TMCG - Chapter 15

12K 349 205
                                    

Tinignan ko ang puting maskarang inilagay niya sa harap ko. Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Nakita ko ring bumuga siya nang makapal na  usok mula sa kanyang sigarilyo. 

"Diretchohin muna ako" sambit ko sa kanya. Ngumisi siya na para bang aso at umiling. 

Lumakad siya papunta sa akin at kinuha ang puting maskarang nasa harap ko. 

Kahit na ba gusto kong umatras ay hindi maari sapagkat nagpapakita ito nang kaduwagan sa kanya. Inilapit niya ang maskara sa aking harapan at bumuga ulit nang usok galing sa sigarilyo niya.

Halos napaubo ako at tinakpan ang ilong tsaka bibig ko.. 

Humarap ako sa kanya nang nanlilisik sa ginawa niya pero hindi ako kumibo.

"Tsk, isuot mo iyan" ibinato niya sa akin ang maskara at nasalo ito.

 "Katulad nga nang sinabi ko maglalaro tayo ulit..." tumalikod siya sa akin at bumalik na sa kanyang upuan. Kumuha siya ulit nang sigarilyo at nagsimulang bumuga ulit nang usok mula doon.

Kung hindi man tao ang makapatay sa kanya malamang ang bisyo niya. Ayan ang aking nasa isip habang tinitignan siya nang maigi. 

"Susuotin mo iyan pagbalik mo kay Zeus. Katulad nang kasunduan natin..hindi ka pa din pwedeng magsalita. Sa oras na tangalin mo iyan, kapalit non ang buhay mo at tinatanggap mo na mamatay ka sa aking mga kamay. Wag kang magalala tumutupad ako sa usapan. Kapag sinabi kong wala akong gagawin, wala ako gagawin lalo't na sa mga taong pinapahalagahan mo ngunit..." tumawa siya nang malakas na para bang nababaliw na. "Kung mayroon ako isang mali at maliit na makita o  di kaya ay napansin hindi ako magdadalawang isip na ibahin ang ihip nang hangin. Di ba Andrea ayaw mo namang mangyari iyon di ba?" ngumisi siya at napailing.

Ibang Manong Dado ang nakikita ko ngayon kaya't napalunok ako at biglang  naisip na baka may sakit siya sa pagiisip na hindi malabong mangyari iyon.

Ibinaling ko ang tingin sa puting maskarang hawak-hawak ko na. Wala akong magagawa kung hindi sumunod sa gusto niya. Kailangan kong maingat kung gusto ko pang mabuhay at makita ko ang pamilya ko na naghihintay sa akin.  

Kumuha ako nang lakas nang loob para sumagot sa mga sinasabi niya. Kailangan ko siyang labanan. Alam kong wala ako kakayahan na talunin siya pero maari ko naman siya mautakan.

"O'siya makikipaglaro ako"walang gana kong sambit sa kanya at nagsimula muli ako magsalita nang hindi umuutal sa kanyang harapan.

"Sa isang kondisyon" tinignan ko siyang maigi.'Kaya mo yan Andeng, di ba matapang ka sa bario. I-kumpara mo siya doon sa mga salbahe sa bario' Ayan ang bulong ko sa aking saril. "Bigyan  mo lahat nang pagkaing hihingin ko" tumingin ako sa kanyang mga matang nagtatanong. Kumunot ang noo niya. 

Napalunok ako at baka ako'y mahalata.

Wala pa ako naiisip solidong plano pero un ang magandang gawin. Kailangan ko magpalakas bago tumakas at biglang sumagi sa isip ko ang mga gamit na pwedeng gamitin. Iyon ay maari silang magserve nang pagkaing ginagamitan nang kahit anong kutchilyo at maari kong magamit iyon sa pagtakas ko sa takdang panahon.

Nagising ang diwa ko sa kanyang reaction at nawala ang aking mga iniisip.Napatingin ulit ako sa kanya dahil humalakhak siya at pumalakpak na parang isang baliw. Tumango din ito at napailing. 

"O'sige un lang pala. Maswerte ka kahit bihag ka napagbibigyan kita bilang bonus mo sa pagkakahuli kay Zeus, Kala ko naman ang hirap nang hihingiin mo. Sa tingin ko ay deserve mo naman"nakita ko sa mukha niya ang sa walang bahala at parang hindi nagaalala kaya nakahinga ako nang maluwag.

Ganyan nga dapat hindi siya maghinala at kailangan kong mag-ingat maiigi sa mga susunod na hakbang ko. Isinuot ko na ang maskarang puting binigay niya at hindi na nagsalita pa.

Katulad nga nang sabi niya bawal ako magsalita pero ano kaya dahilan? Mysteryong tanong nanaman iyon na siyang nadagdagan nanaman sa mga tanong  sa isipan ko.

Lumabas na ako nang kwarto at muling dumaan sa mga kubol at lamesa nakalat sa daan. Akala ko sa pelicula lang ang may underground monkey business na tinatawag pero eto nasa harapan ko..totoong-totoo. Samahan narin nang amoy nang usok at masangsang-amoy nang alak. 

Habang naglalakad ako namataan ko ang isang lalaking mas bata sa akin. Tinitigan ko siyang maigi nang nalipat ang tingin niya sa akin. Wala namang reaction ang kanyang mukha pero halatang pinagmamasdan niya ako nang mabuti.

Kaya minabuti kong magiwas tingin nalang at hindi na tumingin pa sa kanya kahit di ko masyado maaninag ang mukha niyang natatakpan nang balabal.

Napatigil na ako sa paglalakad hudyat nang nasa harap na ako nang pintuan nang kwarto ni Zeus. Pagkatapos ay pinagbuksan ako nang gwardiya ni Manong Dado. 

Tumingin ako sa kinalalagyan ni Zeus at napanatag ako dahil nakahiga pa din siya nang matiwasay. Pero may isang bagay akong napansin..wala na ang piring niya. Lumapit ako sa kanya para tignang maigi ang kanyang kalagayan.  

Hahawakan ko sana ang kanyang noo  nang bigla niya hinawakan ang kamay ko kaya't  automatikong napaatras at napabitiw ako sa kanyang kamay nang tumingin siya sa akin.  

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon