TMCG - Chapter 14

11.6K 310 108
                                    

Halos madilim na rin ang dinadaanan namin pero patuloy pa din kami sa biyahe nang sa wakas ay may nasilayan na akong  isang lumang bahay. Sa una aakalain mo isang ordinaryong bahay lang ito na napapagiliran nang mga puno. 

Napatingin ako sa katabi kong nakatitig padin sa daan nang seryoso. Pagkatapos nang paguusap namin ay katahimikan ang namayani sa amin.

Huminto na ang sasakyan namin at hudyat na iyon andito na kami sa lugar ni Manong Dado. 

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga nangyayari sa akin dahil na blablangko ako. Ni wala nga akong ideya at kaalam-alam kung bakit kailangan ko siyang bantayan. Unti-unti dumadami  ang mga tanong bumabagabag sa akin na walang sagot.

Nagising ako sa ulirat nang bumukas ang pintuan nang van at isa-isa bumaba ang mga tao sa loob nitto hangang sa kami dalawa nalang. 

"Wala kang planong lumabas?" nanlaki ang mga mata ko at napalunok. Napakalakas nang pangdamdam ni Zeus.  Hindi ako nakapagsalita bagkus napatingin ako ulit sa pintuan nang marinig kong magbukas ito. 

"Baba!" sigaw ni Bruno.

Tumango ako at pababa na sana nang nagsalita ulit siya. 

"Hindi ka ba talaga magsasalita?"tumikihm siya pero kasabay non ang sistemang kabang nararamdaman ko "Hindi mo ba ako aalalayan?" napahawak ako sa dibdib ko at nanginginig ang katawan ko sa kanyang pagsasalita palamang.

Tanda ko pa noon hindi ako interesado sa kahit sinong lalaki dahil prioridad ko ang aking pamilya pero habang tumatagal nagiiba ang ihip nang hangin bumabaliktad ang situation hangang sa ngayon hindi ko na alam kung ano ang dapat maramdaman ko para sa kanya.

Muli ako bumalik sa kanyang  pwesto at lumapit. Kasabay non dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang matitipunong braso  ngunit nagulat nalang ako nang hawakan niya ang kanang kamay ko nang mahigpit at kinabig palapit sa kanya na halos gahibla nalang ang layo namin sa isa't isa. 

"Wala.ka.ba.talagang.planong.magsalita?"madiin ang kanyang pagsasalita at sa pangalawang pagkakataon tinanong nanaman niya ang tanong na iyon.  Tinignan ko siya nang maigi at napatunayan na kahit siya ay maytakip sa kanyang mata.. napakagaling niya makaramdam.

Nakita kong bumaba ang kanyang ulo at lumapit pa sa akin. Napapikit ako nang nagsalita ulit siya sa kaliwang tenga ko. 

"Yes, I can't see but I can feel it...those fucking dreams are not just dreams"halos maghumerentado ang puso ko sa kaba. Bigla nalang ako walang naintindihan sa mga sinasabi niya dahil ang naiintindihan ko lang ang gahiblang layo namin ni Zeus. 

Napapikit nalang ulit pero biglang ako napamulat nang mata at walang sabi hinalikan niya ang leeg ko! 

Itutulak ko na sana siya nang  humiwalay na agad siya at bumulong.

"Shh...this scent fuck...I know this." agad ko siyang tinulak at binitawan ang kamay niya.

Hangang ngayon hindi ko parin matancha ang kayayahan ni Zeus. May third eye ba siya? Kilala ba niya ako?

Bumukas ulit ang pintuan at nakakunot si Bruno.

"Ano ba! Baba sabi eh!" tumango ako at muli hinawakan ang braso ni Zeus. Mabuti naman at wala na siyang ginawang kahit anong kakaiba at sinabayan ko siya maglakad.

Tahimik pa din kami sa paglalakad nang marating namin ang isang malaking pintuan nang bahay. Pagkabukas non ay bumungad sa akin puro antigo at mamahaling gamit.  Pumasok ulit kami sa isang pintuan. Puno ito nang mga libro at nilapitan ni Bruno ang isang statwa pagkatapos ay lumapit siya doon at inilapit ang mukha niya dito.

 At isang  tunog ang aming narinig ,bumukas ang kurtinang nakadikit sa dingding. 

Sinundan namin siya at pumasok sa elevator. 

Pagkahinto ay isang pasugalan ang bumungad sa amin. Mayroon din mga kubol kung saan nagsusugal ang mga tao. Mayroon din mga babae nakakalat sa lugar at pinagsisibilhan nang maiinom o pagkain ang naglalaro. 

Tumigil kami ni Bruno sa isang malaking pintuan. Binuksan niya iyon at tumambad sa amin ang isang kama, dalawang upuan, isang lamesa at isang banyo. 

"Ayan ang magiging kwarto niyong dalawa"tamad niyang sinabi. Hindi na ako umalma pa dahil sinarado niya ang pintuan. Napalunok ako at humarap kay Zeus na nasa pintuan. Hindi ito gumagalaw sa halip nakatayo lang ito ngunit bigla siyang ngumisi. 

"Sino ka ba talaga? What stunt are you doing? Tell me your stupid plans!" pasigaw niya sambit sa akin. Ayan ang tinanong niya sa akin pagkatapos non ay ngumisi siya. 

Hangang ngayon hindi parin ako nagsasalita at iyon ang kabilin-bilinan ni Manong Dado. 

"Again nevermind" bigla siya huminahon sa pagsasalita.  Nagulat ako nang lumakad siya nang diretcho papunta sa aking direksyon. Bawat paghakbang niya ay siyang pagatras ko hangang sa naramdaman ko nalang ang dulo nang kama.

Isang hakbang nalang ang pagitan namin. Tumingin ulit siya sa aking mukha pero ang pinagtataka ko kung paano siya nakakakilos kahit nakapiring siya.  Lumapit pa siya ulit sa aking hangang sa gahibla ulit ang layo namin.

"I can kill you without a blink...but I know I can't for some important reason which puzzle my mind"umusog pa siya at nagpantay ang aming mukha "I'm here and always waiting for the right answers."napapikit ako habang nagsasalita siya. Ayan nanaman siya..nang hahalik nang walang pahintulot.  Pero nagulat nalang ako nang bumaksak siya sa aking harapan at nasalo ko siya. 

"Zeus..." ayun lang ang nasabi ko.

Ramdam kong init at pawis sa mukha niya. Inalalayan ko siya sa higaan. Aalis na sana ako nang hinawakan niyang mahigpit ang kamay ko. Pilit kong inaalis ang kamay na iyon. 

"Bitawan mo ako" pero patuloy lang niya hinahawakan ito. Wala na akong pakielam kung suwayin ang utos ni Manong Dado. Hangang sa kinalaunan hinayaan ko nalang. 

"Stephanie...."para akong naestatwa sa pangalang sinasambit niya. Hangang ngayon nakikita niya parin ako sa kanya. 

"Wag mo akong iiwan....please baby?"nakita ko ang pawis sa  kanyang mukha. Ramdam ko ang panguguilila sa kanya. Huminga ako nang malalim. 

Andeng isang beses lang naman....isang beses ko lang naman aakuin. Wala naman masama kung susubukan ko maging siya. Humugot ulit ako nang lakas at pinisil ang kamay niya.

"Hindi kita iiwan Zeus"ngumiti ito at unti-unti binitawan ang kamay ko. Napangiti ako...dahil si Ako ay naging si Stephanie nang isang araw dahil sa illusyon kong pagpapanggap. 

Pumunta ako sa pintuan at tulad nang inaasahan ay naka-lock ito. Kumatok ako sa pintuan bilang nagbukas ang maliit na lagusan. 

"Ano?"tanong nang nagbabantay. Inayos ko ang aking pagsasalita na para bang dominante. 

"Kailangan ko nang gamot, tatlong bimpo at maligamgam na tubig. May lagnat ang bihag" hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko sa bihag.

"Osiya sige" alam ko na may kailangan sila kay Zeus kaya hindi nila ito pababayaan. Bumukas ang isa pang maliit na butas na pa-rectangle at inabot ang mga hiningi ko. 

Lumapit na ako kay Zeus na puno nang Pawis. Unti-unti kong pinupunasan ang kanyang mukha. Binuksan ko unti-unti ang kanyang polo at pinunasan iyon. Nagiwas tingin ako habang pinupunasan ang kanyang dibdib. Naglagay din ako nang bimpo sa kanyang noo. Nang matapos iyon ay pumunta ako sa kanyang tabi habang hawak ang kamay niya at nakatulog ulit ako dala sa pagod sa biyahe.

Nagising ako nang naginginig siya sa lamig. 

"Zeus!" tumayo ako at tinapik ko agad ang pisngi niya "Zeus!!" nanginginig siya. "Nilalamig ka!" gusto niyang yakapin ang sarili dahil nilalamig siya ngunit dahil nakaposas at nakatali ito ay hindi niya magawa. Kumuha pa ako nang maaring pang takip sa kanya pero walang bisa ang mga ito.

Isang paraan nalang ang inisip ko...

Agad akong tumabi sa kanya at iniyakap siya nang mahigpit. 

"Stephanie...please don't leave me.Again"bulong niya. 

"Shhhh...Zeus..."patuloy pa din ito sa pangiginig. Isinuot ko ang sarili sa kanyang dalawang braso at niyakap maigi. "Kung pwede lang ako maging siya pero...hindi ako siya. Pero kung mapapawi nito ang lahat nang iyong mararamdaman ay handa ako sa lahat kahit pa hindi mo ako nakikita" huminga ako nang malalim at hinalikan ko siya sa kanyang labi.

Hindi ito ang halik nang pagibig. Ito ang halik nang panguguila.

"Magpagaling ka Zeus"inilagay ko ang aking noo ko sa kanyang baba. "Kahit ngayon lang napaka swerte maging si Stephanie" ipinikit ko na ang aking mata hangang sa naramdaman ko nalang ang pagdilim nang paligid. 


Napamulat ako sa isang lugar na hindi pamiliar sa akin. Patuloy lang ako sa pagtakbo  hangang sa nakakita ako nang isang tao nakatalikod at nakatingin sa buwan. Unti-unti ito humarap sa akin at parang may inaabot na kung anong bagay. 

Lalapit na sana ako nang naramdaman kong may tumusok sa aking katawan bandang dibdib. Puno ito nang dugo. Napatingin ulit ako sa aking paligiran at nagbago ulit ito. Hindi ako pamilyar pero iba ang pakiramdam ko dito. 

Puno nang nagkakasiyahang tao hangang sa may bumaba na isang babae mula sa hagdanan. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa sinag nang araw mula sa kanyang lugar. 

Pagtalikod ko isang lalaki ang nakaturo nang baril sa akin. Napakunot ako nang noo nang binaril ako ni Zeus sa dibdib pero nagulat ako nang sinalo ako nang lalaking nakaconfine sa ospital.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang aking mukha may kung anong bagay siya inilagay sa aking kamay. Nang titignan ko na iyon biglang nawala nalang itong bula. 


Mabigat ang aking nararamdaman at sinusubukan kong imulat ang aking mata pero sadyang mabigat ang aking mga talukap. 

Mukhang panaginip parin ang lahat nito dahil naramdaman kong may nagsusuklay sa aking buhok. Tama panaginip ang lahat bakit nga ba sasabihin ni Zeus ang mga katagang ito.

"You smell like her.."naramdaman ko ang paglapat nang kanyang labi sa aking noo. Ang panaginip kong itong ay napapangiti ako pero hangang sa panaginip ko puno pa din nang katanungan "Kahit hindi pa ako sigurado , lagi ako magtatanong kung sino ka ba talaga because you are a question without an answer in a mystery pandora box"hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi niya dahil sa panaginip ko ay nakatulog na ako. 

Napamulat ulit ako sa nakayakap sa akin. Tumingin ako sa kanya at mukhang natutulog siya kaya unti-unti kong inalis ang kanyang kamay. 

Tumayo at chineck ang kanyang noo. Medyo bumaba na ang kanyang lagnat. 

Sa huling pagkakataon ay hinalikan ko siya sa noo at inayos ang kanyang kumot.

"Ngayon..babalik na sa dati. Hindi na ako si Stephanie at  tandaan mo ako na si Andeng" napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Nakita ko si Brunong nakasimangot. 

"Pinapatawag ka ni Boss"tumango ako at sumunod sa kanya.

Pumunta kami sa kwarto ni Manong Dado kung hindi ako nagkakamali. Malaki ito at malinis.

"Hintayin mo lang dyan si Boss" tumango ako at umalis na siya. Medyo matagal dumating si Manong Dado kaya naglakad ako hangang sa makakita ako nang pintuan nakaawang. Lumapit ako at narinig kong may kausap siya. Lumapit pa ulit  ako hangang sa narinig ko ang hindi inaasahan mula sa kanya. 

"Wag kayong magalala wala nang babalikan ang Orz, sisiguraduhin kong mamatay si Master Zeus" Master? Dati siyang taga silbi ni Zeus? "Opo, wag kayong magalala pagkatapos nang oration ay parehas silang mamatay ni Andeng pagkalipas nang isang buwan bago ang paghahalal at pagkikita nang Pitong kasapi nang Phoenix Society." hindi na ako nagatubili pang ituloy ang pakikinig at bumalik ako sa dating pwesto.


Habang iniisip ang sinasabi ni Manong Dado....Papatayin? Ano ang Orz at Phoenix Society?  Kung hindi ako nagkakamali kasama ako sa mamatay? Hindi imposible dahil wala naman ako kinalaman dito at higit sa lahat alam kong walang naguugnay sa amin. Pero....

Mukhang kailangan kong makaisip nang paraan at tumakas kahit anong mangyari kaso pano ang mga kapatid ko? 

Hindi pwede ngayon...dapat magpalamig muna ako at magisip nang magandang plano.

 Napatingin ako sa kwartong pinangalingan ni Manong Dado. Nakangisi siya at bumuga nang sigarilyo.

"Kamusta siya?" tanong niya sa akin. "Gusto mo bang maglaro Andrea Topacio?" humagikgik siya na para bang nasasayahan siya. Nakuyom ko ang aking kamay at sinamaan siya nang tingin.

"Tsk,tsk, tsk..wag kang magalala. This game will be awesome and interesting" umupo siya sa kanyang lamesa. 

"Ano ba talaga ang gusto mo?"tanong ko sa kanya at pumalakpak siya. 

"I guess mainitin ang ulo mo lalo tuloy ako naeexcite sa magiging laro natin ulit" umiling siya. Napatayo ako at sinamaan siya nang tingin. "Oh relax...wag ka nga masyadong mainitin ang ulo sabi eh." humalukipkip siya. 

May kinuha siyang mask na puti sa kanyang desk at binigay sa akin.

"This is just a Guessing Game"

Itutuloy....




A/N: Salamat sa paghihintay at ung m.v na dapat iuupload ko pagkatapos nitong chapter ay hindi na matutuloy dahil nasira ung mac laptop ko huhu at kailangan ireformat :'( gagawa nalang ulit ako pero sa huli ko nalang ipopost.


Pero kahit ganun masaya padin ako dahil may nagbabasa nito story na to dahil pagkabukas ko nang isang araw  HIGHEST ACHIEVE RANK tayo sa ACTION what's Hot  placing #2 at pa-200K na tayo na kahit minsan di ko inimagine!. Kahit di ako masyado active ngayon sa wattpad ay tinatangkilik niyo parin hehe

Sorry for delay update busy talaga sa school at salamat sa mga umintindi hehe.

Haha salamat sa mga nagcomment nang magaganda last chapter hehe comment lang kayo para makita at maramdaman ang reaction niyo hehe at kung nagandahan ba kayo? HAHHAA

Kanino ba kayongteam? 

#ZeusXAndeng or #RavenXAndeng  sino ba sa kanila ang bet niyo? hehehe pwede rin magsuggest nang iba! HAHHAHA


Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon