Nakatulala ako sa kisame. Iniisip lahat nang mga nangyari nitong mga nakaraan na buwan.
Napangiti ako sa tuwa dahil sa lahat nangyari ay mukhang ito ang tama.
Mali bang maramdaman ko ang panandaliang saya na ito? Hindi naman di ba? Porket si Zeus ang panginoon nang ibang tao?
Tao rin naman siya at hindi diyos.
Naramdaman ko ang mabibigat niyang braso na nakapulupot sa akin bewang. Iniyakap niya pa lalo ako patungo sa kanya...kasabay non pumikit ako at dinama iyon.Ngunit unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at nasa harap ko ang realidad na may mali ako nagawa.
Naramdaman kong hinalikan niya ang aking ulo. Pumikit ulit ako na baka sakaling panaginip lang ang lahat.
Ngunit hindi. Totoo ang lahat nang ito, hindi isang panaginip.
Hinintay kong maging normal ang lahat at siniguradong tulog si Zeus.Huminga ako nang malalim at dahan-dahan kong inalis na ang kanyang braso nakapulupot sa akin. Tiningala ko ang kanyang mukha at pinagmasdan nang maigi.
Unti-unti ko inabot ang kanyang mukha kung saan inilagay ko ang aking hinlalaki sa kanyang mata, pababa sa ilong hangang patungo sa kanyang mga labi.Nakaramdam ako nang pagiinit sa aking mga mata. Hindi ko makakalimutan ang iyong mukha pangako Zeus, pero katulad din nang ginawa ni Stephanie ay iiwan kita sa kadahilanang magkaiba tayo nang mundo at madaming pang tanong ang kailangan sagutin , pero tandaan mo hinding hindi kita makakalimutan ikaw lang ang lalaking kaisa-isang nagpapatibok nang puso ko hangang sa huling hininga ko.
Inalis ko ang mga luha sa aking mata at kinagat ang aking ibabang labi para pigilan mapahikbi. Inilagay ko ang aking kanan na kamay sa aking bibig upang hindi na makagawa nang ingay pa...
Sa huling pagkakataon ay..Hinalikan ko siya sa kanyang baba at tuluyang bumangon na. Inabot ko ang isang spray na nabili ko sa bayan upang mas mapapahimbing ang kanyang tulog para kung sakali makagawa ako nang ingay hindi siya basta-basta magigising. Inilagay ko ulit un sa gilid nang lampshade at tuluyan nang naglakad.
Halos paika-ika ako maglakad at isa-isa ko kinukuha ang aking mga damit sa sahig at dahan dahan naglakad nang tahimik. Hindi ko man maamin pero ang tama na ito sa akin ay mali sa ibang tao ...ngunit wala ako pinagsisihan na ibinigay ko ang sarili sa kanya.
Wala na din ako pakielam sa sasabihan nang iba.
Dahil nung una palang ako'y sa kanya pero hindi siya ang para sa akin.Nakabihis na ako at nagiwan nang sulat sa gilid nang lamesa. Halos pinigilan ko ang aking hikbi bumigay na. Kahit anong pigil tuluyan na ito bumaksak at kumawala.
Inilagay ko ang aking kanang kamay sa bibig habang ang kaliwa naman ay inaalis ang butil nang luha sa aking mata at daha-dahang tumalikod sa kanya hangang sa masara ko na ang pintuan.Pangako Zeus, kung magkikita pa tayo muli hindi na ako aalis sa tabi mo.
Inilagay ko ang kapa sa aking katawan at inilagay ang takip nito sa aking mukha tsaka lumabas na nang kwarto at dumiretcho sa lobby nang hotel.
May natanaw akong mga lalaking nakaitim kaya't dali-dali ako umiwas ako nang daan. Imbes ay dumaan ako sa likod nang hotel. Nang nakalabas na ako ay mas minadali ko pa ang aking paglalakad.Kailangan kong ko makaalis dito bago pa dumating ang sundo niya. Luminga-linga ako nang may makabangga ako isang matandang babae.
Natapon ang kanyang dala-dala mula sa basket."Paumanhin po, lola" agad na yumuko ako at inisa-isa ko ang kanyang mga pinamili upang malagay sa kanyang bayong. Pagkatapos ay inabot ko agad sa kanya ang kanyang mga pinamili ngunit sabay non ay hinawakan niya ang aking mukha."Ano pong problema lola?" tanong ko sa kanya. Umiling siya at hinawi ang kanyang luha.
"May naalala lang ko na kahawig mo" inalalayan ko siya makatayo ngunit hindi ata niya kaya ang pagbubuhat nang mga bayong na ito.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...