16th-target

20.4K 569 36
                                    

Nasasakyan ako ngayon ni Raven, tahimik lang kami ni hindi kami nagsasalita. Hangang ibinaba na niya ako sa apartment ko. 

"Sasabihin ko sa mga elders na di tayo makakapunta ,magpalit ka muna, I'll be waiting here"he said with a calm voice. Tumango ako at inalis ang seatbelt.

Lumabas ako nang sasakyan at pumunta sa aparment ko. 


Pagkatapos kong magayos ay sumakay ulit ako sa kanyang sasakyan. Tahimik pa din ang biyahe hangang nakarating na kami sa hideout namin. 


"Ate!!!!" salubong sa akin ni Xian. Kumaway din ako at bumati. Umupo na ako sa isang puti upuan at nagstart nang magflash nang powerpoint presentation si Raven.

"We succeeded on our plan sa last mission natin pero kamuntik ka na Red." bumuntong hininga siya at tumingin sa akin

 "This time mas triple pa ang pagiingat natin. Red pwede mo na bang ilabas ung box"utos ni Raven. Inilabas ko iyon at inilagay sa table, kinuha niya iyon at inilagay sa isang X-Ray Machine

"Ayan ang susi natin kung sino ang magiging target natin, dyan sa artifact na iyan ay may nakatago usb." 


Usb? Paano? Di ko maintindihan. May usb na ba nung unang panahon?


"Malamang nagtataka kayo kung bakit may usb? Well hindi iyan ang original artifact dahil napalitan na ito nang class A na fake artifact kaya hindi ganoon kataas ang value. Ngunit kahit mababa ang presyo mataas ang demand niya especially sa mga nakakaalam ng totoong laman niyan at syempre ang mga member ng organization nang Orz dahil nandyan ang laman nang secret profiles nila at I'm sure pinaghahanap na kung sino ang kumuha nito at naglagay niyan diyan. Pero let's go to the main point, ang problema natin dito ay kailangan nito nang key code. Hindi siya basta basta masisira. We need that code. dahil kapag pinasabog ito, masisira din ang usb nasa loob" itinuro niya ang usb sa screen.


"Kuya, eh kanino natin makukuha ung code?" tanong ni Xian

"Sa bahay nang Apo ni Mr. Clark" 

"Eh Kuya di ba si Mr. Clark ay isa sa may pinakamalaking mafia group? Pano un? Ang hirap...." wiki ni Xian. Oo nga, kung doon nga sa bahay na napuntahan namin ay hirap na hirap kami, doon pa kaya.

"Wala namang mahirap kung magpag-plaplanuhang maigi. This time we need to think sharper. We have two weeks para makuha ang code" sabi ni Raven. 

"Sino ba ang apo ni Mr. Clark?" tanong ko kay Raven. Tinignan ko siya na parang balisa.

"Hindi pa ako sure, pero sasabihin ko sa inyo sa susunod natin meeting" 

"Ibig sabihin kuya....may doubt ka sa information about sa Apo ni Mr. Clark?" tumango si Raven. 


Sino kaya ung apo niya? Iniisip ko sobrang galing kaya non sa pakikipaglaban? 





Kinaumagahan papasok na ako sa eskwela medyo masakit ang ulo ko dahil sa puyat. Papasok na ako nang nakita ko si Ariela, ang sama nang tingin sa akin. Hindi ko nalang pinansin.


Pumasok na ako sa first subject ko at ang sakit talaga nang ulo ko. 

After nang first class ay pumunta ako nang clinic para humingi nang paracetamol. Naglalakad ako nang makita ko sila ulit. Nakalagay ang braso ni Steven sa kamay ni Ariela. Alam ko nakita na nila ako pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. 


Lunch time na at ang sama parin nang pakiramdam ko. Mukha masama ata ang pagkakatapon nang ice tea sa akin, nung isang araw pa kasi masama ang pakiramdam ko at parang lumala nung natapunan ako. Napailing-iling ako at pumunta sa canteen.


Kumakain na ako pero parang wala pa din ako gana. Halos pinilit kong ubusin iyon. 


