Pagkatapos nang tatlong oras na biyahe mula sa syudad hangang sa liblib na lugar nang bario De La Marciela sa wakas ay nakarating na siya. Bumaba siya sa jeep na kanyang sinakyan at inilibot ang kanyang mata sa paligid. Napansin niya madaming magsasaka dito at nakasimple ang buhay. Napatingin siya sa gawing kanang na marinig niya ang isang babae.... na nagtitinda nang tinapa.
Napansin niyang maganda ito kahit kayumanggi. Sumisigaw ang babae para makabenta, lalapitan na sana niya ito nang may humapit nang bewang niya at iniyakap siya. Sa sobrang bilis nang pangyayari di siya nakailag pa at napagtanto kamuntik na siya mahagip nang mabilis na motor.
"Kamuntik ka na doon ah!" sabi sa kanyang nang lalaki at agad niyang itinulak ito.
"Thank You..." tumawa ang lalaki...ayaw man niyang magtaray ngunit di niya mapigilan iyon.
"Yun lang? Wala man-" naputol ang sasabihin niya nang lumapit ang babaeng morena.
"Sino siya?" tanong nong babae. Magsasalita palang ako nang inunhan na siya nang lalaki.
"My Future Girlfriend" napatingin siya sa lalaki na nanlalaki ang mata.
"Pardon?" tanong niya sa lalaki. Dahil baka namali lang siya nang rinig. Ngunit natawa lang ang lalaki na parang nagjojoke lang ito.
"Di kita maintindihan miss" ngisi nung lalaki. Umiling ito at tumalikod..mukhang wala siyang mapapala sa mga ito.....kaya tumalikod nalamang siya at nagsimula maglakad ngunit ihahakbang palang niya ang kanyang mga paa ay natigil na siya sa pagsasalita nung dalaga....
"Dayo ka?" tanong nang babae. Hindi niya pinansin iyon at nagpatuloy maglakad ngunit tumigil siya nang nagsimula ulit magsalita ang babae. "Matutulungan ka namin..." Humarap siya ulit sa dalawa.Seryosong sabi nang babae habang ang lalaki ay nakangisi. Hindi niya alam pero may kung ano na sa isipan niya na mapagkakatiwalaan ang babae. Isa pa wala siya kakilala dito sa bariong ito kaya walang masama kung sasama siya.
Bumalik siya ulit sa kinatatayuan nang dalawa. "Paano ako nakakasigurado na totoo ang sinasabi niyo?" Nakatitig sa kanya ang babae.
"Noon....may ikiniknwento sa aking si Inay...na may darating na dayo pagdating nang panahon ay magtatanong ito at mukhang ikaw nga iyon" napakunot siya nang noo. Dahil nahihiwagaan siya sa sinasabi nang babae. "Sapat na ba iyon?" tanong nang dalaga. Sa isip isip niya..baka nachambahan lang nung babae pero sumama siya dito kasama ung lalaki.
Hindi parin buo ang tiwala sa babae. Naglakad sila sa di kalayuan at pumasok sa isang lumang bahay. Maliit iyon ngunit malinis. Pinaupo siya sa isang matigas na upuan na gawa sa kawayan. At natigil ang kanyang mata sa isang matandang babae. Halos hindi na ito nakakalakad at may wheelchair ito.
"Siya ang nanay ko..."pagsisimula nang babae "Noong una...hindi ako naniniwala sa mga kinukwento niya na sa takdang panahon ay may darating na isang dayo...ngunit ngayon naniniwala na ako" Napadako ulit siya sa tingin nang matanda. Nakasara ang mga mata nito na para bang nahihimbing matulog. "Ngayon...alam ko na kung bakit ikinuwento ni inay iyon.....dahil ngayon nasa harapan na kita" napakunot siya nang noo at may inilabas na litrato mula sa kahon.
Lumaki ang mata niya...dahil iyon ang kanyang ina.
"Sinabi sa akin ni Inay na ingatan ko lahat nang gamit na iwan nang babaeng ito. Na kahit anong mangyari ..... kahit nasusunog ang bahay namin ay dapat itong gamit ang unang sasagipin kahit hindi siya ang makaligtas..... natawa nga ako dahil...ano bang meron sa mga gamit na ito... hangang sa nakatagpo ako nang isang sulat. Marami beses ko nang tinangka buksan yan..ngunit hindi ko magawa" Inabot sa kanya ang isang kahon.
"Sa tingin ko ay nasa karapat dapat na tao na iyan....dahil unang kita palang sayo kahawig mo na siya....at alam kong anak ka niya...."
Inaya siya magtanghalian nito ngunit tinangihan niya iyon. Nalaman din niya ang dating tinitirhan nang kanyang ina ay nasunog......
Lumabas na siya nang bahay. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman.....hangang sa naputol ang kanyang pagiisip nang may nagsalita sa likod niya.
"Miss beautiful" napailing siya sa lalaki. " Maari ba kitang ligawan?....okay lang sa akin ang malayo relasyon...basta...akin ka" Ngisi aso nong lalaki magsasalita siya nang pinutol nanaman siya "Ako nga pala si Raymond....at binihag mo ang aking puso" ngumiti ang lalaki niya.Napa-buntong hininga siya at naglakad ulit.
Naisip niya hindi pwedeng sabihin may asawa siya....kung may asawa nga siya. Iniisip palang niya ay nalulungkot na siya dahil hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya. Pasakay na siya nang jeep nang hingitin siya ulit nito.
"Ayaw mo ba sa akin?" tanong nang lalaki.
"Pasensya na pero walang mangyayari kung magkakaroon tayo nang relasyon. Isa pa.... hindi ako interesado sayo dahil......"Iniisip niya ang mga sasabihin .."may boyfriend na ako at mahal na mahal ko siya...salamat nga pala sa pagsama sa akin Raymond hangang sa muli" Patalikod siya nang bigla siyang hatakin nang lalaki. Napaisip siya...ano bang problema nito? Wala pa nga silang isang araw.....at nakailang yakap na sa kanya.
"Hindi kita chinachansinan ha....pero kasi unang kita palang binihag mo na ang puso ko...." Hinigpitan nang lalaki ang pagkakayakap sa kanya. "Sa oras na nawala ka na sa kanya...kukunin kita at hindi na ibabalik pa" marahas siyang kumalas kung wala lamang nakatingin na tao ay baka nasapak na niya agad ito. Tumalikod siya at sumakay na nang Jeep.
Pagkatapos nang mahabang biyahe...nakarating na siya sa suite na kanyang tinutuluyan. Umupo siya kama at ipinatong ang lumang kahong hawak niya. Simula sa biyahe ay ma-ingat niya tong hinawakan. Hindi rin niya ito binuksan.
Unti-unti niya hinawakan ang kahon at sinumulang buksan. Napalunok siya at halos maginit ang gilid nang mata niya. Nakita niya ang larawan nang kanyang Ina...maganda ito....at masayang nakangiti..bahid nang walang pagalala.
Tinignan niya rin ang laman non..kung saan may sulat at halatang sobrang luma na nito. Nakita din niya ang isang kwintas na silver......at ang pendant nitong malaking cross. She breath hard. Tila ba kinakabahan siya....sinimulan na niya buksan ang ang sulat......
Kamusta....Anak....Si Mommy ito.....alam mo ba inihanda ko itong sulat...sa paglaki mo... hindi ko kasi alam kung makakasama pa kita...pero alam mo sa pagdaan nang panahon....at alam ko nasa sinapupunan kita.....masaya ako kahit may takot. Nga pala binilin ko ito kay Belen....ang aking kaibigan...isa siyang katulong sa mansyon....pero tinalikuran niya rin ang marangya ngbuhay para samahan ako dito sa Cagayan De Oro.......
Maganda siya anak.... at mabaet dahil alam kong maibibigay niya tong sulat na gawa ko..... nga pala anak...8th Months kana sa sinapupunan ko.....alam mo....natutuwa ako dahil kumapit ka at hindi mo ako iniwan.....
Nagsimula nang tumulo ang luhang pinipigilan niya....
Para sa pinakamamahal kong anak...
Alam mo......matagal ko bago matutunang mahalin ang Ama mo dahil bukod sayo ay may minahal ako lalaki......mahal na mahal ko siya.....
Pero hindi sumuko ang Papa mo...at nagtagumpay siya na palitan sa puso ang lalaking minahal ko. Minahal ko siya at namumuhay kami ngayon nang puno nang pagmamahal..hangang sa nabuo ka. Dito sa Cagayan De Oro....kung saan nakilala ko siya.
Maniwala ka man sa hindi isa rin siyang magsasaka.....lagi siyang may dalang mangga at sininguelas....may oras nga na yayakapin niya ako tapos hahalikan ka....kinikilig ako sa ama mo..pero anak secreto lang yun...wag mo sasabihin baka lumaki ang ulo.
Alam ko iniisip niya na mahal ko pa ang lalaki mahal ko...pero naniwala siya sa akin hangang sa naniwala na siya ang mahal ko.
Anak......
Iniisip ko palang na di ka namin kasama nang Papa mo ay.... naiiyak na ako...naiiyak dahil baka sa situation ko ay madamay kayo nang Papa mo....na mahal na mahal ko...kayo.....
Pero anak...... salamat at dumating ka sa buhay ko.... kasama nang sulat ay may kwintas dyan...iingatan ka niyan kung sakali...wala na ako.. tandaan mo mahal na mahal na mahal ka namin nang Papa mo higit sa buhay namin....
Anak....I love you...lumaki ka nang mabuti,,pagpasensyahan mo na sobrang ikli lamang nito....pero sana maapreciate mo ito anak....
love,
Mommy
Hindi ko alam pero.....natuwa ako dahil kahit papano may nalaman ako sa totoong magulang ko. Mukhang mahal na mahal nila ako. Halos di ko napigilan at humagulgol na ako. Ang saya isipin na kahit hindi pa ako lumalabas ay mahal ako ni Mommy.....na siya nagluwal sa akin.
Pagkatapos nang mahabang iyak ay Napatigil siya sa paghihikbi....... nang may kumakatok sa kwarto niya na ikinainis niya.....lumapit siya para buksan iyon ngunit na nagpagtanto niya wala naman siya room service na pinatawag kaya dali-dali siya kumuha nang kutchilyo at itinago sa kanyang likod.....sabay dahan dahan......humakbang palapit sa pintuan...
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...