinitigan ko pa siya nang maigi.
"Aba't talagang! Sinusubukan mo ako?!" itinaas niya ang kanyang kamay pero hindi ako kumurap.
Napansin ko ang tao sa likod niya. Si Manong Dado.
"Bruno...ibaba mo iyan." mabigat ang paghinga niya pero hindi parin niya binibitawan ang pagkakahawak sa aking damit. "Bruno!" isang sigaw pa ni Manong Dado at binitawan niya ako.
Tumabi siya at sumaludo dito.
Nakita kong palapit si Manong Dado sa aking harapan napalunok ako.
"Anong ginawa mo at naging gago biglang ang alaga ko?" tanong niyang seryoso. Sa totoo lang tinitigan ko lang naman siya eh.
At kasamaang palad nasindak siya.
"Kailangan ko nang gamot sa kapatid kong si Buknoy" seryoso kong sabi. Pero nanginig ang buong kalamnan ko sa kanyang pag-ngisi.
"Okay" napailing siya. Akamang tatalikod siya nang nagsalita pa ako ulit.
"Sa susunod..wag niyo siyang pakakainin nang tuyo. Mayroon siya alergy doon" humarap siya sa akin at ngumiti. "Makakaasa ka. Hintayin mo nalang ung gamot. Kami na magpapabili" tumango ako at bumalik ulit kay Buknoy.
Pagkalipas nang ilang oras ay dumating na ang gamot na pinabili ko. Nagpakuha din ako nang maligamgam na tubig na may bimpo at ipinahid ulit kay Buknoy. Salamat sa diyos medyo bumaba na ang kanyang lagnat.
Naramdaman ko ang presencia ni Magnolia sa aking gilid. Hinimas niya ang aking likod para kumalma ang aking isip.
"Te.. tatagan mo sarili mo. Isang araw nalang matatapos na rin ito." tumango ako at iniyakap si Magnolia.
"Salamat Magnolia"humiwalay ako sa yakap sa kanya.
Medyo gumaan ang aking pakiramdam sa pagbigay lakas sa akin ni Magnolia. Ngayon binabantayan ko pa din ang kalagayan ni Buknoy.Dahil mas kumunti nalang ang pamumula nang kanyang balat at bumaba ang kanyang lagnat. Salamat sa gamot na binigay sa kanya.
Habang tinignan ko pa ulit ang kalagayan niya ay agad na bumukas ang pintuan at inihain ang mga pagkain namin.
"Ayan ang nirequest mo kay boss" padabog niya ibinaba ang pagkain. Kinuha naman namin iyon at ibinalik ang konting nasayang na pagkain.
"Sige Batcheng, Magnolia mauna na kayo. Pakakainin ko muna si Buknoy" agad kong kinuha ang bowl na may sinigang at tinapik si Buknoy.
"Kain na Buknoy"tumango lang ito malayo sa masiglahin na buknoy.
Nang maubos niya ang pagkain ay kumain na rin ako.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...