Agad ako lumingon sa gawi nang matinis na boses na iyon. Tumatakbo pa ito habang tumatalon din ang kanyang pisngi at tyan. Sa totoo lang natatawa ako sa kanya dahil ang cute niya. Pagkatapos niya tumakbo humingal siya at napahawak sa kanyang tuhod.
Ang kapatid ko talaga.
Halos hingalin siya at tinuturo ang bahay namin.
"Sige, hinga lang muna. Mahaba pa oras" umiling siya at agad na lumunok. Anong meron ba?
"Bakit ka ba nagmamadali Buknoy?" tanong ko sa kanya at pinandilatan ko siya nang mata.
"Si Ate Mariyeng at Batcheng may nangaaway sa kanila!" Napakunot ako nang noo. Nang aaway?
"Hala, anong nangyari ikwento mo! bilis!" utos ko sa kanya. Napakamot nalang siya sa ulo, pinandilatan ko siya nang mata ulit.
"Ate naman! Baka ubos na ang buhok nila ate kapag kinuwento ko pa! Tara na! Kailangan nila nang resbak!" Hihilain na sana niya ako nang may nakalimutan ako.
Ung mga nahuli ko lamang dagat.
Ako ang naghirap at iba ang makikinabang? Hindi pwede! kaya dalidali kong kinuha ang mga iyon.
Pagkatapos ay kumaripas na kami nang takbo. Pero mali ako nang inaakala dahil sila ang mas angat at nang kakawawa!
Naabutan namin si Mariyeng na kapumibabaw kay Lotty na kinakalmot ang mahaderang anak nang kapitbahay namin. Habang si Batcheng naman ay nakikipagsabunutan kay Britney ang sawsawerang kaibigan nang kapitbahay namin.
Agad kong inawat ang mga kapatid ko. Pero hindi nila ako pinansin
"Mariyeng! Batcheng!" sigaw ko sa kanila pero hindi nila ako nililingon. Kinalabit ako ni buknoy at tinuro ang poso. Tumango ako at pumunta doon.
Agad kong hinampas nang tubig ang apat para mahimasmasan sa init nang ulo, tsk!
Eh di natigilan. Nanlaki ang mga mata nang dalawa at agad na umalis sa ibabaw si Mariyeng habang si Bacheng ay tinulak pailalaim si Britney sa lupa.
"Kayong dalawa! Uwi sa bahay!" pinandilatan ko sila nang mata. Maraming chismosa sa baryong ito kaya pati sila ay sinaway ko din.
"Hala! tapos na ang shooting! Uwi na! Mga chismosa! Chupi! " nahawi ang mga tao at nagkumaripas nang takbo. Hindi naman sa pagmamalaki pero kilala ako tigasin sa amin. Bakit? Syempre ayoko nagpapaapi noh! Sino bang gugustuhin magpaapi?
Pang telebisyon nalang iyon.
Simula kasi nang mamatay si Itang ay ako na ang tumayong padre de pamilya sa aming magkakapatid. Habang si Inang naman ay inaalagaan ko rin dahil makaraan kasi mamatay si itay, inatake naman si inang nang stroke at hindi pa din siya nakakapagsalita.
Mabuti nalang at may foundation na tumutulong sa baryo namin.
Binuksan ko ang pintuan at itinuro ko ang kahoy na upuan. Base sa nakikita ko punit-punit ang kanilang damit, magulong buhok at parang galing talaga sa gera. Nakita kong dinilatan ni Mariyeng si Buknoy.
"Mariyeng..."babalang tono ko. Ayoko ko nag-aaway sila dahil magkapatid sila.
"Una sa lahat, wag niyo sisihin kay Buknoy kung bakit mapapagalitan kayo dahil nabisto ko kayo nakikipag-away. Pangalawa, kelan kayo nagkaroon nang karapatan para makipag-basag ulo?. Pangatlo alam niyo naman si Britney at Lotty mga mababaw ang isip, pinatulan niyo pa?" napailing ako. Napahawak ako sa sentido ko.
"Ilang taon na kayo? Di ba 18 at 16 na kayo?Alam niyo na kung saan kayo lulugar at iisip. Di ba?" Napabuntong hininga ako "Minsan may mga bagay dapat tayong pigilan at isipin ang situation nang iba. Tignan niyo si Inang, matutuwa kaya siya kapag nalaman niya ang mga ginawa niyo?" kinalabit ako ni Buknoy at inabot ang tubig. "Salamat" Uminom ako at ibinaba ang baso.
"Sige ngayon tapos na ako mangaral, makikinig ako sa paliwanag niya"sumandal ako sa pader at nakinig.
Nagkatitigan sila at mukhang nagkakaturuan pa.
"O sige ate, tutal ako naman ang mas matanda kay Batcheng, ako ang magpapaliwanag" tumango ako.
"K-kasi....inaagaw nila ang mga idolo namin. Nagkaroon kami nang paluwagang apat. Dahil may tiwala kami kay Britney at Lotty, naghulugan kami..."nanlaki ang mata ko. Bago pa ako makapagsalita, dali-dali siyang nagsalita ulit. "Ung kalahati nang baon namin napupunta doon, kaya nung nakabili na kami nung...."hirap siya magsalita, nakikinita ko na walang kwenta ang pinagaksayahan pera nang mga nito .
"Nung ano yan, Mariyeng?"tinaasan ko siya nang kilay. Yumuko siya. Alam niya ang hirap ko para kumita nang pera, kaya nahihiya siya sabihin.
"M-mag-gazine....."Napabaksak ang aking palad sa mesa.
"Ano?! Anong klase magazine yan? Madami naman magazine dyan na libre! bakit pa kayo nagpanuwagan? Aber?" kinocontrol ko pa din ang boses ko.
"Y-yung G-g-" hindi na natapos ni Mariyeng ang kanyang sasabihin nang sumabat si Buknoy.
"Ate ung Golden Magazine yun." napalingon ulit ako kay Buknoy, anong goldeng magazine iyon? Pero sa ngayon nilalantakan niya ang suman na nasa mesa. Pinabayaan ko na.....bata eh.
"Wag ka nga makisingit! Bulingit!" saway ni Batcheng. Lumingon ako kay Batcheng at yumuko.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...