25th - Over

16.9K 450 11
                                    

Isang linggo na pala ang lumipas. Hindi na ako pumasok  eskwelahan at nandito lang ako sa loob nang bahay. Wala ako balita kung anong nangyari kay Steven. Si Raven ay lagi ako dinadalaw.....hindi ko alam pero hindi naman ako responsibilidad ni Raven. Nakaupo ako sa isang lamesa sa labas nang bahay namin, habang tinitignan ang kalangitan. 


"Ate...." isang maliit na tinig mula sa aking kapatid na si Dylan. Si Dylan ay mas matanda kay Toffer nang dalawang taon. Hindi ko parin matanggap na magagawa iyon nang isang bata. May kung ano parang may nakaligtaan si Raven.... ngunit alam ko maingat siya sa lahat nang bagay at hindi basta basta nagkakamali. 


"Dylan....ikaw pala.." daladala niya ang pana para sa Archery Lessons niya. Ngumiti siya at pinakita ang kanyang dala. 


"Ate...tara..mag Archery tayo...pansin ko kasi lagi ka nalang may iniisip na malalim.." ngumiti ako at ginulo ang kanyang buhok. Tumango at tumayo. Nagbihis ako nang akma sa aming Archery Lessons. Kay bilis na pala lumipas ang panahon. Ang isang linggo ay naging dala, tatlo...hangang sa mag iisang buwan na pala..... Wala na din ako balita kay Steven. 


Dapat ako magalit sa mga nalaman ko, kaso......may isang parte sa akin parang hindi buo...


"Ang galing mo na...." sabi ko kay Dylan na may ngiti sa kanyang labi. Bumuntong hininga ako dahil napaka-imposible hindi ko siya kapatid.... dahil kahit paniwalain ko man ang sarili ko at lokohin...alam kong hindi ko talaga siya kapatid. 


"Syempre Ate ikaw ang nagtuturo sa akin......" inilapag namin ang hawak na pana at pumunta sa lamesa kung saan nakalahad ang mga meryendang pagkain. Uminom ko nang Jasmin tea.....inisip ko na matagal-tagal na pala ako wala sa eskwelahan....sa totoo lang ang gusto ko lang naman ay makapagaral bilang ordinaryong tao...na may simpleng pangarap. Ngunit sa pagabot ko nang ganoong pangarap ay kapalit ang pagiging komplikado nang aking buhay. 


Hay..Napakadrama nang buhay ko..

Natapos na ang aming lessons at umakyat sa taas. Nagpalit ako nang sariling damit at humiga sa kama. Tinignan ko ang aking wedding ring na nakasabit sa aking leeg. Mali ba ang nagpakasal ako sa kanya? Ayon kay Raven...mahal daw ni Steven si Chesca....matagal ko nang alam iyon pero bakit mas pinili ko magbulagbulagan.... hindi ko napigilan may mga luha takas mula sa akin.Pero bakit nga ba siya nagpakasal sa akin? Sa kakaisip ko ay nakatulog na ako. 


Pagdaraan nang araw..kay bilis at dalawang buwan na pala ang lumipas. Iniisip ko nangyari ba iyon sa buhay ko? Inaayos ko ang aking gamit....gamit ang aking backpack ay gusto kong maglakbay. Gusto ko malaman tungkol sa aking Ina at Ama...kung sino ba sila....Ayon sa dalawang buwan na pagreresearch ko na pasikreto....nanirahan daw ang aking Ama sa Cagayan De Oro...doon sa malabunduking iyon. Itinago ko na ang aking gamit dahil pasikreto kong gagawin ito. Ayoko ko nang magalala si Ashyo sa gagawin ko. 


Kumatok si Wangyu ang kanang kamay nang Aking Ama na si Yamamoto. 


"Pinapatawag po kayo nang Ashyo niyo...sa sala" tumango ako at inayos ang aking kama. Papunta ako sa Sala..nakakita ako nang isang lalaking may katandaan dahil sa kaputian nang buhok nito. Nakasumbrero ito at may tungkod. Nagbow ako at umupo sa kanang bahaging upuan. 


"Red....ito si Anderson Clark-Deovenir ang Lolo ni Steven...." napatingin ako sa kanya. Kaya pala parang nakita ko na siya. Siya ang may malaking parte sa Orz...kung bakit natatag iyon mula sa pagkakatanda nang files na pinakita sa akin ni Raven

"Isa lang naman ang gusto ko......bumalik si Red sa amin..." namungay ang mga mata ko sa sinasabi niya. "Wala ako pakielam kung may nakaraan kayo ni Steven o Wala......ang gusto ko lang ay makasama mo siya dahil iyon ang tama at kailangan gawin nang magasawa. Hindi Ako nikikiusap Red...kung hindi sinasabihan kita kung ano ang tama. Kung sa palagay mo mali iyon.....binibigyan kita nang kalayaan magdesisyon...Alam kong naging sakim si Antonio...kaya kung gusto mong maging malaya ay pirmahan mo iyang papeles....ngunit kung desidido kang maging asawa na aking apo..sumama ka sa akin sa makalawa..." Tinignan ako ni Ashyo may pagalala sa sarili.


Bumuntong hinga ako. Pagkatapos non ay umalis na siya....


Marami ako gusto sabihin ngunit hindi ko nagawa umapela pa..

"Mahal mo ba siya Red?..."Tanong ni Ashyo sa akin at Hindi ako nakakibo. 


"Ganyan din ang nangyari kay Aki....pero sana Red...bago ka magmahal ay mahalin mo muna ang sarili mo...ayoko matulad ka sa iyong ina na nalunod sa pagmamahal....at kamuntik nang hindi makabangon" tumayo ang kanyang Ashyo habang siya ay nakatingin sa envelop na kanyang hawak.


Umakyat ako sa kwarto....at tinignan ko ang mga litrato namin nila Steven at Cheska. Hindi ako makapaniwala magagawa niya sa nila sa akin ito. Napabitiw ako sa litrato nang kumatok. Inalis ko ang aking mga takas na luha.....


"R-raven..."hindi siyang nagatubili yakapin ako. Isinandal niya ako sa kanyang dibdib at nagsimulang umiyak. Simula nang mamatay si Angela ay naging malamig na sa akin si  Raven....ngunit ngayon naramdaman ko ang kalinga nang isang kaibigan na maasahan. Humiwalay siya sa akin... at nakatingin sa kanyang mga mata. 


"I can take your pain......I can also heal your wounds....Red.."


Dahan-dahan niya inalis ang luha ko sa aking mga mata gamit ang kanyang kamay....napapikit ako nang maramdam ko malapit na siya sa aking mukha.....ngunit sa pagkapikit ko...iisang tao lang ang naalala ko...Agad ko siyang natulak....napayuko ako. 


"So-sorry Raven...gusto ko munang mapag-isa...."tumalikod ako sa kanya. Naramdaman kong palabas na siya nang aking kwarto... 


"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari...sana nga hindi ko pinairal ang galit ko...nagsisi ako Red...pero umaasa parin ako na mamahalin mo ako ulit" lumabas na siya nang kwarto. Napa-upo ako at tinungkod ko ang aking noo sa aking tuhod. 


"Sana nga Raven.....kung madali lang ang lahat...." 


Naging mabilis ang oras at araw. Ito na rin ang araw na pagalis niya sa mansyion. Nagiwan siya nang sulat ngunit ang mga documento ay kanyang sinunog. Hindi niya..kung tama bang ang kanyang ginawa. Naging makasarili siya at minahal muna niya ang kanyang sarili. Ang gusto niya bago niya pirmahan ang documento ay nakapagdesisyon na siya kung makikipaghiwalay na ba siya o hindi.....


Madaling araw ay gumayak na siya. Naligo siya at nagayos na. Katulad nang gayak niya ay nagsuot siya nang malaking lente nang salamin, at nakatali ang kanyang buhok. Nagdala din siya nang mga armas katulad nang baril...ngunit maliit lamang iyon. Nagdala din siya nang mga matutulis na gamit..katulad nang maliit na kutchilyo at swiss knife sabay itinago niya itong mabuti sa kanyang backpack.


"Tama si Lolo....kailangan ko muna mahalin ang sarili ko....at kasama na rin hanapin kung sino nga ba ako...kung sino ang tatay ko at bakit kailangan mangyari ang mga ito...." Bulong niya sa sarili at sa huling pagkakataon ay tinignan niya ulit ang kwarto iyon..dahil alam niya matagal nanaman siya hindi makakauwi. Naalala niya ang mga panahon na nasa Academy siya...dito siya natuto umiyak, magalit at maglabas nang sama nang loob. Nilapitan niya ulit ang sulat na nagsasabing...hintayin siya sa pagbabalik.....nakasaad narin ang gusto niya mangyari.....lalo na sa gusto gawin ni Mr. Clark - Deovenir. 


Binuksan niya ang kanyang laptop para I-Activate Freeze niya ang CCTV camera at Electric Gate. Pagkatapos ay dali-dali na siyang lumabas nang bahay sa pamamagitan nang bintana.....mabilis ngunit maingat.  Gumamit siya nang lubid upang maging swabe ang pagkakabaksak nito sa lupa. Tumakbo siya nang matulin.....bilang ang kanyang galaw....dahil 7 minutes lamang ang deactivation nang Freeze CCTV at Electric Gate ..... 


Nang marating niya ang gate agad agad siya umakyat na para bang isang gagamba. Gamit niya ang Sticky-Up na kanyang obra...dahil nga matalino siya nakakagawa rin siya nang mga kanyang armas.


Sakto 7 Minutes ay nakalabas na siya nang mansion. Tumawid siya sa kabilang kalsada sabay naglakad sa isang iskinita at pumasok sa isang abandonadong bahay na pagmamay-ari nila....at binuksan ang pader na kung saan nakatago ang isa sa kanyang mga motor....ngayon niya lang ito magagamit sa haba nang panahon.....


"Cody....andito na ako...sana gumana ka" Bulong niya sa kanyang Motor.


Laking tuwa niya at umandar ito. Sinuot niya ang kanyang helmet at  nagsimula nang  patakbuhin ang kanyang Motor.... palayo sa lugar na iyon.


I hope this Chaos..... will be Over..


Itutuloy.....


Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon