TMCG - Chapter 29

1.6K 51 22
                                    

Ito na ang araw natatangalin ang benda ko.

Kinakabahan ako pero tinatagan ko ang sarili ko. Hindi biro ang mga napagdaanan ko

"Handa ka na ba?" tanong ng doctor sa akin. Huminga malalim at tumango ako. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Mahigit tatlong taon na din simula ng masunog ang aking mukha at ibang parte ng aking katawan.

Tama mayroon sa aking katawan, may ibang parte sa likod ko ang magiging peklat at pinili ko manatili iyon para maging paalala sa napagdaanan. Sa aking mukha naman ay nagawan ng paraan at iyon ay ang mamumuhay ako sa ibang mukha at katauhan.

Huminga ako ng malalim.

"Pwede mo ng ibuklat ang mga mata" unti-unti ko binuksan ang aking mata. Una kong tinignan si Raven at ngumiti siya. Inabot niya sa akin ang salamin. Hinawakan ko ang aking mukha...iba na nga ang lahat sa akin, mukha, ilong, labi lahat ng nasa harap ko iba! at alam kong hindi na nga ako ito kung hindi isang bagong mukha kikilalanin ng lahat!

"Simula ngayon, iyan na ang magiging mukha mo. Congratulations for your successful surgery" ngiti sa akin ng doctor. Nakaramdam ako ng mga palakpakan sa paligid ko.

Masaya ako pero...di ko magawang di malungkot.

"May problema ba?" tanong ni Raven. Umiling ako. Ano ba itong iniisip ko ito ang araw na dapat masaya ka dahil nabigyan ka ng pagkakataon mabuhay muli ng normal.

"Naninibago lang ako, hindi ako sanay sa bago kong mukha" hawak ko sa aking mukha at ngumiti sa kanya.

"Pwes simula ngayon kailangan mo masanay sa bago mong mukha at buhay" ngumiti siya at hinawakan niya rin ang aking mukha at hinalikan ako sa noo.

Napanatag ang loob ko.



Pagkatapos ng ilang buwan nakarecieve ako ng iba't ibang lessons and training ulit. May lessons din about etiquette. Hindi naman naging mahirap ang lahat sa akin dahil naging matyaga ako pero syempre nanibago lang din.

May mga bagay kasi ako bagong natutunan.

Habang tumatagal mas napalapit na ako sa aking anak na si Zaira. "Shh...wag ka na umiyak, andito lang si Mama" simula na mawala ang benda ko sa mukha, umiiyak na si Zaira.

"Wag ka na umiyak" sambit ni Raven. Kinuha niya ang anak ko at pinataha ito, bigla nalang tumigil si Zaira sa pagiyak.

"Baka nanibago lang siya sa itchura mo ulit." ibinaba niya sa crib si Zaira na ngayon ay naglalaro sa crib.

"Nakakatawa lang kasi, iba nanaman itchura ng magulang niya. Baka nalilito na siya"I chuckled.

"Masasanay din ang bata, kamusta ang lessons mo?" humarap na siya sa akin ngayon.

"Okay naman, refresher sa akin ang etiquette at training lessons pero smooth naman and nakaka catch-up ako"

Umupo kami sa isang table at iniaabot niya ang envelop na hawak niya.

"Ano yan?" itinulak niya ito patungo sa akin.

"Buksan mo" ngumiti siya at sumandal sa kanyang upuan. Inilabas ko ang laman nito.

"Marriage Certificate?"hinawakan niya ang kamay ko at itinaas ang singsing na binigay niya sa akin last year.

"Katulad ng napagkasunduan natin, Marriage Certificate"Tama eto na nga iyon.

Inabot niya rin ang pen at walang atubili pipirmahan ko iyon.

"Sigurado ka na ba dito? Once na pinasa ko ito..officially asawa na kita" pigil niya sa akin sa huling pagkakataon, seryoso sambit niya ngumiti ako at tumango.

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon