Dinikit ko ang aking tenga sa pintuan pero nawala ang katok. Napalunok ako nang nagsimula nanaman kumatok at nawala ulit. Hinawakan ko ang pihitan nang pintuan at dahan dahan binuksan iyon. Nasalikod ko pa din ang swiss knife ko. Nakita ko ang isang chamber maid nang hotel na may dalang toiletris at cart sabay ngumiti ito sa akin.
"Good evening po mam....roomservice and toiletris po...." napakunot ako nang noo bakit tinanong niya iyon? Eh hindi naman ako humingi kaya mas lalo ko hinigpitan ang kutchilyo. "Hindi naman ako humingi niyan.." mahinahon ko sabi sa kanya, pero tinuro niya ang placard sa may pihitan nang aking pintuan at nakalagay doon ay Room Service. Nakahinga ako doon sabay ngumiti sa kanya at sinabing toiletris nalang muna ang kukunin ko.
Bumalik ako sa kama at nagsimula magresearch sa mga hakbang na gagawin ko sa mga susunod na araw isa na doon.....ano kaya ung pangalan nang lalaking nagimbita sa akin? Masyado siyang misteryoso. Kinuha ko ung kwintas ni Mama.....masasabi kong yari ito sa totoong aluminun at metal.
Napagpasyahan ko simula ngayon ay susuotin ko na ito dahil gusto kong mafeel na lagi kong kasama si mama.
Ilang araw din ako sa CDO parang naging bakasyon ko na din. Gusto kong sulitin ang pagpunta ko doon sa barrio nang De La Marciela habang gumagawa nang mga plano. Uwian din ako lagi... dahil gusto ko makasamuha ang mga tao doon nang walang naabala o naiistorbong iba. Noong desidido na ako umuwi ay bigla nalang nagbago ang isip ko. Tutal andito na rin ako bakit hindi ko pa sulitin ang hangin kinasayahan nang aking ina.
Bumaba ako sa Jeep at ito na ang pangapat na araw ko sa barrio. Mababaet ang tao dito dahil laging may sayang dala. Kumukuha ako nang picture ang may biglang humarang sa aking harapan. Ibinaba ko ang camera at tumingin sa kanya nang masama.
"Whoooaaa, easy easy hehe ayan ung sinabi nung kano itinour ko dito amerikanong dayo...hehe yun lang ung natandaan kong ingles..." napakamot siya sa ulo at napailing ako. Naalala ko ang kasunduan na off-limits siya sa akin at babayaran ko siya para i-tour ako. Nung una ayaw pa pero nung sinabi kong sa iba nalang ako magpapasama..... pumayag na din.
"Nga pala Stephanie..... gusto mo nang mangga?" tumingin ako sa kanya at nakangising aso siya. Tumanggo ako at pinanood siya umakyat sa puno nang mangga. Matarik iyon at mataas.....akala ko nung una mahuhulog siya pero kinalaunan ay nakaligtas siya.
"Whew... kamuntik na ako doon ah..."Sabi niya sabay abot nang mangga. Medyo kulay dilaw na ito.. naramdaman kong nakatitig siya sa akin kaya tumingin ako sa kanya sabay kindat. Nagiwas tingin ako sabay kumain nang mangga. Madami siyang tinurong tanawin. Maganda iyon at sariwa ang hangin hangang sa mapaupo kami sa isang kahoy na upuan.
"Hmm..ano pangalan nang iyong kasintahan at kung okay lang paano kayo naging...?" tanong niya sa akin.
Dapat ko ba sabihin sa kanya? Siguro naman ay walang masama at hindi naman niya ito kilala. "Pangalan niya ay Steven....." unang panimula ko sa kanya "Mag kaibigan kami nang highschool hangang sa magkaroon nang accidente.....at hindi niya ako matandaan" bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"Pero naalala ko siya.....nung una palang alam ko iba na gusto niya...kaya winalang-bahala ko ang feelings sa kanya..kaso habang tumatagal nahuhulog ako sa kanya at nasa situation na hindi ko na kayang bumangon pa" huminga ako nang malalim "Wala siyang maalala...hindi niya ako matandaan pero minahal niya ako at mahal na mahal ko rin siya...lalo na ngayon ..... kaso hindi ko alam kung mahal ba niya ako noon.... o kaya ngayon baka kasi ginagamit niya lang ako...." hindi ko na napigilan mapaluha ..." K-kasi..." inalis ko ang malaking sunglasses ko at tinakpan ang mukha ko.
"K-kasi nalaman ko na....nung una palang niloko niya na ako kaya hindi ko alam kung totoo ba ang pagmamahal niyang pinakita sa akin ngayon" doon na ako humagulgol.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...