8th - Passed

26.1K 761 30
                                    

Pagkagising ko ay nakaharap na ako sa isang puting kisame, may kisame na pala sa langit? Malalim lang ako nakatingin doon nang  biglang tumapat ang mukha sa akin ni Dylan ang nakakabata kong kapatid. Patay na rin ba siya? Paano at...... narinig ko nagsisisigaw si Dylan na parang wala nang bukas. 

"Anak!" si mama ba un? Hindi ako makapagsalita at bumalik ang mga nangyari nung araw na un. Pero sa pagkakatanda ko ay nahimatay ako nang dahil sa sugat ko. Hindi ko magalaw ang katawan ko parang yelo sa tigas. Isa isa lumapit ang mga nakaputing gown at itinatapat ang ilaw sa aking mata na unti-unti nagsasara ulit kaso naramdaman ko hinawakan ako ni Dylan nang mahigpit. Ung kapatid ko talagang un, Dylan matutulog lang ulit ako hintayin mo magigising din ako.


Namulat ulit ang aking mga mata, parang saglit lang ako napikit pero this time di ko na ulit sinarado ang mga mata ko. Nakita ko niyakap ako ni Mama nang mahigpit. Sinuri ako nang mga doctor at kung ano ano pa. Nang nagkaroon na ako nang lakas unti unti ako umupo,unti unti ko ginalaw ang mga kamay ko na tila ba ay nanghihina.


"What do you want Red?" nakangiti sabi ni Mama. Umiling ako at pinilit kong magsalita kaso di ako makapagsalita, anong nangyayari sa akin? Naghanap ako nang kahit anong pwede ko mapagsalitaan nang aking iniisip nang makita ko ang cellphone na nilalaro ni Dylan. Tinuro ko un at tumango.Dahan dahan ako nagtype dahil parang mababali ung buto ko kapag masyado ako magpumilit gumalaw.

"Mama,nasaan na ung lalake kasama ko sa Warehouse?"  inabot ko kay mama at nakakunot ang noo, dalidali din siyang nag type.

"Sinong lalaki? Red nung natagpuan ka ni WangYu at Black ay nakahandusay ka nang walang malay at nagiisa ka lang"

Huh? Paano nangyari un? Asan na si Steven?  Dalidali ako nagtype sa phone 

"Ma, may kasama ako at un ung kaklase kong nagligtas sa akin" ibinigay ko agad kay mama

"Red, anak I'm sorry hindi ko alam ang sinasabi mo" umiling-iling sa mama, ano ba talagang nangyayari?

"Ma, ilang araw na ba ako natutulog?" binigay ko agad kay mama pero halatang nagulat siya sa nabasa niya at bumuntong hininga nang mabigat na parang ayaw niya magsalita. Hinawi niya ang aking buhok at Inayos.

"Red.....You are Sleeping about 2 Years na"nanlaki ang mga mata ko, 2 years pwede ba yun? Alam ni mama nagtataka ang mukha ko, pero imposible un! "Last Year anak, on your six month  na nasa ospital ka ay halos nawalan na kami nang pagasa  pero nung mga panahon na yon ay  minulat mo ang mga mata mo ngunit ipinikit mo ulit. Nagdasal ako sa mga angkan natin para magising ka na at nagkaroon nang himala dahil  nagising ka nga ngayon.

So, ung dati nagising na pala ako akala ko napapikit lang ako  saglit " Anak, sabi nang mga doctor, may lason na itinurok sayo pero ngayon wala na, ang lolo mo ay humanap nang lunas sa lason binigay sayo nang mga un." Sinuklay ni Mama ang aking buhok, tumango ako at inisip ko ulit si Steven sabay kinuha ko ang cellphone at nagtype ulit.

"Ma, may kasama talaga akong lalaki kailangan natin siya mahanap!" ipinakita ko sa kanya ang tinype ko at tumango si mama. "Okay sweetie, basta magpagaling ka" tumango ako at humiga ulit. 


Almost Seven month ako nasa rehabilitation  center, bilang panganay inexempt muna ako sa mga mission na kaylangan ko daw ipagpatuloy tuwing 17th. Alam ko tinalikuran ko na ung responsiblidad na un, kaso bumalik ako sa pamilya ko ibig sabihin bumalik na rin ang pagiging Assassin Red ko. 


Umuwi na kami sa bahay namin mala palasyo, masyado tong malaki para sa limang tao di nagkakakitaan. Nagbigay galang ako kay lolo na humanap nang lunas sa lason na itinurok sa akin at kay papa makikita mong nagaalala. 

Pumasok sa isip ko, paano kung hindi ako nanirahan sa syudad, masasaktan kaya siya? Sa totoo lang hindi ko alam kung sino ang punterya nila sa amin basta ang alam ko kailangan ko mahanap si Steven at tsaka ko sila babalikan, hindi ang mga nangtangka sa amin kung hindi ung nagpasimuno nito. Alam ko kasi bago ako nakatulog ay napatay ko na silang lahat . Pumasok sa isip ko ang isang palantandaan sa kanilang mga balat. Un ang isang diamond tattoo, nung una hindi ko pinansin un nang kinukuha ko ung cellphone doon sa clown pero napagtanto ko ngayon ay  importante impormasyon para sa akin. Kahit anong evidence pa yan dapat suriin mabuti, nagising ang hwisyo ko nang biglang tinapik ni Black ang balikat ko, pero bakit siya andito?


Madaladala siya envelop pero mukhang wala naman siya balak ipakita un kay lolo dahil nilagay niya un sa likod. Pinandilatan ko lang siya nang mata pero nakatingin lang siya kay lolo. Nagkamustahan sila dalawa at pumunta na sa usapang ayoko marinig at pagusapan man lang.

"Black, alam mo naman pinagkasundo kayo dalawa ni Red, ngayon alam ko nasa edad na kayo at magaling na si Red eh maari nang matuloy ang dapat" ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayoko dito ipinipilit nila ipakasal sa akin si black na kinamumuhian ako, Yes I love him but....


Akmang magsasalita ako nang bigla nalang siya ununahan niya ako magsalita.


"Ahshyo" (tawag sa pinakamatandang lalaki sa akan namin) humarap siya sa akin at binaling ulit kay lolo. "Sa tingin ko po hindi pa handa si Red na magpakasal, maaring okay siya Physical pero even Two Years has been passed" bumaling ulit siya sa akin pero this time nakatingin na siya sa akin nang matagal "Mentally and Emotionally hindi, so I would like to suggest na she must finish her college studies first." Nasa college level na ako, ang pinagtataka ko kung paano nangyari un dahil sa pagkakaalam ko ay may ilang buwan pa bago ako magmartcha. Siguro ganoon nga kayaman at makapangyarihan ang pamilya namin kaya kahit diploma nadadaya. Napailing-iling ako at tumingin sa malayo.

Pumayag si lolo sa balak ni Black, umalis na kami nang bigla niya ako pinasunod sa garden.Umupo siya sa upuan tumingin sa akin.

"Bakit mo ako gusto kausapin?" naka-ngiting titig niya sa akin.

"Sa totoo lang, I don't want na buksan pa ang nangyari last Two years ago,  kaso hindi ko maiwasan isipin un even nung nagpapagaling ka" Inilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang baba at nagsalita. "Alam ko nagtataka kung bakit i-dinelay ko ang pagpapakasal sayo na gustong gusto ko para pahirapan ka............because now I just want to clear some things" ung hawak hawak niyang envelop sa kanang kamay ay ipinatong na niya sa table . "Just ...open it " bumuntong hininga ako sa kanya at unti unti lumapit, halos kinakabahan akong nakatingin sa kanya . Kinuha ko ang envelop at dahan dahan kong binuksan ito. Tumambad lang naman ay ang mga litrato ni .....





Cheska at Steven kissing each other......





Itutuloy...

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon