TMCG - Chapter 4

11.4K 289 32
                                    

Name: God Zeus Deovenir

Occupation: Deovenir Grand Empire, Chairman and Head of GZD group of companies.

Height: 6'4

Age: 30

Status: Single

Clan : Deovenir

"Name: God Zeus Deovenir" infernes mukha siyang interesting. Mayroon siyang matagos na ilong, mahabang pilik mata at mapupulang labi. Masarap kaya halikan iyon? Ang mata niya nakaka-addict tignan parang marble!

Ay mali ito! Nagpapantasiya na ako! Napailing nalang ako at tinignan maigi ang picture.

Mukha naman siyang masungit. Oo nga pinagpapantasiyahan ko siya kaso hindi ko siya type. Mukhang suplado at hindi ngumingiti na parang ang bigat nang pasan-pasan ang daigdig. Tumatawa kaya ito? Kelan kaya siya huling ngumiti dahil sa lahat nang picture's niya lagi siyang naka simangot.

May pinagdadaanan kaya siya? Parang pasan-pasan niya ang daigdig eh!

Dapat hindi ko na pinapakielaman buhay niya dahil wala naman siyang kinalaman sa buhay ko.

Ang pagiisip ko sa kanya ay makakadagdag lang nang sakit sa ulo ko at hindi naman mapapakakain ang mga kapatid ko.

Agad kong sinarado ang magazine at ibinalik sa cabinet. Dapat itinulog ko nalang ito kesa pagaksayahan ang taong walang kinalaman o naging parte minsan sa buhay ko.



Kinabukasan maaga ako nagising. Nagluto nang agahan at nagayos na din nang baon para sa mga kapatid ko.

Nakakain at nakapagayos na din sila. Mula sa pinakamatanda hangang sa pinakabata ang pagbigay ko nang baon.

"Kayo dalawa binawasan ko iyan. Para magtanda kayo sa pag-gasta nang pera niyo" tumango sila. ang sunod ko naman na binigyan ay si Buknoy, ang paborito kong kapatid.

"Eto, dahil mabaet ka dinagdagan ko iyan"ginulo ko ang buhok niya pero nakakunot ang noo niya. Anong problema nang batang ito?


"Oh?Bakit ka nakasimangot?"tanong ko sa kanya at nakatingin sa palad niya.

"Ate! Limang piso lang ang dinagdag mo eh!" napabuntong hininga nalang ako.Nakita kong ngumisi si Batcheng.

"Buknoy.....anong sabi ni Ate?" inilagay niya ang pera sa bulsa.

"Matutong makuntento sa kung anong bagay na ibinigay sa iyo"ginulo ko ulit ang buhok niya.

"Mabuti at naiintindihan mo. Ang mga Ate mo ay nasa hustong edad na. Marami silang pangangailangan kumpara sa iyo" tumingin ako sa mga Ate niya ulet "Kaya lang naman nila nabili ung magazine na iyon kasi nahikayat lang sila, O siya alis na kayo baka mahuli pa kayo" sambit ko pero lumabi lang siya. Ang cute talaga nang kapatid ko.

Pinisil ko nalang ang magkabila niyang pisingi.

Nagpaalam na sila sa akin at pumasok na ako nang bahay.


"Nay.....dadalhin ko na po kayo kay Aling Persha" itinulak ko na din ang kanyang wheelchair at isinarado ang bahay namin.

Pumunta na ako nang shop. Nagayos ako nang ilang makina nang jeep.

Kumpara sa ibang araw na ito ay medyo matumal ang nagpapaayos. Napailing nalang ako. Magsira nalang kaya ako nang sasakyan para may magpaayos?

Umupo ako sa upuan na kahoy at tumabi sa akin si Koby.

"Tinapay?" Alok niya. Kinuha ko ang pande coco at kinain iyon.

"Andeng wag ka nga papalipas nang gutom. Pumapayat ka na oh! Nawawala ang pagiging matcho mo niyan!" sinapak ko ang tiyan nang loko.

"Gusto mo nang sapak?" itinaas niya ang dalawang kamay.

"Sorry na pero tignan mo iyon!" ininguso niya ang telebisyon. Pero pinitik niya ang pisngi ko!

"Nakakailan ka na!" Akmang sasapakin ko siya nang marinig namin ang balita.

Siya ung nasa magazine! Ayun napaka-sungit naman niya! Hindi ngumingiti....yelo ba siya?

"Uy..type ung nasa T.V" hinampas ko siya nang dyaryo.

"Gago! Nakita ko lang siya sa magazine nang mga kapatid ko"tinignan ko ung screen at nagsalita ulit ako "Hindi ko nga lubos maisip kung paano nagsayang nang pera ang mga kapatid ko para sa kanila.Iniisip ko nga wala naman mapupulot na aral doon. Kung baga parang menu nang mga di kaaya-aya nilalang" napailing nalang ako.

"Porket mayaman di kaaya-aya nilalang na?Tsk!"tumayo siya at kumuha nang inumin. Ibinigay niya rin sa akin ang isa at ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi " Alam mo, hindi naman porket magkaiba kayo nang mundo eh iniibang nilalang mo na rin siya noh! Tsaka oo andoon na tayo sa langit siya at lupa tayo pero wag mo naman iibahin siya na parang hindi tao....malay mo soulmate mo pala siya sa kabilang buhay" tinignan ko siya nang masama.

"Siraulo ka talaga eh no? Nahahawa ka ba sa pinsan mong si Britney at nagbabasa ka nang mga ganong libro? Nako! hindi ako naniniwala soulmate kami niyan tsaka napakalayo niya. Katulad nga nang sinasabi mo langit siya lupa lang ako imposible kaming mapansin niya ako at mas lalong imposibleng magkrus ang landas namin!" Ininom ko ang tubig na binigay niya pero ngumisi siya.

"Bakit umaasa ka no? Alam mo kahit ilang milya o kataas ang layo at distansiya niya sa iyo, kung ikaw ang taong nakapukaw sa kanyang paningin tiyak wala kang kawala" parang kinikilig pa to. Akmang ipapalo ko ulit siya nang dyaryo nang may isang babaeng pumalakpak. Napatingin kami doon.

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon