TMCG-Chapter 23

9.1K 198 269
                                    

Dalawang buwan na ang lumipas.

Napaka bilis ang takbo nang oras dito. Ang Dalawang buan ay tila isang linggo lang sa akin. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa dami nang nangyari nitong mga nakaraang buwan.

Pagkatapos ako bihisan nang mga babae sa tribong iyon ay agad nila ako dinala sa isang kwarto at magmula non ay ikinulong nila ako dito sa kwatong may apat ang pader.

Kama, lamesa, upuan , maliit na bintana at isang ilaw lang ang laman nang kwarto.

Sa loob nang isang araw, tatlong beses nila ako kung hatiran nang pagkain at tubig.

Nasisinagan ko nanaman ang araw sa isang maliit na butas sa may bintana. Pero di sapat iyon para makita kung ano ang nasalabas nang kwartong ito.

Tila ang araw ay pangkaraniwan na lamang at ang gabi ay mistulang araw na lang rin.Natatandaan ko pa na ang sabi sa akin ay iaalay ako noong araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy.

Di ko alam kung bakit.

Araw araw kong hinihintay at hinahanda ang sarili ko sa mga mangyayari.

Pumunta ako sa aking kama dahil nakaramdam ako nang antok. Tila ba napakabigat nang katawan ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit pero mukhang ginagabayan parin ako nang panginoon.Ngunit alam ko hindi sa lahat nang oras...

Nagmulat ako nang mata, agad kong nasilayan ang isang rebulto. Hugis dragon ito. Kulay Asul.

Inilibot ko ang aking ulo at pinagmasdan ang kapaligiran. Walang tao at madilim lang dito sa kwartong ito. Dalawang apoy lang ang nagsisilbing liwanag sa aking harapan. Kung saan nakalagay sa aking harapan ang dragong rebulto.

Tahimik...ni walang tao ang nasa aking paligid..ako nakikita.

Tatayo sana ako ngunit mahigpit ang pagkatali nang aking mga paa at kamay sa upuan. Wala ako magawa kahit anong piglas ko.

Alam ko nasa kwarto ako kanina?Kaya pala parang ang bigat nang pakiramdam ko.

Baka may inilagay sila sa aking pagkain!Tumingin ulit ako sa paligid at tinancha kung may tao.

"Asan ako! May tao ba dyan??" napalunok ako nang unti-unti nagsumindi ang mga apoy mula sa mga ding ding. Ang dating dalawang apoy ay nagdagdagan nang anim na maliliit na apoy.

Kasabay ang pagbukas nang isang madilim na pintuan.

Lumabas doon ang isang tao may maitim na nakakapa. Tahimik ang kapaligiran at tunog lang nang sapatos niya ang naririnig ko.

Lumapit siya maigi at tila ba ay maingat na sinuri.

Umikot siya na tila tinitimbang niya kung sino ako.

Humarap siya sa akin at itinuro ako.

Dahan dahan siyang lumapit at hinawakan ang aking mukhang at walang habas na sinampal ang mukha ko. Natikman ko ang dugo mula sa aking labi. Tinignan ko siyang maigi at pinipilit ko kumalagan kahit alam ko naman impossible matangal ang tali sa kamay ko.

"Sino ka! Ano kailangan mo sa akin?"

Imbes na sagot ang aking nakuha ay sampal ulit ang aking naging sagot. Itinaas niya ang aking ulo at umiling.

"Kamukha mo lang siya pero hindi ikaw siya. Mga ilutil talaga ang mga yon!"rinig na rinig ko ang dagungdong nang kwarto sa kanyang galit.

Agad na kumunot ang aking noo. Napagkamalan niya ba akong si Stephanie?

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon