Masyadong masikat ang araw ngayon. Lahat nang tao ay naguunahan sa pagpasok sa kanilang trabaho para hindi sila mahuli at makaltasan nang sweldo.
Katulad lang ito nang ibang araw parang normal lang ang lahat.
Parang lang pero hindi.
Dahil sa nangyari kagabi ay wala ako nagawa kung hindi gawin ang inuutos nila. Ang nararamdaman ko ngayon sa aking puso ay puno nang kaba sa aking dibdi. Isang mali ko lang tapos ang dalawa kong kapatid.
Iniisip ko palang natatakot na ako.
Binati ako ni Aling Esther na may pagalala sa kanyang mukha. Ngumiti nalang ako.
"Iha okay ka na ba? Bakit ka umalis sa party tsaka bakit ka may mask sa mukha?" tanong niya. Kailangan kong ipaliwanag ang lahat.
"Ah...kasi...nagkaroon nang importanteng pangyayari sa ospital....sa nanang ko po. Tsaka may sipon po kasi ako"palusot ko. Paumanhin inang sa aking kasinungalingan.
"Ganon, ba...o'siya nagkagulo kasi kahapon eh. Kaya agad kitang hinanap" napakunot ako nang noo.
"Ano po bang nangyari?" tanong ko. Bumuntong hininga siya.
"Ayun nagwala ang anak nang Amo natin.....dahil hindi siya pinaniniwalaan at ang malala.. ayun nagscandalo. Sinira ni Anastacia ung cake at ang malala pa don hinatak niya ang mga sapin nang lamesa. Grabe talaga ang nangyari kagabi. Mabuti nalang na-control nila ang media kung hindi eskandalo iyon" napahawak ako sa aking bibig.
"Hindi po ba nila napigilan ung anak nang Amo natin?" tanong ko. "Di ba mahigpit ang securidad doon?" umiling siya.
"Masyadong matalino ang anak niyang iyon. Tumakbo agad siya pero dahil bata wala silang nagawa. Kaya nga nagkakagulo ngayon sa mansion pero kahit ganun itutuloy parin ang kasal" pero nagwala ang anak niya. Hinayaan niya lang?
"Pero..." tinapik niya ang aking braso.
"Kaya nga nagalit ang lolo niya. Itutuloy pa din ang kasal kahit nageskandalo ung bata. Ah basta sobrang gulo nang nayari kagabi. Osiya pumunta ka na kay Mam Sabel para magreport at magpagaling ka ha!. May gagawin pa ako." tumango ako.
Dapat bang makonsencia ako?
Hindi. Hindi naman ako iyon kaya hindi ako makokonsencia. Tsaka wag kang assuming dyan. Baka may iba pang pinaghuhugutan ung bata.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa office ni Mam Sabel. Kumatok ako at pinaupo sa upuan.
Ngumiti siya sa akin.
"Balita ko...umalis ka daw kagabi? Anong nangyari Andeng?" tanong niya sa akin. Napapikit ako. Heto na..
"Kasi po, may nangyari kay nanay sa ospital" pagsisinungaling ko. Hindi siya nagsalita bagkus tumahimik lamang siya.
Tinignan niya ako mabuti na parang sinusuri. Sana hindi ako mabuko.
"You may go" hindi na siya nagtanong pa. Tumango ako.
Salamat at hindi ako nabisto.
Nilinis ko ang parte sa facility. Nakihiram din ako kay Aling Esther upang itext si Mariyeng na wag muna siyang umuwi at wag nang magtanong pa.
Lumipas ang ilang oras nang tinawag ako ni Mam Sabel ulit sa office niya.
"Mam...."tawag ko sa kanya.
"Maaga umalis si Aling Esther dahil naaksidente ang Apo niya ngayon.At dahil doon ikaw muna ang maglinis sa 5th Floor. Ngayon din ang dating nila God Zeus kaya maaring bilisan mo. Alam mo naman na ayaw niya na may nakakita sa kanya" tumango ako na ako at lumabas.
Kamusta na kaya Apo ni Aling Esther? Kanina okay pa naman siya pero...
Hindi mo talaga masasabi kung ano ang magiging takbo nang buhay mo. Hindi natin hawak ang kapalaran.
Napatingin ako sa labas at napagisip na biglang dumami ang problema ko simula nang na punta ako nang Maynila. Dati iniisip ko kung paano lang kami mabubuhay nang mga kapatid ko sa isla pero ngayon hindi ko na alam ang gagawin.
Naging komplicado ang lahat. Kung umuwi nalang kaya kami nang Palawan?
Napailing ako. Hindi ako pwede maging makasarili. Kailangan ako ni Mariyeng sa kanyang pagaaral at ang pagpapagamot ni Inang. Bumuntong hininga nalang ako at inalis ang iniisip.
Kaya ko to! Malalampasan din namin ito!Kinuha ko ang aking cart at itinulak iyon. Pinindot ko ang 5th Floor.
Katulad nang dati malinis naman iyon pero kailangan parin linisin nang konti bilang quality control sa facility.
Unang ginawa ko ay nagwalis. Inisa-isa ko ang bawat sulok nang floor. Pagkatapos ay kinuha ko naman ang mop at naglampaso.
Mahigit isang oras ang aking inilinis.
Nang matapos ay inilagay ko na ang aking mga gamit sa cart. Medyo mabilis lang naman ang aking paglilinis. Gaya nga sabi ni Mam Sabel darating siya. Pero alam ko naman na impossible ko siyang makita. Nagkataon lang na nakita ko siya dito na kamuntik ko nang i-kinatanggal sa trabaho.
Sinimulan ko ang pagtulak nang cart nang matapat ako sa pamilyar na pintuan.
Napalunok ako. Tinignan maiigi iyon.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
AçãoAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...