Sumunod na ako sa next class ko hindi pa din matangal ang sama nang pakiramdam ko. 


Natapos na ang klase ko at lumabas. Nandoon si Steven may hihintay ata hindi ko pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad at lalagpasan ko na sana siya nang bigla niya hablutin ang braso ko.


"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya sa akin. Damn! ang sakit nang ulo ko.... pinilit kong tangalin ang braso ko.

"Hindi" tipid kong sagot attumalikod baka mabuhusan nanaman ako nang ice tea. Naglakad na muli ako nang bigla siya nagsalita.

"Gagawa tayo nang projec-" Kaso hindi ko na narinig ang mga kasunod niya sinabi dahil bigla nagdilim ang kapaligiran ko.



Nasan ako?


Nakita ko si Steven pumasok sa isang kwarto, sinundan ko siya ngunit bigla itong nawala. Nakarinig ako nang mga tinig at sinundan ko iyon. Nakita ko siya may hawak na baril..... at tinutok niya sa akin.  Narinig ko ang kasa nang baril at dahan dahan niya itinaas ito at sa isang iglap pinaputok niya ito sa akin.


Naramdaman ko ang dugo na tumagos sa damit ko.


"B-Bakit?" at dahan dahan ako nawalan nang malay.




Napadilat ako! Halos di makahinga at pinagpapawisan ako. Nasaan ako? inikot ko ang aking ulo, hindi ito ang apartment ko! Nananaginip ba uli ako?


"Gising ka na pala" may daladala siyang tray nang pagkain. Steven?


"Natulog ka for almost 7 hours at sobrang taas nang lagnat mo."Napatingin ako sa kanya at hindi maiwasan matignan siya. Ang laki nang pinagbago ng itchura niya  pero hindi parin nagbabago ang ugali niya...ang Steven na caring.



Humarap siya sa gawi ko at nahuli niya ako nakatingin, agad ko binaling ang mga mata ko sa iba.


"Here, eat this para magkaroon ka nang lakas" inilapag niya ang pagkain sa harap ko.

"Salamat" nagsimula na ako kumain ng pagkaing hinanda niya. Medyo nakakailang lang dahil pinapanood niya ako kumain.

Natapos naman ako kumain ng matiwasay at pagkatapos inilagay ko sa table ang pagkakin.

"Uuwi na ako" akmang tatayo ako pero pinigilan niya ako.

"No........just stay here, hindi ka pa malakas and may sinat ka pa. Also it's 1 AM na nang umaga. Ihahatid nalang kita sa inyo bukas"

"Pero.."

"Shh..." inalalayan niya ako pahiga at inayos ang kumot ko.

"Sleep well" pumikit na ako ng tuluyan at pinatay niya ang ilaw.


Nagising ako nang dahil sa sinag nang araw. Tumayo ako para maghilamos tsaka ko lang naalala na andito pala ako sa bahay ni Steven. Ito ang first time na makapunta ako sa bahay niya. Alam ko mayaman sila pero hindi ko ineexpect na ganto kalaki bahay nila. 


Hinatid na niya ako sa apartment ko. Pero ang nakakapagtaka paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Gusto ko sana tanungin kaso hahaba lang ang conversation namin.

"Uhm..... s-salamat" 

"Wait, wag kang gumalaw diyan..please stay" lumabas siya nang sasakyan at pinagbuksan ako nang pintuan. Hindi ko alam pero ang bilis nang tibok nang puso ko. Masyado nagwawala at hindi ako makahinga. Lumabas na ako nang kotse at humarap sa kanya.

"Uhm......s-salamat ulit." tatalikod na sana ako kaso kinuha niya ang braso ko at pinaharap sa kanya. 

Nagkatitigan kami hangang sa tinulak niya ako papalapit sa kanya at magkalapat na ang mga labi namin. A one swift kiss...hindi kami gumalaw at napapikit ako hangang siya mismo ang kumawala......


Tumingin siya ulit sa mga mata ko at hinawakan ang kaliwang mukha ko.


"Will you be my girlfriend?" tanong niya na ikinagulat ko!


Itutuloy......


Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon