Sinag nang araw ang dumikit sa aking balat. Parang kakaiba ang araw na ito. Parang ang bigat, kaya dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tumambad sa akin ang matipunong dibdib ni Steven tsaka ko lang naalala ung kagabi na nagtabi pala kami.
Naramdaman kong gumalaw siya at mas lalo pa akong niyakap. Tumingala ako at pinagmasdan ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga....ang gwapo nang asawa ko!
Dahan dahan kong inaabot ang mukha niya gamit ang kanang kamay ko nang bigla nalang niya hinawakan ang ito at idinikit sa kaliwang pisngi niya. Nakita ko din ang pagkakabukas nang mata niya at nagkatitigan kami,ramdam na ramdam ko rin ang paghinga niya.
"Good morning baby..."hinalikan niya ang tungki nang ilong ko. Hindi ko alam pero parang ang pula na nang mukha ko.
Niyakap niya pa ako at sinimulan suklayin ang buhok ko.
"How's your sleep?" tanong niya.
"Okay naman...mas maganda kesa nung mga nakaraan" sambit ko. He chuckled.
"Same as me....konti nalang and finally magiging masaya na tayo...."sambit niya ulit. Kailangan kong sabihan si Steven sa paguusap namin ni Raven.
"Steven..."I breath hard.Kumuha ako nang lakas nang loob para sabihin iyon.
"Hmmm..."he kissed my nape.
"Kinausap ko na si Raven about sa plano natin lumayo" naramdaman kong tumigil siya sa pagsuklay nang buhok ko. Medyo kumuha siya nang distansya at nagkatitigan kami sa mata. Inilagay niya ang buhok ko sa likod nang tenga at hinalikan ako sa noo.
"Speak up baby, I'll listen..."hinawakan niya ang right cheeks ko.
"About sa paglayo natin...and Agusto..." I swallowed hard.
"Ayun ba ung sinasabi mo kagabi?Kaya mo ba nabanggit iyon?" feeling ko namumula nanaman ako sa pisngi.
Tumango ako.
"Baby....like I said, I'll listen no matter what...."he said with a calm tone. Huminga ako nang malalim at nagsimula nang magsimula.
"Gusto niyang maghiwalay tayo..."kumunot ang noo niya." He said na malaki ang Chance na mamatay tayo pareho kaagad kapag-magkasama tayo....Sinabi niya rin sa akin na susundan tayo ni Agusto....pero di ako pumayag. Katulad nga nang sinabi ko, di ko na kayang malayo sa yo..." walang sabisabi hinalikan niya ako sa labi. Hindi siya hard but a soft kiss again. Feeling ko pulang-pula na ako sa sobrang kilig.
"Thanks for trusting my love for you baby...."gumaan ako sa sinabi niya. Nawala lahat nang pressure."Like I said, hindi ako papayag na hindi tayo maging masaya..."tumango ako.
"Do you know the story of Le Miserable?" umiling ako. I know it pero hindi ganoon. Himigpit ang hawak niya sa akin."It is one of the longest novel written with 1,500 words. But baby hindi lang iyon....madami siyang subplots pero umiikot ang story na iyon sa isang ex-convict.His name was Jean Valean,who becomes a force for good in the world but cannot escape his criminal past. Hindi siya makatakas sa anino nang nakaraan dahil hinahabol siya nito....na kahit ano pang gawin niya hindi na maalis ang tingin sa kanya nang mga tao na isa siyang masama at kailan man di magbabago." He touched my cheeks.
"Baby, kung hindi niya kaya makaalis sa kanyang situation at ihahambing sa situation natin. Hindi rin ako susuko o panghihinaan nang loob and I'll make sure na makakalaya rin tayo sa mga gustong manakit saatin at gusto tayo paghiwalayin, basta kailangan lang natin magtiwala sa isa't isa. We need each other's arm kung baga iisa ang puso natin at kaluluwa okay?" tumango ako at kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.
We stayed sa ganong puwesto at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Napamulat ako bigla nang may narinig ako ingay mula sa labas. Agad kong binuksan ang mata mga ko at napatingin sa gawi ni Steven wala siya.
Tumayo ako at nagayos tsaka bumaba. Binuksan ko ang pintuan at hindi dito galing ang ingay dahil walang tao sa sala. Kaya agad ako naglakad pababa nang hagdanan at napagpasiyahang lumabas nang bahay.
Ipinihit at itinulak ko ang pintuan bahay at bumugad sa akin si Steven at Raven. Si Steven na nakaluhod at si Raven na nanununtok
Nanlaki ang mga mata ko at agad ako tumakbo palapit kay Steven na nakayuko na sa sobrang pananakit ni Raven. Iniyakap ko siya at napapikit na mararamdaman ko ang suntok ni Raven.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...