TMCG - Chapter 32

2K 66 49
                                    

Naramdaman ko nalang na hinapit niya ako papunta sa kanya. Napatingin ako kay Raven dahil sa gulat na ginawa niya...Ilang sandali bigla naman niya ako hinalikan sa noo at bumulong.

"Shh....Wag kang kabahan...I'm here"

Tumango at napangiti, agad ako tumingin sa dalawang tao palapit na kilalang-kilala ko.

Nginitian ko sila at inabot ang kamay....kay Zeus.

"Hi..I'm Tiffany BlancMont..nice meeting you..Zeus" I chuckled "No, it's God Zeu's right?" instead na magreply siya sa akin, hindi niya pinansin ang mga sinabi ko at tumingin lang siya kay Raven.

Seryoso at may malalim na titig.

Napaubo ako para maagaw ang atensyon niya at ibababa na sana ang kamay dahil walang naman ata siyang plano makipagkamay ng bigla niya hinatak pataas ang kamay ko.

"It's my pleasure...to finally see you both...Mr. and Mrs. BlancMont" ngumiti ulit ako. Mukhang nakuha ko na ang attention niya? I smiled, ngayon sa akin na siya nakatingin at medyo mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at mukhang nakuha naman niya...na nasasaktan ako kaya agad niya binitawan iyon.

Medyo naging awkward..

"Kagagaling niyo lang sa America, di ba? How's your stay here?"tanong ni Zeus.

"Okay naman,Nauna lang ng konti ang asawa ko" iniyakap ako ni Raven

"Actually, Dylan help us to organize things" singit ko.

"May mga dealings pa tayo kailangan i-sign" singit naman ni Dylan, agad ako tumango. Napatingin ulit ako kay Zeus....at napansin na matalim ang tingin niya sa akin.

Imbes na umiwas ako...nginitian ko pa siya at itinaas ang champagne glass. Kaya siya naman ngayon ang napaiwas ng tingin.

Bakit? Bigla ba napaisip ka? Impossible...hindi-hindi mo malalaman kung sino ako, unless kung ako mismo ang magsasabi sayo...in right time or maybe kahit wag na....

Nagusap si Dylan, Raven and Zeus tungkol sa business..ng dumating ang tao pinaka-inaasahan ko sa party the fake one walang iba kung hindi si Stephanie.

She is wearing black backless dress na may mataas na cut sa gilid ng legs niya. Mukha siyang hoe...tbh. Tinignan ko siya mula ulo hangang paa, that face of mine.....

I sip my champagne at muli kong hinawakan ang braso ni Raven.

"Hi! Everyone!" bati niya sa aming apat. Naka-curls siya at masyado mapula ang labi. Agad niya kinawit kay Zeus ang braso....na parang linta makadikit.

Napatingin si Zeus kay Stephanie at inayos ang kanyang buhok.

Again, I sip my wine.

Ang sweet! Napahawak ako sa glass ng mahigpit. Napansin kong nakatingin muli sa akin si Raven na may halong pagtataka. Nginitian ko siya as a sign na magsisimula na ako...binitawan naman ako ni Raven at lumapit ako sa fake na Stephanie!

"Hi..nice to see you again..." sambit ko.

"Do I know you?" Sumandal siya kay Zeus na parang ahas naman. Pinagpatuloy lang ni Dylan, Zeus at Raven ang paguusap about business matters.

"Sorry, I forgot to introduce myself again....I'm Tiffany BlancMont" inabot ko ang kamay ko sa kanya.

"Ahhh! ung babaeng nagpareserve ng buong third floor... ung feeling VVIP sa lahat ng VVIP?" napatingin silang tatlo sa amin.

Gumagawa nanaman siya ng eksena. Hinatak na niya si Zeus at tinuro ako.

Ibinaba ko na ang kamay ko.

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon