Please look for my Authors note at the end of the Story, Thanks :)
"Shh..it's me Andrea" tumango ako at tumigil sa pagkilos.
Nagpumiglas ako nang nagkatitigan kaming dalawa. Sinenyasan niya ako tumahimik at tumango. May ibinigay siya sa aking mahabang tela na may hood.
"Use this para hindi sila maghinala" tumango ulit ako. Isinuot ko iyon gaya nang sabi ni Zeus.
Lumabas na kami at naramdaman kong ang hawak niya sa aking kamay. Marahil upang hindi ako mawala. Katulad nang dati ang lakas nang tibok nang puso ko at may kuryente nagdadala sa akin patungo sa kanya.
Nabaling din ang attensyon ko sa aking kapaligiran.Halos lahat nang tao dito ay kapareho nang suot namin kaya masasabi kong hindi kami mapagkakamalan na estranghero sa bayan na ito.
Medyo nakakatakot at weird nang bayan na ito dahil wala kang mukhang makikita dahil nga nakatakip ito nang kapa.
Napabagal ang aming kilos habang palakad sa aming madilim na destinasyon. Pumasok kami sa isang eskinita at tumuloy ulit sa isa pang eskinita na siya kinalabasan nang kabilang panig nang pader.
Hawak niya pa din ang aking kamay nang tumuloy kami sa isang maliit na saradong tindahan at sa gilid non ay matatagpuan ang isang payphone. Tumigil kami sa gilid nito at nilapitan niya ako.
"Don't look everywhere....and Andrea, could you please forward to me?" tanong niya. Bago pa ako makapagreact ay hinapit niya ang aking bewang at aatras sana nang pigilan niya ako.
"Just trust me" tumango ako. Habang nakatingin siya sa akin. Inilipat niya ang tingin sa telepono. Napagmasdan ko ang kanyang mukha.....hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon kung saan ko siya unang nahalikan. Makinis pa din ang kanyang mukha.
Umiling ako at iniwas ang tingin sa kanyang mukha at may kung ano ako narinig na tunog kaya't napabaling ako nang atensyon.
Napakunot ako nang noo sa kanyang ginagawa. Binubuksan niya ang telepono gamit ang isang matalas na kutchilyo at maingat niya inaangat ang cable nitong payphone. Inilagay niya ang blue wire sa red wire at pinagpalit sa yellow na wire ang blue wire kung saan nakapwesto ang puting wire na pinutol niya. Nakita ko din may inalis siya na isang chip at pinalitan ito nang piso.
Pagkatapos non ay ibinalik niya ito nang walang ingay na para bang walang nangyari at nagdial na nang numero. Habang ginawa niya iyon ay tumingin siya sa akin at bumulong.
"Alam kong iniisip mo. Wag kang kabahan, just stay still. Hindi ako naglagay nang bomba sa teleponong ito. Kailangan ko lang nang private connection kaya safe ka ." inilipat ulit ni Zeus ang kanyang mata sa telepono.
Makailang sandali nagsalita na siya.
"Hello, it's me" malalim ang kanyang boses sa kanyang kausap. Malamig ito na tono.
"Track me in this place, as soon as possible. Reach me within 24 hours" ibinaba niya ang telepono at hinatak ang nakalitaw na pula.
"Don't worry magagamit pa naman ung telepono, it's just na hindi lang to marerecord" hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit "Kailangan natin maghintay sa pinadala kong tao" tumango ako.
"Uhm, Zeus..di naman ako mawawala pwede mo ako bitawan" hindi siya tumingin at binitawan ang kamay ko. Ni hindi niya ako kinausap.
Ang ayoko lang naman na kapag hinawakan niya pa ang kamay ko ay baka hindi ko na macontrol at mabitawan pa.
Halos paikot- ikot kami sa bayang iyon nang makakita ako nang isang palaro. Nasa unahan ko siya ngunit nabaling ang attensyon ko sa laro.
ARCHERY CONTEST :
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
AcciónAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...