Huminga ako nang malalim at pumasok sa karitela na lalagyan nang mga pagkain. Nagulat ako na nagkasya ako doon at isang himala iyon. Marahil pinapanigan talaga kami nang situation.
Alam kong maiging pinagaralan ni Zeus ang plano nang lugar na ito pero kinakabahan parin ako.
Dahil ibabase niya lang sa plano ang lahat. Alam naman namin na hindi pa niya nalilibot talaga ang lugar pero nagtitiwala ako sa kanya sa oras na to.
Naramdaman ko nang umandar ang karitela patungo sa labas nang pintuan. Medyo nahihirapan siya dahil sa aking bigat pero hindi niya iyon pinapahalata kung hindi may makakapansin.
Humarap siya sa nagbabantay at kinapkapan siya maigi.
Kinakabahan ako baka mabuko siya!
Ngunit ambang pinahuhubad ang sumbrero ay siyang pagdating nang isa pang bantay.
"Pinapatawag ka ni Boss Dado" tumango ang bantay at sinenyasan na si Zeus na umalis.
Medyo nakahinga ako nang maluwag.
Naramdaman kong umandar na ulit ang karitela at sa gawing kanan ay bumungad sa amin ang matinding usok nang sigarilyo. Naramdaman kong huminto ang karitela at may nagsalita.
"Waiter isa nga alak nang brandy dyan!" nakarinig ako nang yabag papunta sa pinto nang karitela.
Wag mong sabihin bubuksan iyang pintuan nitong karitela? Mabubuko kami!
Agad ako yumuko at lahat na ata nang santo ay tinawag ko na. Dasalin ako at palasimba kaya nagtitiwala ako na di kami pababayaan nang diyos ngunit alam kong maaring magkaroon nang pagsubok!
Pumikit ako at hinihintay nalamang ang pagbukas nang pinto nang karitela ngunit hindi ito nagbukas at narinig ko ang malumanay na himig ni Zeus.
"Sir, as of the moment wala po brandy dyan. I'll get one a new for you" napaangat ako nang tingin at madilim pa rin ibig sabihin napigilan niya ang pagbukas nang pintuan.
"Sigurado ka dyan! Hala sige kumuha ka na!" pasigaw nang nag-utos kay Zeus.
Narinig ko ang palayong yabag nang tumawag sa kanya pagkatapos ay nakahinga kami nang maluwag dahil. Nakalusot kami.
Tumingin ako sa butas na ginawa ni Zeus sa karitela at nakita kong unti-unting dumidilim ang kapaligiran hangang sa wala na åkö makita.
Naramdaman ko din ang pagtigil nang karitela.
Nagulat ako nang magbukas ang pintuan bang karitela at bumungad sa akin ang seryosong titig ni Zeus. Akmang tatayo åkö ngunit ako ay nahihirapan sa pagtayo kaya't pinatigil niya ako sa pagtayo.
Napatingin ako sa kanyang mga mata. Ngunit siyang pagiwas niya nang tingin.
Hindi ko maintindihan ang kanyang mga kilos hangang sa kinuha niya ang aking mga kamay at inalalayan para makalabas.
Nakadama ulit ako nang kakaibang boltaheng sa katawan. Hindi ko mapaliwanag pero parang naramdaman ko na ang ginitong pakiramdam.
Pamilyar sa akin. Mali lagi kong nararamdaman kapag kaharap siya.
Inilagay niya ang hintuturo sa kanyang labi kasabay non ang pagtingin ko sa aming kamay na magkahawak. Bibitawan ko na sana ang kanyang kamay pero agad niyang hinila ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit.
Inilapit niya ang mukha sa aking tengga at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga.
"Just follow me and hold my hand tight" itinaas niya ang magkahawak naming kamay at umurong siya paharap at tumalikod sa akin.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...