TMCG - Chapter 25

1.8K 59 31
                                    

It seems so unreal.

After ko maalala ang lahat di na ako kumausap o nagpakita kahit kanino. Laging nakasarado o di kaya nakalock ang pintuan. Kapag may magdadala ng pagkaen pinapaiwan ko nalang sa labas.

Pinaglalaruan ata ako ng tadhana, seriously my memory flashback in a split second. Para akong nagising sa matagal na panaginip, paano nila ako nagawang lokohin lahat?! Ang mga umampon sa akin noon? mga kapatid? Sino ba talaga sila?

Who the hell they are?

Paano nila ako nagawan ng fake memory and twisted? Kailangan ko makausap si Inang, siya ang makakapagsabi ng totoo. Ang mga tinuring kong kapatid may alam ba sila? I need reasonable explanation for this.

Mula sa bintana kung nasan natatanaw ko ang dagat, nakatayo ako ngayon at napaisip ng malalim kasabay non muli kong tinignan ang anak namin ni Steven, naglalaro magisa kasama ang mga laruan nito....matutuwa kaya siya kung malaman niya na buhay ako at may anak kami?

Buhay ang totoong Stephanie!

Lumapit ako sa kanya at kinarga siya. I hug her tight, same feeling ng pagkamiss sa ama niya.I kissed his forehead and sing luluby.

"Athena Zaira" pinangalan ko siya same first letters namin ni Zeus. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Gusto mo na bang makita ang Papa mo?"ngumiti lang siya sa akin, hindi ko rin napansin na napangiti na rin ako, at ang haba ng pilik mata niya nagmana siya kay Zeus. Hinalikan ko muli siya.

"Anak...sa tingin mo hinahanap kaya tayo ng Papa mo? Pero parang impossible di niya alam na nageexist tayo sa mundong ito" ngumiti lang siya. Alam ko hindi niya pa naiintindihan ang lahat, kahit ganon nagagawa niya pa din ngumiti ng walang pangamba.

Habang karga ko siya napaisip muli ako, sino ang nagpapanggap na Stephanie? Bakit kamukha ko siya? Anong klase surgery ang ginawa sa kanya? Plastic surgery thru facial reconstruction ang nakikita ginawa sa kanya o di kaya maaari may kapatid ako na kakambal na hindi ko alam, pero sa pagkakaalam ko ay wala naman.

Napabuntong hininga nalang ako hindi ako basta-basta magconclude sa isang bagay na hindi ko pa alam, kailangan ko pagisipan mabuti.

Isa lang ang nararamdaman ko ngayon at iyon ay galit at pagkamuhi. May mga naglalaro na ngayon sa isipan ko ulit, napakadami kong tanong na kailangan sagutin! Bakit kaya siya nagpanggap bilang ako? Anong makukuha niya? Kayamanan ng mga Sho? o si Steven? Kapangyarihan?

Kailangan ko muna malaman kung sino yon at bakit niya ginagawa iyon. Sino nagutos sa kanya, di ako makakapayag na agawin niya ang katauhan ko.

I need my identity....to be back!

Kailangan ko umisip ng plano. Hindi ko pwede sabihin kay Raven na nakakaalala na ako, kailangan ako makatakas dito sa isla na to....kailangan ko makita si Zeus at sabihin lahat na ang kasama niya ay ang pekeng Stephanie.

Sumilip ako sa bintana muli, binilang ko kung ilan ang nagbabantay.

Pito.

Nakakita ko din ang yate malapit sa may pangpang. Ibinaba ko na ang kurtina at nagisip ng solid na plano.

Kailangan din wala dito si Raven, masyado mahigpit kapag andito siya. Alam ko hindi ko rin siya basta basta mauuto. In terms of security and instructions siya ang pinaka number one sa academy.

Sa ngayon malinis na plano yan ang goal ko mabuo.

Nabalik ako sa wisyo ng may kumatok sa kwarto ng pintuan, mukhang si Raven yon kaya't inayos ko maiigi ang sarili ko at umupo sa kama kasama ang anak ko na ngayon ay mahimbing na natutulog kasama ko.

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon