7th - Close

26.5K 779 5
                                    

Nagising ako nakaupo sa isang upuang kahoy na nakatali ang aking mga  kamay sa isang lubid, halos hilo pa din ang paningin ko. Napakalakas ata ang epekto nang gamot na itinurok sa akin. Napatingin ako sa kaliwa  parte nang lugar at nanlaki ang mga mata ko. Bakit andito si Steven? Halos puno nang pasa ang katawan niya at mukha samahan narin ito nang  basa  damit.

Inikot ko ulit ang aking paningin  at hindi ako pamilyar sa lugar na ito pero masisigurado kong nasa malaki kaming warehouse. Tumingin ako sa paligid at mukhang wala nang tao dito, Isang tanong ang sumagi sa isip ko bakit,  bakit kami andito? at puno siya nang pasa si Steven habang ako miski isa wala, ngunit sa pagkakatanda ko ako lang magisa ang nakuha.

Umiling-iling ako at nag Isip ako nang mga paraan kung paano makakatakas sa pagkakatali nang aking kamay,  buti nalang may malutis na bagay ako sa likod nang aking uniporme. Dahandahan ko itinaas ito at kinuha ang maliit na knife. Inikot ko ulit ang aking paningin sinigurado kong walang tao at nagsimula na ako kumilos. 


Kiniskis ko ang matulis na bagay sa lubid upang matanggal sa pagkakatali ang mga kamay ko. Nang nagtagumpay na ako dahandahan ko inalis ito. Mabilisan ko inalis ang tali ko sa paa at pumunta kay Steven na ang daming pasa. Paika-ika ako naglakad dahil halos di parin bumabalik ang lakas ko ngunit kaylangan ko tiisin ang pagmamanhid nang kamay at paa ko. 


"Steven! Steven Gising" nakita ko ang dami niyang pasa, namulat ang kanyang mga mata at nakatingin sa akin. Ngayon ko lang napansin wala na ito eyeglasses dahil nasira na ito,nasira na ito. Mabilisan ko rin inalis ang tali sa likod niya.

"A-are Y-you O-kay? "Nauutal niya sabi. "Shhhh, I'm okay, pero bakit ang dami mong pasa?" ngumiti siya sa akin at hinawakan ang mukha ko "Sige mamaya mo nalang sabihin okay? tara na!" hinawakan ko  ang kamay niya sa nakadampi sa mukha ko at Inakay ko siya palabas nang warehouse nang may sumalubong sa amin mga naka-mask na Clown. Mga duwag pwe, ayaw magpakilala


"Gising na pala kayo?" nakakainis ang tono niya sabi sa akin. Inaalala ko kung may kagalit ba kami kung ako , oo meron at madami pero hindi ganito kadumi maglaro at duwag.

"Si Senyorito! Kamusta ka na? Mukhang nagenjoy ka sa laro natin" sumama ang tingin ni Steven doon sa Clown na nagsasalita. "Ayan napapala mo maysado ka kasing dakila , Young Master!" tumawa sila nang parang walang bukas, ibig sabihin si Steven ang may Atraso? Pero bakit?.

Ano ba kasi nangyari kagabi, Arrrrgghhh!! Hinila niya ako  at Pilit ako itinago ni Steven sa kanyang likuran. "Don't ever touch my girl!" sambit nito at napatingin ako sa kanya, tama ba ang narinig ko my girl? Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa kamay ko, saan kaya nakakakuha nang lakas tong si Steven? lalo't na alam ko wala na siya lakas para lumaban. Nakatingin lang ako sa kanya at hinigpitan niya pa lalo ang kanyang hawak sa akin. 

Akwang susugurin kami nang bigla niya ako kinulong sa kanyang mga bisig at niyakap nang mahigpit. Nakita ko kung paano niya ako prinotectahan sa mga nanakit sa amin. Sa isang iglap nagising na lang ako na dapat na ako lumaban kung hindi pareho kami mamatay na dalawa. Nakakulong parin ako sa kanyang mga bisig habang pinagpapalo ang kanyang likod at napaluhod na kami dalawa." Steven hindi mo kailangan gawin to" halos maiyak kong sabi sa kanya. Tumalikod na ang mga clown at unti-unti naglalakad palayo.

Napatingin ulit ako kay Steven at ngumiti lang ito sabay tinago ang buhok sa likod nang aking tenga at bumulong "Just Be safe" at humandusay na nang tuluyan sa sahig, naramdaman ko may likido sa aking braso at nakita kong pula ito. Nakita kong walang malay si Steven at dali dali ko siyang hinawakan sa mukha at  niyakap ko siya nang mahigpit. Alam ko di bibitiw si Steven, mas hinigpitan ko ang aking yakap higpititan pa ito at binulong ko sa kanya "Please be Strong for me" dahandahan ko inilapag ang katawan ni Steven naghihingalo.

Gagawin ko mabilis ito at sa sobrang bilis hindi nila mamalayan ang gagawin ko. Dahan dahan ako tumayo at itinakip ang panyo sa bibig ko. Tinawag ko isa isa at nakangiti lang  humarap ang tatlo clown sa harap ko at iniisa isa ko na sila sugurin. Malang sa malamang nagulat sila. Inuna ko ang pinaka matangkad, ang pinaka nakarami kay Steven, binalian ko agad ang kanyang braso sabay sinuntok sa tsyan. Sinipa ko naman ang pangalawa sa matangkad at dinali ang tsyan nito at pinakahuli binalian ko ang kanyang paa hangang maging lumpo ito kamuntik pang tumama ang  maliit na knife sa katawan ko. Nagising  ang aking hwisyo nang halos wala na silang buhay dahil ginilitan ko na ang mga leeg nila at biglang  sumigaw si Steven nahihirapan . Hinanap ko ang Cellphone nila at  agad tinawagan si Wangyu  para humingi nang tulong at linisin ang kalat ko. 

Nagpatawag nang ambulansya at halatang nagaalala rin ito, dahil pagkatapos nang ilang buwan nagawa ko nanaman ang isang bagay na ayaw kong gawin.


Hindi ko na inintindi iyon at tumakbo na ako agad kay Steven na nakahandusay sa sahig na dumadaing nang sakit, hinawakan ko ang kanyang kamay at inangat upang yakapin nang mahigpit "Steven darating na ang ambulansya, wag kang sumuko please" unti unti namuo ang init sa aking mga mata at di namamalayan may lumalabas na pala luha. Halos pahikbi ko siya tinitignan dahil nakatingin lang siya sakin at  hindi siya nagsasalita. Malamang gusto niya tanungin kung anong nangyari sa tatlo. Hindi ko alam pero sobrang lakas nang kalabog nang puso ko, na ayaw ko mawala si Steven. 

Hinalikan ko siya sa Noo at ngumiti ito at dahan dahan pinikit ang kanyang mata.


No...No... Please Wake Up


Biglang sumakit ang tagiliran ko,at napansin may dugo pala ako sa gilid nang katawan at unti unti bigla ako nanghihina at nagdilim nanaman ulit ang aking mata nang hindi ko namamalayan.


Itutuloy....

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon