Sa mga sumunod na araw pinagtrain niya ako ng martial arts na hindi ko pa nagawa noon..iyon ang Muay-Thai dati kasi Taekwondo at Judo lang ang alam ko noon.
"Mas maganda kung alam mo ang Muay-Thai, mas mabubuild up ang muscles mo sa maikling panahon. Isa pa mas lalakas ang stamina at power mo pagnakipaglaban ka " yan ang sabi ni Raven ng isang araw kaya ngayon pinagtrain niya ako sa isa sa mga tauhan niya.
Nilagay ko ang protective gears at pumasok sa loob. Matangkad siya at build ang muscles mukhang hindi madali to. Ang kalaban ko ngayon ay isang babae na mistulang grabe sumipa. Nang narinig na namin ang bell ay agad na siya nagsimula para umatake. Umiwas ako at sinubukan niyang ako sipain gamit ang kaliwang tuhod niya ngunit nakailag ako. Kaya ako naman ang umatake at hinawakan ang kanang bahagi ng katawan niya at kinulong ko iyon para di siya makakilos. Pero sa biglang pagkakataon bigla niya nabaliktad ang sitwasyon, agad niya ako cinounter attack at siya ang nagkulong sa akin.
Damn! Kailangan ko makaisip ng paraan...nakakita ako ng soft spot at agad nakawala sa pagkakaipit. Gamit ang kaliwang braso ko hineadlock ko siya para hindi na muling makakilos pa.
Tumunog na ang bell at nirelease siya..Mukhang nanalo ako? Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagbalik ng lakas ko pero alam ko din sa sarili kong kulang pa rin.
Nakita ko si Raven sa labas ng ring at mukhang nanood siya ng kakatapos na laban agad ako bumaba.
"Anong masasabi mo sa laban ko?"tanong ko ng nakatitig lang siya sa ring ng bigla siya bumaling.
"Kulang pa...hindi mo masyado napagisipan, hindi concreto plano kung saan mo siya icocounter attack. Dapat mabilis ka magisip at magdesisyon. Halatang nag hesitate ka." Humarap ulit siya sa ring at nagsalita "Maganda kung matatapos mo ang laban ng Thirty seconds, tiyak ang pagkapanalo mo" ibinato niya ang towel at iniwan na niya ang lugar na iyon.
Pinagpatuloy ko ang laban.
Dalawang buwan na simula ng magtraining ako at alam ko nagimprove ako. Naging mabilis ang bawat sipa at suntok ko, kada umaga nageexercise ako such as jogging, jumping jacks, weights at iba't ibang exercise.
Naging mahirap nung una pero nagiging madali na sa pagdaan ng araw. Sa bawat linggo lumilipas pinagaaral ko din ang structura ng isla at kung saan ako pwede isla dumaong papunta Maynila. Upang hindi maghinala si Raven, humingi ako ng guide map para sana magexercise sa labas kung sakaling maligaw man ako pero ang totoo nagbubuild-up na ako ng mga satellite para makaconnect at makasagap ng signal.
Nakakuha ako ng sirang laptop ng palihim, kinuha ko ito sa isa sa mga storage room. Sinubukang ko paganahin ito at pinagbaliktad ang wires.
Ngayon pumunta ako sa kweba kung asan ko tinago ang mga gamit ko.
Mula sa kung asan ako, ayon sa meter medyo malayo at ilang kilometro pa ang layo ng aabutin mula isla hangang sa pinakamalapit na daungan at halos sampung oras ang biyahe.
Masyado matagal iyon, pero ayun nalang ang pagasa ko.
Mula sa malayo sinetup ko bag ko at kailangan at kailangan makuha ang yate iyon. Yun lang ang tanging naiisip ko para makaalis dito. Kailangan ko pa ng konti panahon.
Nasa practice room ako ng dumating si Raven, katulad ng dati tahimik pa din siya nanonood pero napansin ko iba ang suot niya, nakapang sports attire?
Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita na ito
"Andrea, hinahamon kita makipaglaban" napatingin kami ng kalaban ko sa kanya. Nagbow ang kalaban ko at tuluyang umalis.
Humarap ako sa kanya at itinuro ang ring "Kinagagalak ko" at pumunta siya paakyat.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...