TMCG- Chapter 10

10K 278 41
                                    

Hindi ako nagpakita nang kahit anu mang takot  kahit ang totoo ay nangangatog na ang aking mga tuhod. Ang hawak niyang baril ay ikinasa na niya at itinutok sa aking ulo. 

Walang nagsasalita. Tahimik kaming lahat. 

Madami kami tao sa salang iyon. May iba pang tao nakapalibot sa amin. 

"Tama na yan Bruno.." ibinaba nang lalaking may kalakihan ang katawan. Kalbo ito at may tattoo sa kanyang braso. 

Yumuko siya at nagbigay galang sa nagsalitang iyon. Nalipat ang aking tingin sa taong nagsalita. 

May takip ang kanyang mata sa kanang bahaging mata. Katulad nang kanina ay malaki din ang pangangatawan. May bigote ito at kalbo. Kita ko din ang earring niya sa tenga. 

Nakakatakot. 

Para siyang galing sa selda. Ayoko man manghusga pero mukha siyang kriminal. 

Tumayo siya na para bang tinititigan niya ang bawat parte nang katawan ko. Punyeta! Ayan lang ang nasabi ko sa isip ko. 

"Magnolia....mas maganda tong bagong dating..."kumunot ang aking noo. Bakit kilala niya si Magnolia? Di ba napasukan kami? 

Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at mas lalo ko pa siyang sinamaan nang tingin. Humugot ako nang lakas para magsalita. 

"S-sino ka!?" halos pasigaw ko sambit sa kanya ngunit isang malakas na sampal ang aking inabot. Parang nahati ang ulo ko sa aking katawan. 

"Wala ka karapatan sigawan ako! Dahil iyang kaibigan mo ang may utang sa akin!!!!!!" isang sampal nanaman ang aking natamo. 

Hindi nila namalayan na natanggal na pala ni Magnolia ang busal niya sa kanyang bibig. 

"Tama na! Wag niyo siyang sasaktan!" ngayon ko lang napansin na puno nang galos rin ang kanyang bibig. 

"Patahimikin niyo yan! Itali iyan!!"Agad ako itinali sa likod. Hindi ko alam pero bigla nalang sumakit ang ulo ko pero hindi ko nalang ininda iyon. 

Pagkatapos nang ilang oras na ikinulong kami sa kwarto at binigyan kami nang pagkain. Itinangal na din ang busal namin na itinali sa kamay tsaka kami iniwan. 

Agad kong nilapitan si Batcheng at Buknoy. Sa awa nang diyos ay wala naman silang pasa pero si Magnolia ay bigla nalang napahugulgol. 

Iniyakap ko siya agad "Shhh....Taha na..." hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Pero ang alam ko....takot na takot siya. 

"Andeng! Anong gagawin ko....mga gago talaga mga lalaki. Pagkatapos ka nilang gamitin ipapahamak ka pa nila!"ngayon ko lang siya nakitang ganito.

 Dahil kahit pinalayas siya sa kanila noon ni isang patak nang luha ay walang lumabas sakanya bagkus nagkaroon pa siya nang lakas pero ngayon...

"Ano ba kasi nangyari...."tanong ko. Oo nga lalaki parin si Magnolia sa pisikal pero ang kanyang puso ay babae barin. 

Suminghot siya at binigyan ko siya nang tubig. 

"Nang dahil sakin nadamay pa kayo...nang dahil sa akin pwedeng may mangyari sa inyo masama..."bulong niya. 

"Walang mangyayaring masama...basta sama-sama lang tayo tsaka wala naman may gusto sa situation natin diba?" lumunok ako. Ngayon kailangan kong malaman kung bakit andito kami sa situation itong. 

Nang natapos na kami kumain ay pinatulog ko na si Batcheng at Buknoy. Habang natutulog sila ay sinamantala ko na ang pagkakataon. Kailangan kong malaman kung bakit andito kami sa situation ito. 

Dahil kami-kami din ang magtutulungan.

"Magnolia....."tawag ko sa kanya. Humugot siya nang lakas nang loob. Inalalo ko ang kanyang likod nang may takas na luha sa kanyang mukha. 

"Nang nasa Maynila ako wala ako ginawa kung hindi magtrabaho. Sa loob nang ilang taon ko dito nakaipon at nakapundar ako nang bahay paupahan"Yumuko siya at pinagpatuloy ang kanyang kwento. 


Base sa kanyang salaysay nang itinayo niya  tong apartment ay naging malakas naman ito. Madami nangungupahan. 

Hangang sa makilala niya si Kiko. 

Dahil nga gwapo si Kiko hindi naiwasan ni Magnolia madevelop ang kanyang feelings sa binata. Naging maganda ang takbo ang relasyon nila sa unang buwan hangang umabot sa pang-anim na buwan. 

Nakita niya malungkot si Kiko na para bang may pinoproblema. Galing sa trabaho si Magnolia kaya agad niya pinuntahan siya. 

"Ki..."tawag ni magnolia. Hindi niya daw naiwasan ang pagalala sa binata. Hinawakan niya ang mga kamay nito. 

"Lia..." hinawakan niya ang kanyang mukha. Ramdam niya ang naghuhumerentadong puso niya. Haplos palang ni Kiko ay nagwawala na ito.

"Bakit may problema ba?" umiling si Kiko at yumuko. 

"Hindi mo na kailangan pang intindihin ako Lia....kaya ko ang problema ko" sagot nang lalaki sa kanya. Agad siyang umiling...gusto niya malaman ang problema nang binata. 

"Sabihin mo na Ki....."bumuntong hininga siya. 

"Kailangan ko nang pera....kailangan ko makabayad kay Manong Dadong" hinawakan niya ang kanyang mukha. 

"Gagawa ako nang paraan" determinadong sambit ni Magnolia.

"Pero..."agad niyakap ni Ki si Lia na para bang nanalo sa lotto. 

Nabayaran naman ito ni Magnolia. Ganun niya kamahal si Ki. Handa siyang magsakripisyo. Halos lagi siyang overtime at may sidejobs pa siya para mabayaran lamang ito. 

Hindi siya nakauwi nang dalawang araw para sa isang outreach program sa kompanya. Halos magpasalamat siya sa panginoon dahil napromote din siya. 

Gusto niyang supresahin ang binata kaya hindi niya sinabi kung kelan ito uuwi hangang sa natagpuan nalang niya ito may kasama siyang babae. Ineexpect na niya ito na maghahanap nang iba pero masyadong masakit pala kapag nangyari na. 

Halos manlaki ang mga mata niya at agad niya sinugod ang babae. 

"Walang hiya ka! Mangaagaw!' agad niya sinabunutan ang babae pero tinulak siya ni Kiko nang malakas.

"Ki...."pinuntahan ni Kiko ang babae at tinignan maigi kung may sugat ito. 

Para siya tinutusok sa puso dahil kahit minsan....hindi pa siya sinaktan ni Kiko. Noon 

"Wala kang karapatan para saktan siya!" sigaw nang lalaki "Dahil kahit minsan...hindi ka magiging babae! At malabo kita patulan! " halos na estatwa siya sa mga narinig niya. 

Wala siyang utang na loob...walang kwenta. Mangagamit. 

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon