A/N:Sorry For Late update! busy last week :)
Nasa pier na ako at naghihintay pagdaong nang barko. Kasama sa aking paglalakbay si Cody.Katulad nang dati nagayos ako bilang isang nerd. Kung kanina naka leggings lang ako, ngayon ay nakamahabang bestida na......may mahabang manggas. Inayos ko ang aking back pack at inilagay maiigi ang aking gamit.
Binuksan ko ang aking notebook kung saan....mga checklist sa aking misyon. Malapit ko nang malaman kung sino nga ba ang totoong Ama ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Umupo ako sa bench at naghihintay nang signal kung saan pwede nang sumakay nang barko.
Maraming tao sa pier na may iba't ibang klase at estado sa buhay.
Napagawi ako sa bandang kanang...may isang grupo doon na para bang may minaman-manan. Inalis ko ang tingin ko doon dahil ayoko nang gulo...Makalipas ang mahabang paghihintay sa wakas ay nagbigay na nang sinyales at makakapasok na ako sa barko. Pumunta na ako sa aking kwarto. Hindi naman ito ung masyadong mahal pero....mas maganda. Solo ko rin ito.
Makalipas ang isang araw at kalahati na nakatambay sa aking kwarto ay napagpasyahan ko ulit lumabas...
Nagikot-ikot ako sa loob nang barko at sinariwa ang sariling hangin...na-isip ko mamaya ay nasa Cagayan De Oro na ako....pagkatapos nang mahabang paglalakbay. Nilibot ko muli ang buong barko, madami palapag iyon...kaso sa pagiikot... nakakita ako nang pintuan kung saan maraming tao nagsisigawan...at kahit pinipili nang utak ko wag puntahan iyon...hindi na napigilan nang mga paa ko at kusang naglakad na ito.
Inilibot ko ang aking mga mata at mukhang Underground Fighting ang nangyayari. May mga pustahan na nagaganap. Madami pera ang pumupusta sa kanilang mga taya.
"Hindi ka taga dito...." tumingin ako sa lalaking naka-americana. Mayroon siya maliit na salamin at sigarilyo sa bibig. Sabay silay nang ngiti sa kanyang ngiti. "Gusto mo bang pumusta?" tumingin siya sa akin. Lumapit siya sa akin...at bumulong "Kaya ko ipanalo ang pusta mo..."Lumayo ako bahagya nakakakilabot siya. Pumihit ako paalis nang kwartong iyon at madaling naglakad at napagtanto.......sino kaya iyon? Nakakakilabot.
Madali ako naglakad nang may masagi ako isang babae. Mahaba ang mukha niya at may asul na mga mata. Blonde ang kanyang buhok at mukhang kagalang-galang.
"S-sorry..." sabi ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at nagulat nalang ako nang bigla niya ako sinampal. Taliwas ang kanyang ugali sa maamo niya mukha.
"Ingrata! ...di tumitingin..."inirapan niya ako at tinulak ano bang problema nun? Napailing ako at tumuloy sa aking silid. Ang sakit nang sampal niya sa akin.
Pagsapit nang tanghali ay pumunta na sa ako sa restaurant nang barko. Nakita ko ung lalaki...kumakain siyang magisa. Umiwas ako nang tingin dahil ayoko talaga sa kanya.Inilagay ko na ang aking pagkain at nagbasa....apat na oras nalang ay malapit na ako makadaong sa Cagayan De Oro. Halos dalawang araw ang binyahe ko para makarating sa lugar na iyon.
Naramdaman ko may pumaupo sa aking likuran. Naging alisto ako at ramdam ko ang aura niya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"So...anong ginagawa nang isang angkan nang mga Sho dito?" tanong nang lalaki kanina. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. "Hindi ko inaasahan na mapapadpad ka dito....sa totoo lang dati pa kita pinapamanmanan kaso pinigilan lang naman ako nang iyong fiance.
Napaisip ako si Raven ang tinutukoy niya....konti lang ang may alam na kasal kami ni Steven. Dahil nung mismong araw na iyon ay nawala na ako sa kanya...bumuntong hininga ako at inayos ang aking salamin. Nakatalikod pa din kami sa isa't isa.
"Ano ba ang pakay mo?....sabihin mo na nang diretcho.."sabi ko sa kanya. At tumawa pa siya...may sayad ata ito eh!
"Well simple lang...inaanyayahan kita sa aking laro......at aasahan ko pauunlakan mo ito....hintayin mo nalang ang aking sulat" naramdaman ko tumayo siya. Anong laro sinasabi niya? Ang dami ko nang iniintindi....wala na ako panahon para sumali sa laro niya..
Tumayo ako at bumalik sa aking kwarto. Pagbukas ko may sulat doon....binuksan ko iyon...Mukhang Ito na yata..
Invitation Party
Atrium - BGC, The FortFormal Attire
7:00 PM
October 21
Ayun lang ang nakasulat doon. Inilagay ko sa bag ko at di ko muna inisip iyon. Dumaong na ang barko namin sa Cagayan De Oro. Magandang ang tanawin at sariwa ang hangin. Pababa na ako nang makasalubong ko ulit siya, ang kulet niya....siya nanaman. Pangisi-ngisi pa...
"Oh...aalis ka na agad? "Sabi niya.Tinignan ko siya nang para bang nanunukat.
"Wala ka nang pakielam" nagsimula na ako magmartcha ulit. Pumunta ako sa banyo at nagpalit nang aking damit. Naka Leggings and fitted na manipis na sleeves. Isinuot ko ang Itim na longs sleeve at nagsuot nang rubber shoes at mahabang palda na hangang sakong. Kailangan ko maging handa....kahit na jologs ang suot ko.
Kahit gusto ko man gamitin si Cody ay hindi na maari, dahil alam kong may nakamasid sa akin. Inayos ko ulit ang aking malaking salamin.At inayos ko din ang panyo nakasabit sa aking leeg. Lumabas na ako nang daungan at nagaabang nang taxi.
Makalipas ang ilang minuto wala pa ring taxi ang dumarating at nasasayang ang oras ko. Napatingin ako sa paparating na black limousine. Ibinaba niya ang bintana at ngumisi sa akin.
"You can join me..."ayoko sa mga binitiwan niya salita. Nilagpasan ko siya at sakto may dumating na taxi. Agad ako sumakay at itinuro ang hotel na aking tutuluyan.
Simple lang ang kinuha kong kwarto...at ung pinaka-mura.
Pumunta ako sa loob nang kwarto...naligo at nagayos..sabay humiga narin sa kama. Iniisip ko bukas na pala ako aakyat sa malabunduking parte nang CDO. Tumayo ulit ako at pumunta sa aking laptop. Sinearch ko ang Pangalang Akira Chavez ngunit hindi ito ang lumabas.
Tumayo ako ulit at nagtimpla nang kape. Inisip ko ang palaisipan ..kung kapatid ni Ama iyon...malamang kasama siya sa angkan nang mga Chavez o di kaya sa Sho ang apelido nang aking ama na bihira lang gamitin para sa protection namin.
Naputol ang aking pagiisip nang napatingin ako sa gawi nang aking cellphone. Tinignan ko kung sino iyon....si Raven. iniwan ko lang aking telepono na nagvivibrate dahil alam ko na kapagsinagot ko iyon ay matutunton na niya ako...kaya kailangan kong bumili nang cellphone.
Agad ako nagbihis mula sa pantulog .....na naging sa pagalis. Naglalakad ako habang iniisip padin ang aking inang si Akira..... mukhang ko na ang sagot at isinantabi iyon....at bumili na muna nang mga kakailanganin sa pagstay ko sa CDO.
Pumasok ako sa isang shop at ang gandang nang cellphone doon.....
"Hi! mam! ano po ung gusto niyo phone?" tanong sa akin nang babae at tumango ako . Itinuro niya ang may mansanas na telepono " Ito po ung latest namin....maganda po ang feature at quality photo's nito..." Alok niya pa sa akin. Napatango ako...at gusto ko siyang bilhin ngunit nang dahil sa aking stado ay hindi maari. Wala ako pera......at saka alam kong mag gps iyon malay natin matrack siya ni raven...for him is nothing impossible.
"Ah...okay sana kaso masgusto ko ung.....simple lang ung de luma" pagsisinungaling niya. itinago niya ang kanyang pride...mas gusto niya makilala siya bilang isang ordinaryong tao. Nang nakabili na siya ay napagpasyahan niya bumalik sa tinutulugan niya....
Umaga na nang naghanda siya.Tumunog ulit ang kanyang cellphone.... numero lamang ang laman non...hindi niya alam kung sasagutin niya ba o pipiliin nalamang niya na wag sagutin iyon. Na nakapagdecide na siya ay dalidali niya inilagay sa loob nang desk at tumuloy na sa kanyang pupuntahan.
Ang Bario De La Marciela....na kung saan dating nakatira ang kanyang ina....
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...