9th - Clueless

25.8K 715 10
                                    


Cheska and  Steven kissing each other



Halos nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Pero patay na si Cheska, paano nangyari buhay siya? Inisa-isa ko ang picture at makikita mo kung gaano sila ka intimate sa isa't isa. Napaka iba narin ni Steven kung para dati, wala na siyang salamin at higit sa lahat iba na rin siya manamit pati kilos. Kaparehas nang kay Chesa na may salamin dati, ngayon wala na rin at may kulay narin ang buhok nito. 

"I know medyo na shock ka, pero hindi yan si Cheska ang nakikita mo" sabi ni Raven sa akin. Tama ba ako nang pagkarinig ko, hindi to si Cheska? 

"Red, yang nakikita mo ay si Arielia Standford at tama ka nga nang nakikita si Steven yan, buhay na buhay. Habang wala ako noong mga panahon na napahamak ka, nagsimula na ako maginvestigate kung paano ba namatay si Cheska at kung sino ang nagpapadala sayo nang threats.

 Well si Arielia standford un ang kakambal ni Arianne or lets say Cheska's true name . Hindi ko alam kung ano ang secreto bakit siya nagpanggap na Cheska, siguro parehas din nang gusto mo, maging malaya." Tumayo siya at humarap sa bandang garden, alam ko malalim din ang nalalaman niya.

"After nang incidente sa inyo ni Steven, wala na ulit nagpapadala nang threats sa iyo. Last 2 Years ago ay  nagpakita nga si Arielia bigla. Pero masasabi mo magkaiba sila ni Cheska, at first mapagkakamalan mo siya. Sa loob niyang envelop may makikita kang papel,kung saan ang mga listahan nang mga related sa Standford at isa na nga doon ang pamilya ni Steven. Ayoko man paghinalaan pero.....ang conclusion ko iisa lang ang gusto pumatay sa inyo ni Steven. Ang hindi ko lang alam,kung sino at  bakit hindi na niya tinapos ang buhay mo o kaya ni Steven, well nilalaro niya ang laro nang patas dahil pagkatapos nang ilang araw mong magising may nagpadala ulit nang threats sayo"

may binunot siya maliit na sobre at inilapag sa table, kinuha ko un at kinuha ang nakalagay doon na barahang joker, na may nakasulat.

Two Years.......See You Soon Red

-xx-


"gusto niya patayin kayo nang mas dahas at patas" humarap siya at sinabi sa akin.


Hindi ko alam pero nakakakilabot, alam nang nagtatangka sa akin kung ano ang aking mga gagawin. Ibig sabihin, 2 years din siya naghintay siya? Hindi ko alam pero bakit pinagtatangkaan kami dalawa, maiintindihan ko pa kung ako pero si Steven, bakit siya. Humarap ako sa kanya at buong tapang na nagtanong.

"Bakit si Steven, bakit siya na damay? Anong kasalanan niya? Di ba dapat ako lang?At anong nangyari kay Steven last two years ago?" tanong ko sa kanya.


"Red,Sorry pero hindi ko din alam. Sa loob nang dalawang taon hinahanap ko rin ang kasagutan.Well si Arielia at Steven hindi ko alam ang namamagitan sa kanila, basta ang alam ko na coma si Steven  for 1 year at pagkagising niya wala na siya matandaan. " nakatitig na sabi sa akin ni Steven


"Ibig sabihin, hindi na niya ako matatandaan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Yes, hindi ka na niya kilala, its much better kung makikita mo siya nang personal" naglakad na nang palayo si Raven. At tumigil ito sa huling pagkakataon " Red...... gusto ko tulungan mo ako dahil kay Angela, naniniwala ako na frame-up ka lang at iisa lang ang gumawa neto " At mabilis na siya lumayo. 


Ang dami kong gusto malaman sa loob nang dalawang taon, ibig sabihin alam ba ni Black na hindi talaga ako pumatay kay Angela? Kailangan ko malaman kung sino ang nasa likod nito . 


After 1 Month


Pasukan na dito sa university, almost 1 month ako nagprepare para bumalik sa dati. Katulad nang ayos ko, Nerdy Glasses, Messy Long Hair matching manang look. May dala din ako mga libro para swak na swak ang pagiging nerd ko. Ang dati kong mga classmate nung highschool ay mas ahead na sila sa akin nang Two Years , si Steven at Ariel ay 1 year. 

Pumasok na ako sa classroom at nagsimula maghanap nang upuan. 

Katulad nang inaasahan, naaral ko na ang mga tinuturo dito , at inaantok na ako. Tinignan ko ang oras at isang oras na siya nagsasalita. Pipikit na sana ako nang may dumating na Walo kalalakihan, mukhang mayayaman at may kaya sa buhay, for short mga palamunin.  

Nung una hindi ko pinansin kaso nang nagsalita na siya ay tumaas ang balahibo ko, ang kaibigan ko nagligtas sa akin, si Steven. Yumuko ako at nakinig sa pinaguusapan nila.

"Siya ang kailangan namin, ung lalaki na un Professor" nakaturo sabi  ni Steven sa lalaki. Kinuha nang mga kasamahan niya ang kawawang estudyante. Ibang iba na siya sa Steven na kilala ko, marahas at marunong manakit.

Pagkatapos nang pangyayari na un ay parang walang nangyari. Wala man lang pumigil dito, sa loob nang dalawang taon, ano ba ang mga nagbago?

Lunch Break na namin at kumpara sa dating kong school nang highschool, wala masyado bully. Umupo ako sa ibabaw nang puno at nagsimula kumain. Iniisip ko paano ko ba sisimulan ang plano ko. Habang kumakain ako nang tinapay nakita ko ulit siya si Steven , pero this time kasama niya si Arelia ang kakambal ni Cheska. Magkamukha lang sila pero napakalayo nang itchura.


"Psst...Miss Nerdy!" tawag sa akin nang isang lalaking, nerdy din. Naalala ko tuloy ang dating Steven sa kanya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at may pinakita libro.

"Bago ka lang no?" tumango ako at pinakita ulit ang libro " Pwede bang maging kaibigan kita?ako si Jason" naglahad siya nang kamay at ako din, Tumawa ako at pumayag sa gusto niya mangyari. Sa loob nang isang  linggo halos siya ang kasama ko at walang mintis. 

Ngunit ngayon ay kailangan pa niya dumaan sa Tiyahin niya para kunin ang allowance niya. 

Naghiwalay na kami sa tapat nang school at naglakad pauwi. Habang naglalakad ako may nakasagi sa aking naka motor nang siyang ikinatumba ko. Nagkaroon ako nang malaking sugat sa tuhod at halos di ako makatayo, dali dali naman tumigil ang motor. 

Mula sa kanyang motor ay bumaba ang nakahelmet na lalaki at nagkatinginan kami dalawa. Medyo weird dahil ang tagal niya nakatitig sa akin.Akmang tatayo ako nang inlahad na niya sa akin ang kanyang kamay at unti unti ako inalalayan patayo.

"Salamat "  yan ang sinabi ko sa kanya, para hindi na humaba ang usapan. 


Nagsimula na ako maglakad palayo sa kanya kahit dumudugo pa ang aking tuhod.Kahit nakatalikod ako ay  naramdaman ko hinubad na niya ang kanyang helmet ngunit patuloy pa din ako sa paglalakad, pero may kung ano ako naramdaman nang siya ay nagsalita.



"Miss, Ihahatid nalang kita sa Ospital, Your not okay" isang maotoridad na utos ang narinig ko at napatigil ako sa paglalakad.  Dahil kilalang kilala ko kung sino ang nagsalita na iyon, clueless ako na ito pala ang una naming paghaharap ulit.




-Itutuloy...

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon