Pagkatapos ang nangyaring iyon ay balik ulit sa dati. Hindi kami nagpapansinan. Halos magiisang linggo na parang hangin lang ako sa kanya.
Lahat nang plano ko ay nawala na parang bula at dumidepende ako sa kanyang gagawin. Naghihintay ako nang mga sinyales kaso siya mismo ay wala pa siyang ginagawang mga hakbang.
Nakarinig ako nang katok mula sa pintuan at mukhang alam ko na kung sino iyon.
Si Debina.
Katulad pa din nang mga nakaraang araw ay hapit ang kanyang suot na kinulang ata nang tela ang binilhan niyang damit.
Tumabi ako para magbigay nang daan sa kanya.
Inilapag niya sa gilid nang lamesa ang pagkain at walang sabi hinalikan nito si Zeus at tinaggap naman iyon.
Nagiwas tingin nalang ako.
Kumapit siya sa braso ni Zeus hinawakan ang mukha nito.
"Please Zeus...we need privacy" nakanguso siya sa akin habang sinasabi niya ang mapangakit na tono. Yumuko ako at mukhang alam ko na ang sasabihin niya.
Seryoso siyang nakatingin sa akin nang nag-angat ulit ako nang tingin.
"Leave us alone" tumango ako bilang paggalang sa kanya.
Ganito na ang mga nangyayari nitong magiisang linggo. Paulit-ulit nalang.
Kumatok ako mula sa loob nang kwarto sa may pintuan at pinagbuksan ako nang nagbabantay tsaka lumabas nang kwarto at naupo.
Sa nagdaan na oras hindi ko napansin na nakatulog na pala ako at katulad nang ilang mga araw ay mukhang wala ata balak pansinin nang gwardiya ang nangyayari sa loob nang kwarto dahil kumikilos lang ito noon kapag siya ang magdadala nang pagkain.
Napabuntong hininga nalang ako. Malamang tapos na sila sa kanilang paguusap.
Hindi na ako kumatok at biglang binuksan ang pinto nang makita ko si Debina na nakaupo siya patagilid sa hita ni Zeus habang hinahalikan ito. Halos wala na siyang unang pangitaas dahil nakikita na dito ang sando niya.
Tumigil sila sa paghahalikan at sumama ang tingin sa akin.
"Fuck! Istorbo!" tumayo ito at agad kinuha ang damit niyang unang pangitaas na polo.
"Zeus! Next time na gagawin natin to siguraduhin natin naka-lock ang pintuan" nang maayos na niya ang kanyang damit ay hinalikan niya si Zeus. Pero may napansin akong kakaiba o guni-guni ko lang ba?
Masama ang tingin niya kay Debina.
Kinagat ko ang labi ko upang pigil ang hikbi ko. Ganto ang nangyayari sa loob nang isang linggo ngunit ito ang pinaka-matindi.
Nilapagpasan ako ni Debina at tumingin nang masama.
Para akong kakainin nang buhay.
Nang binuksan na niya ang pintuan ay maingat kong isinara iyon para di magawa nang kahit anong ingay. Hawak hawak ko ang hawakan nang pintuan nang bigla siyang nagsalita siya.
"Sa susunod marunong ka dapat kumatok" napahigpit ang hawak ko sa hawakan at kasabay non ang panghihina nang tuhod ko.
Ito ba ang sinasabi niyang gyera? Pero bakit di ko maramdaman? Bakit iba? Bakit iba ang sinasabi niya sa ginagawa niya?
Napalunok ako at tumango. Napatingin ako sa aking likod ngunit siya ay nakatalukbong na nang kumot.
Ano na bang nangyayari? Iba ito sa mga sinasabi mo noon sa ginagawa mo ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/31059615-288-k112162.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...