TMCG - Chapter 5

10.9K 264 9
                                    

Makalipas ang tatlong araw umattend kami nang kapatid kong si Buknoy sa graduation ni Mariyeng dahil siya ay nakapagtapos nang Valedictorian sa highschool kaya si Batcheng ang nakatoka magbantay kay Inang. Kahit gusto ko siyang isama at si Inay ay hindi maari.

Kahit may unos pa kami pinagdadaanan nang aking pamilya hindi naman mapipigilan nito ang mga ngiti sa aming labi lalo na't inilay ni Mariyeng ang kanyang speech kay Inang.

"Congrats! Mariyeng!" agad ko siya iniyakap. Kahit na gipit kami sa pera nagtabi parin ako nangkonti pang celebrate.

Kalahating manok kela Aling Mirna at Isang maliit na bilaong pancit ang balak kong bilhin.

"Ate..wag na kaya tayo bumili?" pagpigil sa akin ni Mariyeng. Umiling ako.

"Kahit ito lang Mariyeng, kaylangan natin icelebrate iyan. Tsaka may discount naman ako kela Aling Mirna" tumango nalang siya at tinulungan ako sa pamimili.

Natapos na ako mamili nang kinalabit ako ni Buknoy at napakunot ako nang noo.

"Saan ka nakabili niyan?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya.

"Ate! galing ito sa ipon ko. Kahit man lang soft drinks may maimbag ako" ginulo ko ang buhok ni Buknoy at tumuloy na sa ospital .

Buti nalang katapusan na nang klase nila Mariyeng at Batcheng kaya hindi mahuhuli ang aking kapatid sa susunod na school term.

May tatlong buwan pa ako para magtrabaho sa Maynila para makaipon.

Binuksan namin ang pintuan nang kwarto kinalalagyan nang aking inang. Nasa Charity ward kami at nakita kong nagbabasa nang libro si Batcheng nang dumating kami.

Agad siyang humalik sa aking pisngi at kinuha ang aming dala. Napatingin ako sa kaliwa na wala na ang occupado kama.

"Batcheng, asan na sila Aling Belen? Sayang umalis na sila. Nakadischarge na ba ang anak niya?" inilagay ko ang aking bag sa lamesa at nagmano kay inay. Pagkaharap ko ulit sa kanya ay nakita kong yumuko siya.

"Ate...patay na ang anak ni Aling Belen"hirap ngunit tuloy tuloy niyang sambit.

"Ganon ba? Sige maghanda na tayo para sa pagsalo-salo" pagiiba ko nang usapan. Inayos nila ang mga plato at baso.

Alam ko masakit ang mawalan kaya isinama narin namin ang pakikidalamhati kela Aling Belen. Pinagdasal din namin ang pagkamatay nang anak niya.

Naging masaya parin naman ang hapunan at icinelebrate ang pagmarcha at pagtatapos ni Mariyeng. Nang biglang dumating din si Koby may dala dalang cake.


"Koby!" nag-apir kami.

"Hindi ba kabuwanan ngayon ni Carmen?" inilapag niya ang cake

"Hindi pa naman, tsaka hindi dapat ako mawala sa celebration niyo nila Mariyeng!" naghi-5 din siya kela Mariyeng.

Nang natapos kami ay ipinaligpit ko na ang mga plato at baso saka lumabas sa kwarto. Dumiretcho kami sa may counter para sa mga babayarin at gamot ni Inang.

"Kamusta na kapatid mo?" sambit ko habang naglalakad. Napabuntong hininga nalang siya.

"Ayun, umiiyak pa din. Pero wala tayo magagawa inuto siya eh nang tarantado mayaman na iyon!. Hindi na binalikan." tumigil kami sa paglalakad at kinuha ang aking kamay "Pero pasensya na Andeng dahil ito lang ang kaya ko" ibinigay niya sa akin ang limang libo.

"Para saan ito? Hindi ko ito matatangap. Alam kong gipit ka din tulad ko" ibinalik ko ang pera pero agad niya ibinigay ulit sa akin.

"Hindi, Tulong ko na din iyan. Alam kong hindi kayo pababayaan doon ni Magnolia pero dapat laging handa"ngumiti ako.

"Salamat" tipid kong sambit.  Nagpatuloy na kami sa ward para kunin ang mga babayaran.

"Kelan ididischarge si Aling Lucia?" tanong ni Koby. Napabuntong hininga ako.

"Sa makalawa pa. Si Mariyeng at Batcheng kukunin ang mga dokumento kailangan para sa pagaaral nila sa Maynila. Si Buknoy naman sa makalawa pa namin makukuha din dahil hindi pa tapos ang paggragrade." napatango siya.

Pumunta ako sa counter para kunin ang mga bayarin. Halos manlumo ako nang makita ko. Halos kalahati ito nang inipon ko pampaaral kay Mariyeng, buti nalang nagbigay si Koby.

"May problema ba?" umiling ako. Hindi niya dapat isipin pa ang ganitong bagay. Ngumiti ako at napagpasiyahan nang pumunta sa kwarto.

Tatlong araw pa ang lumipas at suma tutal na isang linggo na ang nakakaraan nang inatake si Inang.

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon