35th - Chase

14.7K 397 17
                                    

A/N: Dapat kahapon pa tong update kaso may nangyari important. By the way nagulat ako medyo dumagdag ang followers ko ahhaha :))) Salamat po sa pagfollow and salamat din po sa pagvote and comment :)





Nakatitig lang kami sa isa't isa na parang kami lang ang nagkakaintindihan sa mundong kami lang ang nakakaunawa. Nabasag ang katahimikan nang nagsalita ang dalagang nasa likuran ko.

"Good morning po..."bati niya kay Steven. Base sa nakikita ko mukhang okay na siya.....tanaw ko mula rito ang puting benda niya sa kanyang balikat. Lumingon ako sa dalaga na pagtanto kong may kislap sa kanyang mata.....na para bang nakita ko na iyon..... hindi ko nalang pinansin at pinapasok siya bahay.

Dumiretcho kami sa kusina para makakuha nang pagkain. Lumabas kami sa may garden at tinanaw ang tanawin. Inayos ko ang aking salamin at humarap sa kanya.

"Ang dami na nating napagkwentuhan pero nakalimutan ko kung ano ang pangalan mo......" sabi ko sa kanya. Bumungis-gis naman siya.

"Sorry po...ngayon lang po kasi ako nakapagwentuhan nang ganito sa isang dayo...."ngiti niya sa akin. "Gracia po pangalan ko mam...." nakatingin ako sa kanya...ang gaan nang loob ko sa dalagang ito.

"Wag mo na ako tatawaging Mam or Miss.....ituring mo ako kaibigan.....Stephanie nalang tutal tatlong taon lang ang tanda ko sayo...." tumango siya pero hindi ko maintindihan para bang may nagbago sa kanya ngayon.....at hindi ko alam kung ano iyon...... kaya hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa kwentuhan.

Dalawang araw na ulit ang lumipas wala pa ding Raven ang dumarating. Dalawang araw na din laging andito si Gracia pero.....parang ayoko? Napapansin ko kasi ang kakaiba niyang titig kay Steven. Eto nanaman ako..ang kulit ko talaga!  Siya nanaman ang iniisip ko! Umiling ako....hindi guni-guni ko lang iyon....wala lang iyon. Tumayo ako mula sa aking higaan...nagayos nang sarili.

Katulad nang dati hindi ko kinikibo si Steven. Ni hindi ako sumasabay  nang agahan sa kanya.

Bumaba na ako hagdanan para sa agahan palapit na ako sa dinning area nang makarinig ako nang dalawang nagta-tawanan. Agad kong sinundan at napagtanto sa labas iyon...unti-unti kong itinataas ang kurtina at nanlaki ang mata ko na ang nagtatawanan ay sila Gracia at Steven....agad kong ibinaba ang kurtina at nagtungo nalang sa dinning table para kumain.

Natapos na ako kumain nang nasalubong ko si Kira....ngumiti siya sa akin at mukhang alam na niya kung ano ang itatanong ko.

"Hanggang kailan ako dito Kira?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Hangang wala pong instruction si Master Raven ay hindi pa po kayo maaring umalis" nagpaalam na siya. Nagsimula ako maglakad sa sala nang nakita kong nagbukas ang maindoor nang bahay....nakita kong pinagbuksan ni Steven si Gracia ngiting-ngiti......nag-iwas tingin nalang ako pero tinawag ako ni Gracia....

"Ate!!!" tawag niya sa akin....lumingon ako sa gawi nila.....ngumiti siya na may dala-dalang basket at agad niya ako pinuntahan.

"Ikaw pala Gracia...." itinaas niya ang basket na may lamang prutas.

"Sinamahan ako ni Kuya Steven para pumitas nang prutas....ang baet-baet pala niya..."Tama...sabi ko na ngaba nakilala ko na ang mga matang iyon...katulad nang kay Cheska....may kislap sa mata nila nang nakita niya si Steven.

"Ah...ganon ba...tiyak maganda iyan...sige maiwan ko na kayo....." pumunta ako sa kitchen at lumabas sa likod.

Katulad nang dati nagpahangin nalang ako dahil hindi ako makahinga....ano ba ang problema sa akin? Akala ko handa na ako.......kaso.....mali pala ako. May kirot pa din akong nararamdaman.

Naglakad ako patungo sa kabilang dulo nang bahay.Nagtayo sila dito nang mini firing range.....naalala ko tuloy si Toffer...hindi parin ako makapaniwalang nagawa niya iyon sa amin ni Steven.....Kumuha ako nang baril na nakasabit  at kumuha nang bala sa may gilid nito. Isinuot ko ang ear protector at nagsimula nang ikasa.

Tunog nang baril ang naririnig ko at sinasabayan nang mga hungi nang ibon .....naramdaman kong may tao sa likod ko kaya agad kong itinutok iyon! Laking gulat ko si Kira lang pala. Halatang nagulat ito... kaya dalidali kong ibinaba ko ang baril at inalis ang ear protector.

"Bakit ka andito?" tanong ko sa kanya.

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon