TMCG - Chapter 17

12.1K 429 177
                                    

Itinulak ko siya at tumitig sa kanyang mata. Kasabay non ang pagpunas niya nang luha sa akin ngunit agad ko rin naman pinigilan iyon.

Dapat kong ipaintindi na hindi nga ako si Stephanie. Huminga ako nang malalim at nagsalita. 

"Zeus, hindi nga ako si Stephanie dahil impossible siyang maging ako..hindi ako siya" yumuko ako at napatingin sa sahig. 

Unti-unti naman niya binaba ang kamay niya at agad na umiling marahil simbolo  ito nang pagtutol.

"No...I don't believe you. I can prove to you. Your scent and face just  like her..possible bang may dalawang Stephanie sa mundo? Marahil nakaligtas ka lang at nakalimutan mo ang lahat" humarap ulit ako sa kanya at tumingin. 

"Ito ang una nating pagkikita ..maaring nakikita kita sa malayo ngunit hindi kita kilala nang personal at uulitin ko ulit mas lalong hindi ako si Stephanie dahil napaka-impossibleng maging ako siya" nakita ko ang pamumutla niya at umiling.

"Pero-"akmang magsasalita pa siya ay pinutol ko na ang sasabihin niya at nagsalita ulit sa kanyang harapan na kahit na ba hirap ako harapin siya.

"Hindi mo ba naisip na baka kapatid ko siya o malayong kamag-anak? Kahit alam kong impossibleng mangyari iyon o sadyang napagkamalan mo lang ako?" Kunot noo siyang tumingin sa akin na tila na lilito. 

Napalunok ako doon at pinagdadasal na hindi mautal. Ito rin ang pinagtataka ko sa totoo lang, maari bang dalawang tao ang nabubuhay sa iisang mukha? Marahil pwede kung kapatid ko nga siya.

Pero..kahit ako mismo hindi ko na alam ang sagot dahil lahat nang mga nalalaman ko ay walang basehan man lang.

"Isa pa maari ba wag mo ako tawagin sa pangalan Stephanie. Pakiusap ko sayo dahil bago mo ako makilala ay may pangalan ako at iyon ay Andrea Topacio o mas kilalang Andeng. Iyon ang nagiisang pangalan ko sa mundong ito at higit pa sa lahat hindi ako ang asawa mo" huminga ako nang malalim para makakuha nang lakas bang loob at nagpatuloy pa din ako sa pagsasalita. 

"Narinig ko si Manong Dado na ipapatay ka bago sumapit ang pagkikita nang tinatawag nilang Phoenix Society. Kaya tatakas ako para humingi nang tulong" bigla nalang siya dumistansya sa akin at tumingin kasabay non ay isang bula nawala ang isa niya katauhan at bumalik sa pagiging seryosong makapangyarihang si Zeus.

"Don't.EVER.LEAVE.ME"matigas niyang ingles na para bang wala ako karapatan sumuway...na para bang hindi ako maaring tumanggi. Hinawakan niya ang braso ko at nagsalita ulit.

 "Bago ka makaalis nang kwartong ito, sisiguruhin kong walang makakapaghiwalay saatin" pagkatapos non bigla niya ako niyakap at hinalikan ulit ngunit nasa hwisyo ako at alam ang nangyayari kaya walang pag-aalinlangan dali-dali ko siya tinulak at sinampal nang napakalakas. 

Kita ko ang dugo sa kanyang labi. Seryoso na ako tumingin sa kanya. At nasa isip kong kaya ko ito...

"Tutal alam mo narin naman ang plano ko, makipagtulungan ka nalang sa akin.Isa pa sinampal kita para magising ka sa katotohanan."kasabay non ang pagkasabi ko sa aking sarili ang mga katagang 'dahil maari kang mamatay nang mas maaga' ngunit itinago ko nalang iyon sa aking sariling isip.

"Isa pa Zeus ...uulitin ko wag na wag mo ako tatawaging sa pangalang Stephanie. Oo nga asawa mo siya, kamukha ko siya ngunit  hindi ako siya." ilang beses ko sa kanya inulit iyon para magising siya sa katotohanan. Nilakasan ko din ang loob ko para sabihin sa kanya nang diretchong may punto na para bang natural na lumalabas sa akin. 

Hindi siya nagsalita pero nakatitig nanaman ang mga malalamig niyang mata niya akin. Iniwasan ko agad ang tingin niya.

Ngunit ako ay napalunok na ang ginawa niya lamang ay humakbang paharap habang ako naman ay patalikod ang hakbang. Seryoso siyang nakatitig parin sa akin at ramdam na ramdam ko iyon haggang sa napahawak nalang ako sa dulo nang lamesa. 

Napatingin ako doon at napagtanto dulo na pala ito kaya tinignan ko siya na gahibla ang layo namin. 

Halos masamid ako nang unti-unti siyang lumapit sa aking katawan at nang iiwasan ko ang kanyang mukha ay dali-dali niya ako kinabig paharap at bumulong. 

"I'll take charge of everything, just do it based on your plans. I know you can't do if you are alone....Andrea"nakatingin lang ako nang diretcho sa pader at di humarap sa kanya pero ramdam ko ang init nang kanyang hininga. Inalayo niya ang kanyang mukha at tumingin sa akin at itinuro ang pintuan. 

"Satingin mo paglabas mo dyan, makakalabas ka na kapag wala kang kongretong plano? Baka wala pang isang sigundo ay patay ka na Ms. Andrea.."may diin ang bawat salita niya lalo na sa pangalan ko. Ako naman ay nanibago dahil pumopormal ang tawag niya sa akin. 

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon